Chapter 31 Friendship Over

1.1K 50 6
                                    

RIYU'S POV

AHA!!! Sarap matulog...

Lalo na kung katabi mo yung taong mahal mo...

Minulat ko na yung mata ko. "Nasan si Zeke?" Unan na lang ang yakap yakap ko.

Nakita ko yung sulat sa tabi ng mini Table.

Dear Baby ko,
Good Morning Baby ko! Sorry kung hindi na kita ginising. Mag breakfast ka sa baba okay? Hihintayin kita sa school.... may dadaanan lang ako.
ILY
-Mahal mo


Napangiti ako sa nabasa ko. Ba't may ILY? Anong ibig sabihin nun? I love you? Ehhh! Huwag munang mag assume bes okay?

Malay mo may ibang ibig sabihin nyan.

Tumayo na ako. Inikot ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Ang ganda! Mas maganda pala pag maliwanag. Well organize ang kwarto nya. Sa kwarto ko? Tch! Wag na kayong magtanong! Sabog sabog parang feelings ko.

Hayysstt! San ba ako kukuha ng towel? Aayst! Ang hirap naman pag nasa ibang bahay lalo napag biglaan.

Nakita ko yung mga uniform ko na nakasabit. Oo nga pala. Naka ready na.

Maka ligo na nga.

-

Pagkatapos kong maligo ay nag ayos na ako.

Pagtapos kong mag ayos bumaba na ako para mag almusal."Good Morning Young Lady... This way" sabi sakin ng katulong. Medyo parang ang sungit ng dating. Mana yata kay Zeke ahhahaha!

Tumango na lang ako at sumunod.

Pagpasok ko sa Dinning Area nagulat si Kylie ng makita ako."OMYGOSSHH! Anong ginagawa mo dito?" Gulat nyang tanong kaya napalingon sa'kin ang parents yata nila.

Lumapit ako sa kanila at nag kiss sa cheeks."Good Morning po Ma'am, Sir" bati ko.

"Ano ka ba naman Ija. Tita na lang at Tito. Para namang hindi ka magiging girlfriend ng anak ko." Sabi ng mama ni Zeke.

Girlfriend? Ah? Bahala sila.
Hindi nga ako nililigawan girlfriend agad?

"Sige Ija, maupo ka na." Umupo naman ako sa tabi ni Kylie Syempre."Hindi ka ba ginalaw ng anak ko?" Tanong ni Tito

"Ah? Hehehe hindi naman po mabait po." Sabi ko. Kumuha na din ako ng bacon at mashroom soup.

"Do you mean magkatabi kayo ni Zeke matulog? Yieee! Bat wala akong alam!?" Sabi ni Kylie.

"Oo anak. Ako pa ang nagbihis dyan. Naka uniform pa kasi e." Medyo nahiya pa ako kay Tita.

"Kwento mo naman bili!" sabi ni Kylie.

Ayun kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari.

"Sige na... Mauna na kayo. Baka malate pa kayo. "

"By Dad!, Mom!" Sabi ni Kylie. At nagkiss sa cheeks sa parents.

"Mauna na po kami Tito and Tita Thanks po sa Breakfast" sabi ko at nag kiss din sa cheeks.

"Wala yun Ija. Ikamusta mo na lang kami sa parents mo huh? " sabi ni Tito

"Sige po" sabi namin at tuluyan ng umalis.

-

Nandito na kami sa P.R. kapansin pansin din na ilan lang kami dito. Si Keith na hindi ko parin alam kung anong problema sa'kin. Si Kylie, Ash at Tsuzumi. Wala ang Lions. Saan kaya sila nag punta. Ngayon lang yata sila wala.

BAD BOY'S LOVE Season 1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon