Hindi siya umimik, samantalang ako, parang mas masakit pa sa pinagdadaanan ni Mama, mukhang, pakiramdam ko, ako 'yung anak, eh. Hindi ko maiwasan na manikip ang dibdib, parang gusto ko ng sumigaw.


"Honey, please, alam namin na masakit, pero kailangan mo nang tumahan, halika," napatayo ni Papa si Mama mula doon sa may lupa. "Everything will be alright, honey. Just cry...in my arms." GRABEH LANG, ganito ba talaga ang mga taong in love, kahit saan, pinapakita nilang in love sila. Pambihira! Pabili nga ng pag-ibig diyan! But then, love can't be bought any amount of diamonds.

Buhat doon sa sinabi ni Papa, my mother hugged him, and cry in his...arms. Saka, dahan-dahan na ni Papa na napalakad si Mama papunta sa sasakyan. Then, nakita naming papalakad din dito ang asawa ni Jessica, at Jenelle. SILA NA ANG MAY LOVEIFE! Panira ng emote moment tong dalawang 'to.


"Jess, you okay now?" napatango si Jessica na hindi sigurado.


"Honey, let's go, sa akin ka na lang din umiyak. Mukhang, magiging effective kasi ang suggestion ni Papa," hay naman...napangiti si Ate na may lungkot, saka, lumapit sa asawa niya sabay hawak sa beywang, sabay akbay sa balikat ni Jenelle. SILA NA TALAGA.



"Mauna na kami Jess, Chan, hihintayin ko kayo sa mansion."


"Sige Ate, huwag ka lang umiyak ng husto, baka hindi kayanin ng mga braso ni Kuya," nakabawi si Jessica, that was my girl.


"Kaya niya," oh..pinagtanggol ang asawa. Nagtinginan kami ni Jessica, habang yumakap siya sa kanyang asawa ulit.


"Bayaw, huwag mong sabihin, e-sa-suggest mo rin yun kay Jessica. Kung gagawin mo 'yun, sasabihin kong wala kayong originality ni Kuya Xander sa pang-di-diskarte."


"Well, I guess, ito ang sasabihin ko, baby girl, everything will be alright. Just cry because I am here every seconds..." mapang-diskarte rin ang pagdadalamhati, eh.





"A 95% original..." napasagot si Jessica. "Hihintayin ka namin, Chaniel. Kung gusto mong umiyak, umiyak ka lang. Kung gusto mong sumigaw, sumigaw ka. There will be no one stopping you."


"Iiyak mo hangga't mawala ng bigat, Chan, basta, huwag ka lang magpapagabi ng husto," napatango ako kay Andrei habang nikakayap niya ako na parang Kuya ko siya. Naman, supportive talaga itong si Andrei.


"Thank you, bayaw. Mag-ingat kayo, Jessica."


"Don't cry too much, baby girl. Baka magtampo si baby sa'yo," yun ang narinig ko habang papalayo silang dalawa. Masaya silang dalawa, ang dalawa kong kapatid. I meant, hindi pa ako handa mag-asawa, pero, masaya naman talaga ang mag-asawa.


"Kita mo, Lola. Malungkot mag-isa, nakakaumay, nakakabagsak, nakakawala ng self-confidence at nakakainggit. Nakakainggit dahil parang pinagkaitan ka ng partner in life. Di ba, ikaw lang naman ang partner in life ko maliban kay Laura. Ikaw lang din ang naniniwala na kaya ko lahat basta kumapit lang sa sariling kakayahan. Hindi ako kasing talino ni Ate at kasing tapang ni Jessica, matatag at masayahin akong tao, pero kapag mahal ko na ang nawala, babagsak ako na parang lobo na nawalan ng hangin Lola. Sino pa ngayon ang maniniwala sa akin? Yung maniniwala na may pagmamahal ako. Boys only left me, pa-sikreto na nga, hinihiwalayan pa ako. Sinabi mo noon, Lola, hindi ako mahuhulog ng ganoon sa isang lalaki, dahil masasaktan lang ako, at that was the best advice I never do. Sana ginawa ko na lang? parang hindi ako nakokonsensiya ng ganito, na sa lahat ng pag-aaruga at pagpapayo mo sa akin, may isang mahalagang bagay na hindi ko nagawa. Yan tuloy, wala na akong mapaglapitan ng break up moment ko."


I have a boyfriend last three months, actually, palihim lang siya, naging kami for two, at naghiwalay last month. Alam niyo naman kung bakit naglilihim kami ng relasyon, dahil sa isang kasunduan. Definitely, babaero ang lalaking iyon, masyado lang akong nadala sa charms at flowery talk  niya, sana, napagtanto ko kaagad na ganoon ang mga lalaki. Kaya ngayon, nandito na me, naloko na, nawalan pa ng minamahal.


Ang problema ko ngayon, kung paano ako makakatakas sa isang mapaglarong buhay dito sa Pilipinas? Paano ako makakatakas sa isang mapag-isang buhay dito sa Pilipinas? Mga kapatid ko may kanya-kanyang kasiyahan, noon, ako lang ang bestfriend nilang dalawa, ngayon may asawa na sila? AT YUN ANG DIN ANG MASAKIT. Sana hindi ko na lang tinulungang magkabati ang mga asawa nila? Eh, ako ang dehado sa huli. Then, yung ex-boyfriend ko, playboy, badboy, kinama ba naman ang ang isang kong friend. Hindi ko akalain na magagawa yun ng kaibigan ko sa akin. At isa pa, nawala na si Lola sa akin, my best comforter, wala na magandang memories ang Pilipinas ngayon? Puro mapait...actually, hindi pala buong Pilipinas, Manila at Baguio lang pala.


Dahil sa sinabi ni Jessica, na sumigaw, sumigaw ako ng sama ng loob, kabigatan ng damdamin. Umiyak ng umiyak sa harapang puntod, umaasa na mawala 'yung sakit. Hinga ng malalim, magiging baliw na ako nito. Exhale. Inhale-exhale...then, umiyak na naman ako.


"Hindi ko talaga alam, Lola, masyado ba akong maganda para lokohin na hindi naman ganoon kagwapong lalaki. Kung si Eros lang yung nanloko sa akin, tatanggapin ko, pero hindi, eh. Yung kumag kung ex-boyfriend na napaniwala ako sa forever, na sa pagkakaalam ko, wala namang forever."


I am speaking of Eros, that heartthrob award-winning actor in the Philippines. Mala-gwapong hindi maipaliwanag na gwapo na may appeal talaga sa mga babae, kaya, maiintindihan ko rin kung bakit iiwanan niya ako...kung sakaling mapansin niya ang ganda ko. Pero, kahit si Eros o sino pa 'yan, hindi ko talaga maiintindihan bakit ako iiwanan.


"Ano ba talaga ang iniyakan mo ang pagkawala ng Lola mo, o yung panloloko ng ex-boyfriend mo?" may nagsalita sa likod ko, tumingala ako sa kanya and he was a guy with a sunglasses, with a leather jacket, smiling at me. I barely saw his face because my eyes were full of water slash tears.

"Wala kang paki." Kinuha ko 'yung panyo na iniabot niya, at saka pinahid ko sa mga luha na ayaw tumigil sa paglabas sa mga mata ko. "Kung sino ka man, please, umalis ka na. At, thank you sa panyo mo. Balik ka na lang dito sa sementeryo kung kailangan mong kunin."

"Well, papaalis na naman ako, I was just praying at my grandfather's grave, accidentally saw you, kaya sinubukan kong lapitan ka. By the way, Harry ang pangalan ko." Hindi ko pa rin siya tinatapunan ng tingin, at naka-focus lang ako sa mga luha na natutulo sa harapang lupa. Wala akong balak makipagtinginan sa lalaking ito, kung saan-saan galing lang.


"Chaniel..." at, paglingon ko, wala na siya! HALA...agad-agad? Tumingakayad ako, and I saw him got inside a sports car parked just in the road below this cemetry. "Hindi man lang ako pinabigkas ng pangalan ko. Ang sama ng mga lalaki ngayon, bakit ang hilig nilang mang-iwan ng mga babae? Hindi minsan, pero madalas." Based on experience.


❤❤ ❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

Love❤❤ Love❤❤

VOTE PO!

A Very Special Romance (BOOK 3 COMPLETE)Where stories live. Discover now