5

19K 242 24
                                    

HINDI ako makatulog. Naiisip ko si Rori who's just inside the room. Tumayo ako sa sofa at sumilip sa kuwarto. Kaninang iniwan ko siya ay may kumot pa siya. Pero ngayon, parang dinaanan ng bagyo ang kama. Malikot pala matulog itong si Rori. Nakadapa na ito ngayon at bahagyang nakababa sa balikat ang strap ng dress niya. Nakita ko rin na nakaangat na ang skirt niya kaya nakita ko rin ang underwear niyang kulay itim. Para siyang nilalamig pero tulog na tulog pa rin siya. Paano naman kasi, bakit siya nagsusuot ng mga ganyang ka-sexy na damit? Pinipigilan ko ang sarili ko na titigan si Rori kaya ipinikit ko ang mga mata ko at tumalikod.  I respect her too much to stare at her almost naked body. Patalikod akong pumasok sa loob ng kuwarto habang kinakapa kung saan ako papunta. Nang makarating ako sa kama ay kinuha ko ang kumot, pero hindi pa rin ako tumitingin kay Rori. Kinumutan ko siya bago ko siya ulit tiningnan. Mahimbing pa rin ang tulog niya. Tahimik akong lumabas ng kuwarto at pumunta ako sa mini-bar. Binuksan ko ang bote ng alak at lumagok ako. Mukhang mahihirapan ako matulog kaya lumagok ulit ako ng mas madami. Halos maubos ko ang isang bote. Sigurado, tatamaan ako nito at mabilis makakatulog. Lumagok ulit ako at inubos ko na ang isang bote para sure na sure na makakatulog ako. Tinungo ko na ang sofa at pumikit.

My thoughts of Rori are making me feely guilty. Ayoko ng binabastos ko ang prinsesa ko kahit sa panaginip ko... pero p*cha, tao lang ako. Bakit ba hanggang panaginip idedeprive ko ang sarili ko mangarap na nagme-make love kami ng prinsesa ko? Hindi ko na pinigilan ang thoughts ko. Hanggang panaginip lang naman ako, dahil sa totoong buhay, ihuhulog ko muna ang sarili ko sa bangin, bago ko gawin ang mga pinag-iisip ko kay Rori, lalo na kung hindi niya din gusto.  Dahil sinunod ko ang sarili ko, sure enough, inantok ako at napapikit na ang mga mata.

__________________________

I woke up and thought I was in my room. But, I'm so familiar with my room kasi it's color Pink, and I have white lights on the ceiling of my bed saka tulle to accentuate it. I decorated my room myself the way I like it. Parang pang-princess. Kaya alam ko kaagad na hindi ko ito kuwarto. Pang lalaki ang hitsura ng kwarto. White at brown na may mga modern decorations and painting.  Napabalikwas ako at napansin ang kumot na nakapatong sa'ken. Sinilip ko sa kumot kung naka-damit pa ako. Nakahinga ako ng maluwag nang makita na suot ka pa rin naman ang damit ko. I checked my gold wrist watch and realized na lumipas na pala ang isang araw. Nagmadali akong bumaba sa kama at nagtaka kung kaninong kama ito. Tapos naalala ko na si Percival nga pala binuhat ako kahapon. Siguro kama niya ito. Bumalik ako sa kama at inamoy ang unan na ginamit ko. Perfume at shampoo ko na ang naamoy ko  doon. May isa pang unan sa tabi kaya kinuha ko yun at inamoy ko. Kapareho nung amoy ni Percival kahapon nung umiyak ako sa balikat niya. 

Hihihi! Kinikilig ako! Napaisip ako kung saan siya natulog. Siguro tulog pa yun dahil 4:00am pa lang naman. Dahan dahan akong lumakad papunta sa pintuan para lumabas ng kuwarto at hanapin siya. Sumilip  muna ako at nakita ko na may taong tulog sa sofa. Kahit madilim, feeling ko si Percival na iyon kaya nag-tiptoe ako papunta sa sofa.

Siya nga! Naka-t.shirt at pajamas siya pero bakat ang mga muscles niya sa dibdib at braso. At bakat din ang tootoot niya! Nyahahaha! Nagba-blush ako sa pinag-gagawa ko pero kinikilig ako! Gusto kong tumili at tumawag sa mga kaibigan ko! Hihihi! Kaya lang hindi ko alam kung nasaan yun bag ko. Nandoon ang mobile phone ko. Anyway, mamaya na ang bag. Si Percival muna ang pagtutuunan ko ng atensyon. Hihihi!

Dahan dahan akong lumuhod para pagmasdan ang maamo niyang mukha at inilapit ko yun' mukha ko sa leeg niya.

Hmmm! Bango bango! Luuuuurv it! May matching tirik tirik pa ng mata! Hehe!

Hindi pa ako nakuntento. Umulit pa ako ng amoy sa kanya. Hihihi! Napatagal ata ang pag-amoy ko at naramdaman niya ang hininga ko dahil gumalaw ang hibla ng buhok niya sa may bandang tenga kaya inangat niya ang kamay niya. Siguro para magkamot, pero napunta ang kamay niya sa mukha ko at bahagyang natamaan ang pisngi ko.

Loving Mr. Elusive (Completed/ Published in Dreame app)Where stories live. Discover now