Chapter 6

4 0 0
                                    

Max Erika's POV










Sa sobrang inis ko, hinagis ko ung unan ko kung saan.Napatingin ako sa wall clock ko.. 6:00am.. Anak naman ni Mama oh! 7am ang pasok ko! Wala pa kong tulog! Ano ba kasing ginawa sakin ng Nerd na yun?!









*tok! tok!*










"Gising! Tumayo ka na jan! May pasok pa!" - Imbis na boses ni Yaya Bell o kung sino mang katulong ang boses na marinig ko, Boses ni Nerd yung narinig ko.. Walang tigil na katok pa ang isinabay nya sa bunganga nya -_-









"Pwede bang tumahimik ka?!" - Sigaw ko sa kanya mula sa labas ng kwarto ko.Nakakalimutan ata nyang nasa pamamahay ko sya. -_-










"Mag bihis kana." - Argh! Masyado ng matapang ang loob ng Nerd na to. Hindi porket pinatuloy ko sya dito pwede na syang makialam sa buhay ko.










"Hindi ako papasok. Go! Umalis kana!" - Totoo. Wala akong balak pumasok dahil antok na antok pa ko! At sa kasamaang palad.. Kasalanan ng Nerd na to!










"Papasok ka." - Yun na lang ung huling sinabi nya at Nakarinig na ako ng yabag pababa sa hagdan. Buti naman umalis na sya -_- Makakatulog na ulit ako..

**

Hindi ko alam kung bakit nagbibihis na ko ngayon.. Sabi ko hindi ako papasok diba?! Ahhh! May magic ba ung lalaking yun at napapasunod nya ko?! >_<

Bumaba na ko para pumunta sa kusina, nakita ko si Yaya Bella na napaka-lawak ng ngiti. Hindi ko pa pala naeexplain sa kanya. Kagabi kasi sinabihan ko lang sya na ihatid si Nerd sa Guest Room.. Alam ko may iba na namang iniisip yan -_- At kung ano man yun, No. And Never.










Nakita ko si Nerd na nakatayo lang sa may gilid ng kusina. Hindi ko alam kung kakain ba yan o may balak syang hintayin ung pasko. -_- Bahala sya.











"Hoy Nerd! Hindi ka kakainin nung pagkain!! Umupo ka na tapos kumain ka na!" - Umalis na ko agad at pumasok sa kotse. Dadaan na lang kami ni Manong Rey sa Jollibee. Mas okay pa dun. 











"Ija? Boyfriend mo ba yun?" - Muntik na kong mabulunan sa sarili kong laway dahil sa sinabi nya. Nagbibiro ba sya? Never kong papatulan yung Nerd na yun.










"No.. Manong, gutom na ko.." - Pinaandar na ni Manong Rey yung sasakyan at as usual, dumaan din sa Jollibee para makakain..











Pagdating sa school, taas noo at diretso lang ang lakad ko, pero may tatanga-tangang bumanga sakin.











"Argh! Pwede bang tumingin ka sa dinadaanan mo?!!" - hindi ko alam kung sino tong bumanga sakin dahil pinupulot nya ung mga gamit nya..












"Sorry.." - Muntik ko na atang masampal ung nasa harapan ko ngayon, nung makita kung sino sya.. pero kailangan imaintain ang mood. Wag kang magpahalata Max.. Easy lang yang babaeng yan.. Pero, Bakit nandito sya?!












"Wow.. Look who's here.. Hi Pauline!" - isang ngiti ang binigay ko sa kanya. Take Note: NGITI. NGITING DEMONYO. >:D 😈😈










"Ah.. Hello.. Erika.." - Woaaah! Woaaah! Gusto ko sanang pumalakpak dahil tinawag nga ko sa Second Name ko. Feeling close pa rin te? Wala na syang karapatang tawagin akong Erika. Dahil ang tumatawag lang sakin nun, ay yung mga taong MAHAHALAGA SAKIN. WHICH IS WALA. SO, NO ONE CAN CALL ME ERIKA.












When She Fall Inlove.Where stories live. Discover now