HHB (8)

4.2K 237 28
                                    

- Rhian -

Pinilit kong idivert ang isipin ko dahil ayoko ding masira ang kasiyahan sa gabing ito. I know that Glaiza is really trying so hard na mapawi ang negative impact na dala nang magkabigla ko sa muling pagcommunicate ni Jason sakin...


The dance floor is so alive, idagdag mo pa ang napakagandang set ng DJ na ayon kay Glaiza ay kaibigan nya but I never heard of it before...

Hype na hype sa pagsasayaw si Glaiza habang si Aljur at Kylie ay moderate lang...

Biglang nagpalit ang tugtog... It's the remix of Shut Up and Dance

Isa iyon sa lagi naming sinasayaw ni Glaiza sa bahay kapag nabobored kami at nagawan pa nga namin iyon ng choreography kaya nang marinig namin iyon ay nagkatinginan kami...


Talagang gamay na gamay na namin ang isat isa kaya kahit wala nang salitaan pa, alam na namin ang ibig sabihin ng mga tingin...

Lumapit ito sakin at nagsimula na namin itong sayawin.

Hataw kung hataw...

Biglang nagsitabihan ang mga nasa dance floor at naging center of the crowd kaming dalawa...

Tuloy lang kami sa pagsasayaw... Bawat galaw ay saktong sakto. Walang nagmimintis...

"Oh, don't you dare look back.
Just keep your eyes on me."
I said, "You're holding back,"
She said, "Shut up and dance with me!"
This woman is my destiny
She said, "Ooh-ooh-hoo,
Shut up and dance with me."


Pareho naming ginawa ang bawat steps ng sayaw na iyon kaya kabisadong kabisado namin ang bawat galaw...

May mga iilang nagsipalakpakan hanggang sa napuno ng hiyawan ang buong paligid...

Then finally, we end up the dance with our game face and maangas pose...

Para lang kaming sumali sa dance competition... Palakpakan na halos lahat ng tao pagkatapos namin humayaw.

Biglang nawala ang kanina ay bumabagabag sa isipan ko... Napalitan ito ng aliw at saya...

"Feel better?" Tanong nito sakin habang nakatayo pa din kami sa gitna at bumalik na ang mga tao sa pagsasayaw

"Yeah!" And I manage to smile widely. Hindi na pilit gaya ng kanina.

"Good! Halika na muna sa table, hiningal ako don Lab! HAHAH! But that was cool!" Masayang sambit nito

"Awesome!" I said in agreement

Mabilis nitong sinampay ang kanyang braso sa balikat ko habang ako naman ay napahapit na lang sa baywang nya...

We walked back to our table.

"Oh, nasan na yung dalawa?" Taka ni Glaiza

"Aba ewan! Andon lang din sila kanina e... Baka naiwan pa at nagsayaw, di lang natin napansin."


Kumibit balikat lang si Glaiza.

Hard Habit to Break #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon