One Month - 5

2.4K 123 1
                                    

Lagpas hatinggabi na. Yven's sitting awkwardly on his bed. Hanggang ngayon ay namumula pa rin siya. Ako naman ay katatapos lang maligo at nakapagdamit na.

"Nakapaglinis ka ba nang maayos? Sorry if I had to come inside. Hindi ko na kasi napigilan. Ang galing mo naman kasi—"

"Shut up!"

"Sigurado kang first time mo 'yun?" biro ko sa kanya.

"Of course it was!" singhal ni Yven.

"I'm just kidding. I'm honored to be the one to take away your—"

"Oo na!" singhal naman niya.

Kinuha niya ang wallet niya mula sa drawer sa gilid ng higaan, pero agad ko naman siyang pinigilan.

"'Wag na," sabi ko.

He frowned at me. "But I promised that I will pay," sabi ni Yven.

"Hindi ko 'yan tatanggapin kaya itago mo na lang 'yan na wallet mo," sagot ko naman.

"Pero—"

"Ako ang nagbigay ng serbisyo sa 'yo, so ako ang may karapatang magsabi kung magbabayad ka o hindi. Just give me your number," sabi ko.

He stared at me. "Number?"

I rolled my eyes.

"Number! Phone number!" sabi ko naman.

"Oh, sorry," sabi ni Yven.

Inabot ko sa kanya ang phone ko. Kinuha naman niya 'yun at saka siya nag-type.

"Thanks," sabi ko naman pagkabalik niya ng phone ko sa 'kin.

Pinadaanan ako ng titig ni Yven. "Uh, you can still stay here if you want. Halos ala-una na. Madilim na rin sa labas," sabi ni Yven na nakayuko na sa binti niya.

"Stay here?"

"Stay here in the house. May rooms dito. At least kung ayaw mong tanggapin ang bayad ko ay dito ka na muna matulog. Baka kung ano pa ang mangyari sa 'yo sa daan," sabi niya.

I smiled. "Sure. I can accept that," sabi ko naman.

Yven stood up and led me out of the room. Sa katabing kwarto lang naman niya ako dinala. Halos kasing-laki rin 'yun ng kwarto niya.

"Don't worry. Malinis dito. Basta 'wag ka lang magulo," sabi niya sabay hikab.

"Sige. Matutulog ka na rin?" tanong ko.

"Yeah, pero sa ibang kwarto na muna ako matutulog. I still need to remove the bedsheets because of… you know it," sabi niya.

I smirked. "Oo na. Good night?"

Yven smiled a bit. "Good night."

Sinara ko na ang pinto bago ako humiga sa malambot na kama. I stared at the ceiling, smiling to myself like an idiot.

Nakatulog na lang ako sa kakaisip kay Yven.

•••

Nagising ako nang sumunod na araw sa amoy ng nilulutong agahan. Bumaba ako sa sala at naglakad papunta sa kusina. Doon ko naabutan si Yven na nakasuot ng apron at nakaharap sa isang kawali.

Pinadaanan ko na muna ng titig ang likod niya hanggang sa binti bago ako nagsalita.

"Good morning," bungad ko sa kanya.

Lumingon siya sa 'kin bago siya ngumiti nang bahagya. "Hello. Nagluluto ako ng macaroni soup. Umupo ka na. Malapit na rin 'tong maluto," sabi ni Yven.

One MonthWhere stories live. Discover now