3: Sabi Mo

491 8 6
                                    

SABI MO

Sabi mo ako lang sapat na,
Ako lang at wala ng iba pa.
Eh ngayon nasaan ka na?
Masayang tumatawa kasama siya.

Sabi mo iba ka sa kanila,
Di mo ko sasaktan tulad ng ginawa nila.
Aalagaan mo ko kasi di niya nagawa,
Tas ngayon kung iwasan mo ko parang di ako naging mahalaga.

Sabi mo ipaglalaban mo ko,
Patutunayang ako'y talagang mahal mo.
Aantayin ang tamang panahon,
Ngayon ay isa na lamang imahinasyon.

Sabi mo walang susuko,
Kakayanin natin hanggang dulo.
Magiging ikaw at ako,
Ngayon ay ikaw at ang bago mo.

Sabi mo mahal mo ko,
Nangako ka na hindi ka magloloko.
Pero ngayon alam ko na,
Na ang mga iyon ay sabi mo lang pala.

By:
Fiorebelle 😘

Hugot PoetryWhere stories live. Discover now