8

9.9K 370 4
                                    

Walang pasok ngayon dahil Sabado at tirik pa ang araw kaya halos walang tao este bampira pala. Nakakaboring sa dorm ko kaya naisipan kong maglakad-lakad tutal medyo safe naman dahil umaga.

Naka white floral dress lang ako na above the knee ang haba. At pinusod ko ang buhok ko. Tadaaaa! Perfect!

Nakarating ako sa gitna ng University. Malawak ito at may mga benches sa dulo. Napaka refreshing ng paligid kaya umupo ako sa isa sa mga benches at pinikit ang mata at dinamdam ang simoy ng hangin.

''Hayyy. Ang lamig ng hangin.'' Wika ni Zhacky. ''Tama ka.'' Sagot ko. Hindi na ako nagugulat tuwing magsasalita sya at kumportable ako sa presensya nya.

Ibinuka ko ang aking mata at tumingin sa paligid pakiramdam ko may nakatitig sakin. ''Naramdaman mo yun? Parang may nakatingin.'' Ani ko sa aking She wolf. Well sabi nya yun.

Anyways... Nararamdaman kong may nakatitig sakin. ''Ramdam ko rin noh. Remember we are one. Tsk.'' Ay ang arte.
''Ang maldita mo bes!'' Napatawa ako ng bahagya. Kaya naman nag growl lang sya.

Napatingin ako sa may gubat ng may kuminang sa may di kalayuan. Out of curiosity ay tinungo ko ito sinundan ko lang ang liwanag hanggang sa marating ko ang gitna ng gubat. Napakamot ako ng ulo ng wala namang kahit ano dito at hindi ko na alam ang daan pabalik.

Nakarinig ako ng kaluskos sa likod ng isang puno kaya tinungo ko ito. ''Wag kang lalapit Alexa.'' Protesta ng wolf sa isip ko. ''Ano ba titingnan ko lang naman eh.'' Angal ko. ''Pagnapahamak ka ganun din ako. Ay bruha.'' Hindi ko na sya pinansin.

May narinig akong mahihinang daing kaya nakaramdam ako ng kaba. Habang palapit ako ay lalong lumalakas ang daing.

''F*ck! This sunburns.'' Nawala ang kaba ko ng marinig ang boses ng isang lalaki.

Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ang isang lalaki na may mga paso sa katawan. Nakatalikod ito sakin kaya hindi ko makita ang mukha.

''Ehem.'' Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nya. Dahan-dahan itong humarap at napanganga ako ng makilala kung sino ito. Grey.

Agad akong lumapit sa kanya at lumuhod sa harap nya at sinapo ang mukha nya.
''Ayos ka lang?'' Nag-aalalang tanong ko. Ano ba kasing ginagawa nito dito. Kitang may araw. Tsk. Di ko alam na medyo mahina pala utak nito. Hehe.

Tumaas ang kilay nya at tinabig ang kamay ko. 'None of your bus- ahhh! Sh*t.'' Daing nya ng hawakan ko ang sugat nya. ''Tsk. Tsk. Mukhang malalim yan. Here drink my blood.'' Sabi ko at nilahad ang leeg ko. Nabasa ko kasi na they need blood para magenerate sila at mabilis na gumaling ang sugat.

Nag-aalinlangan pa sya nung una.

3rd Person's POV

Nagdalawang isip pa ang binata kung iinom ba sya ng dugo mula kay Alexa. Pero sa huli ay uminom na sya. Ang pureblood na tulad nya ay may kakayahang makita ang nakaraan ng isang nilalang sa pamamagitan ng pag-inom ng dugo nito.

At hindi sya makapaniwala sa mga natuklasan nya. Galit at poot ang naramdaman nya sa kanyang sarili ng mga oras na yon.

Binitawan nya na ang leeg ng babae dahil baka hindi na sya makapag pigil at tuluyan ng inumin ang dugo nito.

Bigla namang nawalan ng malay si Alexa dahil sa dugo na nakuha sa kanyang katawan kaya bumagsak sya sa dibdib ng binata. Hindi naman ito nag protesta at hinayaan na ang babae sa ganung posisyon. Kung titingnan ay parang nakayakap sa kanya si Alexa.

Pa ulit-ulit na minumura nya ang sarili sa kanyang isipan. Nadako ang tingin nya sa sinapupunan ng babae. Hindi nya mapigilang mapasabunot sa kanyang buhok.

Sa dami ng naikama nyang babae kay Alexa lang sya nagkamali. Nakalimutan nyang gumamit ng proteksyon at ito ngayon buntis. At hindi nya alam kung mabubuhay pa ba ito ng matagal.

Sa gitna ng galit may saya na sumisibol sa kanyang puso. Isang amang sabik sa anak. Bahagya syang napangite sa kanyang naisip

Tinitigan nya lang ang babae buong maghapon at hindi maiwasang sumagi sa isip nya na may tinatagong ganda ito.

Paminsan-minsan ay pasimple nyang hinahaplos ang tiyan nito at sa tuwing ginagawa nya ito ay sumisilay ang isang masayang ngite sa kanyang mukha.

Hapon na at medyo mababa na rin ang araw pero hindi pa rin nagigising si Alexa. Kaya napag pasyahan nyang buhatin na lang ito at dalhin sa kanyang unit.

Sa isang iglap ay kaya nyang marating ang lugar na iyon pero may parte sa kanya na gustong namnamin ang mga oras na yon na nasa kanyang bisig ang babae habang ang mga kamay nito ay nakapulupot sa kanyang batok.
Pinagtitinginan sya ng mga bampira na may pagtatanong kung sino ang babaeng buhat nya pero hindi nya pinansin ang mga yon. Bagkus ay nilampasan lang nya ang mga ito.

Dahan-dahan nya itong nilapag sa kanyang kama na para bang isang babasaging bagay. Lalabas na sana sya ng kwarto ng mapansing hirap sa paghinga si Alexa kaya nilapitan nya ito at napansin na para bang may kung ano ang umaapoy sa may bandang tagiliran nito sa kaliwa.

Nagdalawang isip pa sya kung iaangat nya ba ang suot nitong dress. Pero sa huli ay inangat nya rin ito at napadako tingin nya sa isang hugis araw na umuukit sa balat nito.

Maririnig ang mga ungol ng babae dahil sa sakit na nararamdaman nito.
Sa palagay nya ay hindi ordinaryong bagay iyon para sa isang mortal na tulad nito.

Kaya pinatawag nya ang kanyang kapatid. Nung una ay nagawa pa sya nitong tuksuhin dahil ito ang pangalawang beses na dinala nya ito sa unit nya.

Ipinaliwanag naman nya ang kanyang nakita at isang bagay lang ang pumasok sa isip ni Barbie. Cursed Mark. Naputol ang pag-uusap nila ng bahagyang gumalaw ang si Alexa kaya agad nyang hinila ang kapatid nya sa labas ng silid.

''Ayokong may makaalam tungkol dito. At please wag mo munang sabihin sa kanya ang tungkol sa amin.'' Paki-usap sa kanyang tusong kapatid. Napahagikhik na lamang ito at saka iniwan ang kanyang kuya.

******
Here's the update.
Sa mga nag-iisip na medyo mabilis..... Pwes.... Hindi po.
May twist po ito kaya ganun.
Vote and comment lang tayo para active lagi ang story natin.

Carrying the Vampires Baby Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon