chapter 10- it hurts

142 8 2
                                    

yumi.

ilang linggo na din ang nakalipas na hindi ko kinakausap o pinapansin si kaye, kahit lingunin ko ito sa pwesto niya sa likod di ko ginagawa.. lagi niya akong hinahabol at gustong kausapin pero iniiwasan ko siya.. minsan nagpapanggap akong may kausap sa phone kahit wala naman.. minsan din inaaya kong lumabas sina macy ng biglaan para malaman ni kaye na busy ako o hindi ako pwede... kahit sina kath naaawa kay kaye sa paghahabol sakin.. alam naman nila ang dahilan ko at naiintindihan nila yun.. pero kahit masakit patuloy ko siyang iiwasan dahil ayaw ko siyang masaktan pag sinabi kong hindi kami pwede..

"girl.. kawawa naman si kaye.. tsaka ilang linggo na din.. di ka ba nahihirapan sa pag iwas sakanya?" naaawang sabi ni macy sakin..

"oo nga girl.. hindi bagay kay kaye ang naghahabol.. di yan aso.. tao yan.." si gizelle

"alam mo.. di mo nga sakanya sibasabi pero pinaparamdam mo naman sakanya.. ang sakit kaya talaga nun.." si kath

"mas ok na yung maramdaman kaysa sabihin" sagot ko "tsaka nahihirapan din naman ako eh... pero ayaw ko lang talagang magalit si papa.. eh may sakit pa yun sa puso baka atakihin pa sa galit.." paliwanag ko

"sabagay.. pero kailangan mo talagang ipaglaban ang mahal mo sa mga hadlang sainyo.." si kath

"mahal ko si kaye.. pero mas mahal ko si papa.. kaya sa ngayon.. si papa muna ang pipiliin ko" malungkot kong sambit sakanila

"we understand you girl.. basta kahit na anong mangyari.. andito lang kami para sayo.. kahit pa magkamatayan" si gizelle

"kung sa magkamatayan.. kayo nalang.. wag niyo na akong idamay.. mamahalin pa ako ni sebastian noh?!" si macy

"adik!" magkasabay na saway nina kath at gizelle kay macy

"charot lang!" sabi ni macy..





gabi na ako umuwi dahil natagalan pa kami sa labas nina kath sa dami dami naming pinagusapan,, ni di na nga namin alam kung nasaang topic na kami..
pag park ko ng kotse ko may mga naririnig akong tawanan sa loob at naabutan kong umiinom si papa.. may kasama ito pero nakatalikod siya sakin..

"anak! andyan kana pala? halika dito at may bisita ka" aya ni papa.. may bisita? ako? sino?

"sorry po pa' ngayon lang ako.. kumain pa po kasi kami sa labas ng mga kaibigan ko" paluwanag ko kay papa at humalik sa pisngi niya..

"l-leo? bakit ka nandito?" nagulat ako dahil paglingon ko sa gawi niya siya ang nakita ko.. iba kasi inaasahan ko.. tsk

"hi.. ahm... boring kasi sa condo ko kaya naghanap muna ako ng mapupuntahan.." paliwanag niya at lumapit siya sakin..

"bakit dito ka nagpunta?" tanong ko

"kasi nandito ang gusto ko" seryosong sagot niya

"ay! oo nga pala anak.. nakwento niya sakin na may gusto daw siya sayo.. haha nakakatuwa talaga ang batang 'to.. at mga gantong lalaki ang gusto ko para sayo anak" tuwang tuwa na sabi ni papa at umakbay pa kay leo

"papa.. wag ka ngang ganyan.. nakakahiya kay leo.." sabi ko sabay tungo ng ulo ko

"haha.. lasing kana po ata pa' medyo nahihilo na din kasi ako eh.. kanina pa po tayo nag iinom" si leo.. naki papa na din siya ah! kapal ng face! anong meron?!

"haha.. oo nga ijo.. medyo umiikot na ang paningin ko.. maiwan ko na muna kayo" si papa at inilapag na ang bote sa mesa at tinungo na ang kwarto

"tara na.. ihahatid na kita" aya ko kay leo

"nahihilo na ako eh.. wala din yung kotse ko kaya motor ang ginamit ko para iwas traffic" naka ngiting sabi niya

"ako na nga maghahatid sayo.. tara" aya ko ulit sakanya.. at sumunod na siya sakin sa kotse









that guy or that lesWhere stories live. Discover now