Chapter 22

0 0 0
                                    

Max Erika's POV

Nagising ako sa ingay ng phone ko -_- Aga-aga!

"What?!"

"Wow~~ hello rin! Good Morning sayo ah!" - Gusto ko ng ibato ung phone ko nang marinig ko yung boses ni Keisha.. -_-

"Gusto ko lang siguraduhin papasok ka. Dahil buong araw kang walang sa bahay nyo kahapon! Kelangan ko ng explanation!!" - Eh? Naalala ko yung nangyari kahapon... Tangna!

Inend ko na ung call... Bat naman ako mag eexplain?! >_<

Tinignan ko ung wall clock ko.. 5:04am.. Ang aga pa >_<

Bumangon na ko dahil tama lang! Lulutuan ko si Nerd ng Breakfast...

Bumaba ako at pumuntang kusina..
Inumpisahan ko ng mag prito ng egg at bacon.. Tapos ginisa ko ung kanin.. Buti na lang natandaan ko ung pag-gisa ni Yaya Bell ng kanin .. Mahina lang rin ung apoy para hindi masunog agad..

Nung matapos akong magluto, nilapag ko na lahat sa mesa tapos tinakpan ko.

Umakyat na ulit ako tapos naligo at nagbihis na.. Time check, 6:04am..

Bumaba na ko pero wala pa si Nerd.. Mga katulong pa lang ung nakikita ko.. Kumuha ako ng isang chocolate sa ref tapos nilagay sa bag ko.. Nag-iwan na rin ako ng note dun sa mesa na nauna na kong pumasok..

Pagkahatid sakin ng isa sa mga driver namin, sinabihan ko syang ihatid ulit si Nerd dito.. Wala kasi si Manong Rey.. Napagod ata kahapon..

Pag dating sa room wala pang tao..

Umupo lang ako kaagad sa upuan ko..
Hmmm...

Kumuha ako ng isang colored paper sa bag ko tapos sinulatan ko ng "Good Morning! ^_^" nilagay ko yun sa upuan nya tapos pinatungan ko ng chocolate na kinuha ko kanina sa ref..

Cheap ba?! Eh sa hindi naman ako marunong mag effort eh! >_<

Nagsidatingan na yung ibang kaklase ko pero wala pa rin si Nerd.. -_- Nasan na ba yun?!

"Hi Max! Good Morning!!" - Nilapitan na naman ako ni Matt.. Tumango lang ako tapos iniwas ung tingin sa kanya.. Bat kasi wala pa si Keisha tsaka si Nerd?! -_-

Dumating na ung teacher namin pero wala pa si Nerd at si Keisha.. Nasan na ba yun?!









Sampung minuto na simula ng dumating ang teacher namin pero ni anino ni Nerd, wala.







Nasan na ba kasi? Di ba sya papasok?










"Maam! Sorry po kung late ako.. Sorry po" - Agad na nag silingunan ang lahat sa lalaking nagsalita sa may pinto. Timango naman yung teacher at pumasok si Nerd. At dumiretso sa tabi ko.. Tinignan nya ko nung nakita nya yung chocolate tapos nilagay nya sa  bag nya..








"Bakit ka late?" - bulong ko sa kanya..








"Late ako ng gising eh.. Sayo ba galing yung chocolates?" - Tumango lang ako..









"Thanks!"









Nag nap ako dahil inaantok ako..









"Ms.Fernandez!" - Ready na sana akong bulyawan yung teacher na sumigaw sakin pero naramdaman kong nakatingin sakin si Nerd ...









"Po?" - Halos lumuwa yung mata ng teacher na yun pati ung mga kaklase ko, nung mag-po ako -_- Pasalamat kayo nandito si Nerd!







When She Fall Inlove.Where stories live. Discover now