"Luis huwag." Tiningnan nya ako ng may pagtataka."It's my fault. N-nadapa ako at natapon ko kape mo." Pagsisinungaling ko. "Ibibili nalang uli kita."

_________________________________

Nagdadabog na pumasok si Luis sa opisina. Nakasunod naman ako sakanya.

"What is your problem?" Tanong ko.

"May problem is you! Masyado ka pa ring mabait Gail. Hinahayaan mo pa rin na abusuhin ng ibang tao ang kabaitan mo." Naiinis na sabi nya. "Look at you." Tumikhim sya. I look at myself. Damn. Bumakat pala ang suot kong panloob sa damit kong pang-itaas. Medyo manipis kasi ito at hinubad ko rin ang blazer ko.

Napakagat labi ako. "Uhmm. Punta lang ako sa restroom."

"Wait!" Lumingon ako sa kanya. "Wear it." May ibinigay sya sa akin na paper bag. Sinilip ko ito may laman itong dress. A beautiful fitted dress actually.

Tumingin naman ako sa kanya. Parang humingi ng explaination kung bakit may dala syang dress.

"Kay Jessica. It's actually for Jessica. Anniversary namin next week." Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko.

"Hindi ko matatanggap ito. Uuwi nala-"

"Don't worry, hindi naman matutuloy dahil ayaw nyang umuwi sa Pilipinas. Ibibili ko nalang uli sya." Ngumiti sya ng mapait sa akin.

Mukhang nasasaktan sya. Naisip kong mahal na mahal nya talaga si Jessica. Napakaswerte ni Jessica sa kanya.

"I'm sorry about that. Sige ibabalik ko nalang o papalitan." Sabi ko.

"No need. Sige magpalit ka na."

Agad nama. Akong pumunta ng restroom at nagpalit. Tamang tama lang ang pagkakahapit nito sa katawan ko. Halos parehas na pala kami ni Jessica ng katawan ngayon. Medyo skinny kasi ako dati. Si Jessica naman masasabi kong parang coka-cola ang katawan.

Lalong nakita ang kaputian ko sa damit. Kulay maroon kasi ito. Buti nalang ay bumagay ito sa kulay Nude stiletto shoes ko.

Naglakad ako pabalik. Pero sumalubong sa akin si Luis.

Nakatitig lang ito sa akin. Tumikhim ako.

"Aalis ka?" Tanong ko.

"Tayo." Anong Sabi nya? Kami?

"Ha? Saan tayo pupunta?"

"Kila Mommy at Daddy." Ano? Sa Cebu pa yun eh.

"Walang magbabantay kay Eugene. Ikaw nalag--"

"Mommy!" Nilingon ko si Eugene. Anong ginagawa nya dito? Tumingin ako kay Luis.

"Pinasundo ko sya kay Jomar. Sasama sya sa aten." Naloloko na ba sya? Bakit naman kami sasama sa kanya?

"Luis, hindi kami sasama. Kasi ano-- may pasok si Eugene hindi sya pwedeng umabsent."

"Balikan lang tayo. Naghihintay yung chopper sa taas." Napanganga ako. Matagal na akong hindi nagpapakita kila Mama. Simula nung naghiwalay kami ni Luis. Minsan dinadalaw ako ni Mama kapag pupunta sya ng Manila. Pero saglit lang pag-uusap namin. Hindi rin nila alam na nagkaanak kami ni Luis. Binilinan ko si Manang na wag sabihin sa pamilya ni Luis.

Ngayon nakakaramdam ako ng takot. Baka malaman nila. Wala akong pakialam kung isipin nilang nagtaksil ako sa kasal namin ni Luis ang importante maprotektahan ko ang anak ko.

Selfish na kung selfish. Ipagdadamot ko anak ko dahil hindi ko kakayanin kapag kinuha nila sa akin si Eugene.

"Luis, thank you talaga. Pero kasi--"

WILLING VICTIMWhere stories live. Discover now