"Something like that, Sir." Sagot nito.

"How do you meet Kahlan by the way, iho?" Pag-iiba nito ng tanong. Pakiramdam ni Mark ay nakatutuk sa kanya ngayon ang maraming camera. At uulanin siya ng maraming katanungan. Ngunit para kay Kahlan ay handa niyang sagotin ang itatanong ng mga ito sa kanya. Wag lang sabihing layuan niya ang dalaga dahil makakapatay siya ng tao.

"We'll it's a long story, Sir if how I meet Kahlan." Sagot nito sabay tingin niya sa mukha ni Kahlan at dinala niya sa kanyang labi ang hawak niyang kamay ng dalaga at hinalikan niya ito.

"Yun ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko ang makilala siya. Everything change when I meet her. She is a amazing girl. At ayaw mawala ang taong ito sa buhay ko. Ayaw kung may kaagaw ako sa kanya. She is my everything and I love this girl." Anitong kinalaki ng mata ni Kahlan. Hindi kasi niya akalain ang huling sinabi ni Mark. Mark love her. Parang gusto tuloy niyang magtatalon sa tuwa dahil sa tinuran ni Mark.

"M-mark."

Tanging lumabas sa bibig ni Kahlan matapus ang narinig niya ngayon sa binata.

"Oh! Ang sweet naman." Tila kinikilig na saad ng babaeng katabi ng lalaking nagtatanong kay Mark.

"Okey! later niyo na ituloy kung ano man yang usapan niyo dyan at ang dinner ay handa na." Boses ng ina Kahlan.

Agad namang nagsitayuan ang mga ito upang dumulog sa hapag kainan.

"Mark?"

Mahinang tawag ni Kahlan kay Mark.

"Ang lahat ng narinig mong sinabi ko ay totoo yun. I love you Kahlan. Yun ang sinasabi nito." Ani Mark sabay kuha niya ng kamay ng dalaga at dinala niya yun sa kanyang dibdib. At ramdam naman ni Kahlan ang tibok ng puso ni Mark.

"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko." Matapat nitong aniya. "It's okey, handa naman akong maghintay. Just stay with me ay kuntento na ako doon." Anito. Napangiti naman si Kahlan sabay tingkayad nito at inabot niya ang labi ni Mark at dinampian niya ito ng halik.

"I love you, too, Mister snobber." Ani Kahlan na kinalapad ng ngiti ni Mark.

"I knew it. I knew it that you love me, too." Ang masayang ani Mark. Masaya ang dalawang sumunod sa mga itong dumulog sa hapagkainan kung saan nakahanda ang dinner. Ipinaghila ni Mark ng upoan si Kahlan bago siya naupo sa tabi nito.

Tahimik ang bawat isang kumakain. Tanging kalingking ng kutsara't tinidor ang maririnig mo. Tila walang gustong magsalita hanggang matapus silang kumain. At si Mark ay naging magana lalo ng kumain siya dahil parang nawalan siya ng tinik sa lalamunan at nasabi niyang mahal niya si Kahlan at mahal din siya nito.

Makalipas ang halos isang oras na pamamalagi ng mga bisita ng magulang ni Kahlan ng magpasya ang mga itong umuwi na. Napag-alaman din ni Mark na kapatid ng ama ni Kahlan ang ginang na nandoon.

"Your coming with me?" Mahinang tanong ni Mark kay Kahlan. Isang tango naman ang isinagot nito kay Mark. "Kukunin ko lang yung mga gamit ko sa room ko. Just wait me here." Ani Kahlan na agad umakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila kung saan ang kwarto niya.

"Mom, Dad, doon ulit ako matutulog sa bahay ni Mark." Ani Kahlan na dala ang mga gamit niya. Natawa naman ang kanyang ina.

"May magagawa pa ba kami e dala muna ang mga gamit mo anak." Anang ina ni Kahlan na kinatulis ng nguso nito.

"Mommy, talaga." Anito sa ina.

"Oh! siya mag-iingat kayo sa daan." Habilin ng ina ni Kahlan sa kanila.

"Yes! Mom."

"Sige po, tita, tito. Alis na po kami." Paalam ni Mark sa mag-asawa at tinanguan naman si Mark ng ama ni Kahlan. Agad na binitbit ni Mark ang dalang gamit ni Kahlan gamit ang isa niyang kamay, habang ang isa naman niyang kamay ay nakapulupot sa baywang ng dalaga. Ng marating nila ang sasakyan ni Mark ay agad nitong inilagay sa passenger seat ang mga dalang gamit ni Kahlan bago niya ito ipinagbukas ng pinto. At ng makapasok sa loob ng sasakyan si Kahlan ay saka nagmadaling gumawi sa driver's seat si Mark. Ng makaupo sa driver's seat si Mark ay tiningnan nito ang mukha ni Kahlan na ipinagtaka ng dalaga.

I Knew You Love Me(Completed)Where stories live. Discover now