4

20K 247 33
                                    

PUERTO PRINCESA, PALAWAN

OUT of all things that could happen, this is the worst possible thing! I lost my Chopard's Sunglasses! Uggh! And, what's worst, isang oras na akong nandito sa airport.

Huhu! I'm famished! Bloody hell!

Ay, oo nga pala! Pinapraktis ko palang hindi mag-english with British accent. Iyon ang bilin sa'ken ng mga kaibigan ko. Kung yun' pagsasalita ko daw ng British accent ang kinaiinisan ni Percival sa'ken, I might as well refrain from talking that way. Mabuti pa ang mga kaibigan ko, tanggap ako for who I am. Kahit sabihin nila ako ng maarte ako, they tell me naman my good points. Hindi yun' 'maarte lang ako'. Yun lang. Wala ng ibang nakita sa'ken na magandang qualities si Percival.

Hmp! Hay! Bakit ko nga ba siya iniisip? He's not even thinking of me. Granny told me she told Percival that I would arrive today para may mag-sundo sa'ken. Pero hanggan ngayon, wala pang sumusundo sa'ken. Huhuhu! Naiinip na ako kaya umupo na ako sa isa sa mga maleta ko. Ngawit na ngawit na kaya ang paa ko while I'm wearing stiletto. So, while waiting, I checked myself first.

Hair lovely. Check! Clothes stylish. Check! Skin, beautifully clean and made up. Check! Finally, to always smell nice, a touch of perfume. Check!

Kung maluluka rin naman ako dito sa kakahintay, gusto ko pa rin naman na maluka na maganda ako, diba?

Napatingin ako duon sa Hummer na sasakyan sa harap ko. Mabuti pa yun' nasa loob nung sasakyan, kanina pa naka-air con habang naghihintay. Samantalang ako naman dito sa labas naiinitan. Nalulusaw na ang make- up ko. Next time, ang gagamitin ko ng make up yun' water proof! Buti na lang nadala ko yung make up kit ko.

Speaking of my make up kit, alam kong OA magdala ng isang small size na maleta for that, pero mabuti na rin ang ready diba kesa hindi? Paano kung merun palang kailangan magpa-make up sa'ken at ang skin tone niya ay hindi katulad ng skin tone ko? Diba ang pangit lang nun? Maputi ang face niya pero kayumangi ang leeg? Syempre ayoko ng basta basta when I do something. I'd like to make sure beautiful ang mga ginagawa ko, hindi hideous.

Habang naghihintay pa rin ako sa sundo ko (kung sino man ang magsusundo sa'ken), nagpaypay muna ako gamit ang super laki kong pamaypay. I got this fuchsia pink huge fan from Beabi. Suddenly,my Iphone rang. It was my Granny. She told me that Percival called and he couldn't personally pick me up from the airport.

Really? Balak pala niya akong sunduin? Hihihi! Kinilig naman ako!

But, he told Granny daw that he suddenly had a meeting so he was supposed to send one of his staff to the airport to pick me up. Kaya lang lahat daw ay naka-enggage ngayon sa mga trabaho. In other words, mag-taxi na lang daw ako.

Uggh! Ano pa ba ang maeexpect ko dun kay Percival? How ungentlemanlike, diba?! Hmp!

Tumayo na'ko sa maleta at pumara ng taxi. Sinabi ko sa driver na ang punta namin ay sa Hotel Centro. Pumayag naman ito. Nagpatulong ako sa taxi driver na buhatin ang mga maleta ko. Pero pagkakita niya sa maleta ko ay napakamot siya sa ulo.

"Why manong? May problema ba?" tanong ko sa kanya habang nakaupo na ako sa backseat.

Tinuro niya ang anim kong malalaking maleta at isang maliit na maleta. "Ma'am, marami po kasi. Ang kasya lang po sa likod ay dalawang maleta. Yung apat po, diyan ko sana ilalagay sa backseat. Puwede po ba kayo sa harapan maupo?"

Lumabas ako ng backseat. Kahit naman maarte ako magsalita, koboy din naman ako. Walang problema sa'ken kung sa harap ako umupo. Pero inurong kasi ng taxi driver yung upuan ko para magkasya ang mga maleta ko. I tried na maupo sa passenger's seat. Malapit na ako sa dashboard. As in! Tapos, si manong ibinigay pa sa'ken ang small kong maleta. Hindi na daw kasya.

Loving Mr. Elusive (Completed/ Published in Dreame app)Where stories live. Discover now