chapter 17: Flashback

233 4 0
                                    

Naglalakad ako palayo habang umiiyak. Naalala ko naman yung nangyare nung gabing yon..

Flashback.. 

Ilang weeks na kaming andito sa paris and things go very well. Halos lahat napupuntahan namin, at lahat nabibili kung anong gusto.

Andito kami ngayon sa hotel, they have this parang simpleng kubo near the pool side, dito naming naisipang tumambay ngayon. Nagkakatuwaan kaming lahat ng biglang may tumawag kay Miggy.

"Excuse me, I'll take this muna.." paalam niya sa aken..

Tiningnan ko naman siya habang hawak niya ang telepono. Nagtataka lang ako kasi nung isang araw pang may tawag ng tawag kay Miggy, kapag tinatanong ko naman siya kung sino yun sasabihin niya naman na about lang sa work lang yun so I didn't put more attention on it kasi sabi niya naman about sa trabaho kaya pinaniwalaan ko na din siya.

I trust him.

Matapos ang ilang bakasyon namin ay balik trabaho na kami. As usual, being head of the department more works and more responsibility to do. Pero kahit san damak-mak ang trabaho gumagawa pa rin ako ng oras para kay Miggy, ganon din naman siya.

Pero this past few days, nahahalata kong medyo mas lalo atang nagiging busy ang boyfriend ko. Noong una di ko naman yun pinapansin kasi as a CEO of the company madami talaga yung trabaho kesa sa akin pero kasi ewan, para bang iba ang pakiramdam ko ngayon. Di naman sa pinagdududahan ko ang boyfriend ko, its just that di lang ako mapakali?

Then, one time sakto naman at nasa opisina siya so I get a chance to talk to him. Di ko na kasi siya nakakusap at nakikita at bihira na rin siyang magtext. Kaya naman naninibago ako.

"Hey!" sabi ko na muka naman niyang ikinagulat

"Oh, hey! Napadaan ka?" He said. Wala man lang beso or something? Why is he acting so cold?

"Uhmm wala lang, just seeing if you're busy or not. I'm about to ask you if we can have dinner kasi di na tayo lumalabas, but its ok it seems that your busy." sabi ko sakanya pero yung totoo, nadisappoint namn ako..

"Uhm, sorry Ash..I--"

"Its ok. I'll go ahead.." I smiled at him bago ko siya tinalikuran po yung ngiting malungkot. Ewan ko ba, parang lumalayo ang loob niya saken..

So ang drama? Lumabas ako ng opisinang mag-isa at kumain sa labas ng mag-isa. Kung ganon ang gusto niya, Fine! di ako magpapatalo sa kanya if we wants na ganito lang ang drama namin fine! ibibigay ko yun sakanya. If he thinks na di ko kayang wala siya sa tabi ko hell no! baka nakakalimutan niya, si Ashley Nicole kaya ito! Kaya kung kumain at umuwi ng mag-isa ng wala siya at kaya kong mabuhay ng wala siya sa tabi ko.

Napatingin ako sa relos ko at 9:30 pm na pala and halos 30 minute na rin pala akong nakaupo dito at kumakain. Nang matapos na ako, I was about to stand ng ewan ba at kung pumasok sa isip ko at lumingon ako sa may wall glass and to my surprise I saw Miggy together with....

"Sofia.."

Before I over react, inisip ko lang na baka nagkasalubong lang sila sa daan. Pero, kung makahawak naman tong si Sofia sa braso ni Miggy parang linta..nakakabanas! Tumayo ako at akmang lalapitan SANA sila, kaso saktong paglabas ko naman ng pinto halos nasemento yung buong katawan ko sa nakikita ko ngayon...

Halos kulang nalang bigyan ko sila ng kama sa ginagawa nilang paghahalikan. Ipagdikit ko nalang kaya ang nguso nila sa isa't-isa gamit ang glue stick? Tangunu naman!! Gaguhan pala tayo rito ha, di na naman ako nainform.. Bullshit!

Bigla namang naputol yung paghahalikan ng dalawang gago ng humiwalay si Miggy sa dahilang nakita niya ang presensya kong nakatingin lamang sa kanila. Halos mailuwa ang mata ni Miggy ng makita niya ako..

"A-ash.." bulong niya

Alam niyo yung ginawa ko? Pinag ngungud-ngod ko lang naman ang nguso nilang dalawa at pinagtatadyakan hanggang sa nakita kong durog na sila.. JOKE! Di naman ako ganon ka bitch. Pero kung pwede lang gawin yun ginawa ko na yun kanina pa..

Pero eto talaga..what I did is..

Naglakad ako palapit sa kanila. Nakita ko namang pumulupot ang kamay ni Sofia sa braso ni Miggy. Tiningnan ko yun. Kung pwede lang putulin ang kamay nito matagal ko ng pinutol puta.

I smiled at them bitterly. 

"Oh, Hi Miggy! I mean Sir Miggy.." bati ko sa kanya, at halata namang nagulat siya sa pagbati ko sakanya..

"Hi Sofia!" bati ko sakanya. At wag ka! Ngumiti ang bruha! Kalbuhin ko kaya siya ng makuha niya..buset!

"Magkasama pala kayo.. Good to see you together huh.." sarcastic kong sabi sakanila. Agad naman itong napansin ni Miggy pero di ko siya tiningnan..

"A-ash.." Ash ashin mo mukha mo tol' kapal neto gago mo bullshit to the highest level fre!!

Halata namang naguluhan yung bruha sa sinabi ko, di ata nagets pathetic! pero di nagtagal ngumiti ang bruha mukhang nakuha palang yung sinabi ko.. Nako! LG si teh

"Oh yah, we're really look good together to each other ng boyfriend mo Ash." sambit ni bruha. Pinigilan naman ito ni Miggy ngunit magsasalita pa lamng siya inunahan ko na..

Nginitian ko muna sila bago ako nagsalita. "Oh, scratch that! Boyfriend is not the proper term Sofia.." halata namang nabigla sa sinabi ko si Miggy. " Officemate. Yah, officemate is the right term for us. I'm no longer his girlfriend.." tiningnan ko si Miggy sabay sabing "kasi wala na kami. Wala nang KAMI. Ngayon-ngayon lang. I'll go ahead. Bye SIR."

Di pa ako nakakalayo sa kanila tumulo na itong pisting kong luha.

"Ash! teka lang.." Nang naabutan niya ako, agad niyang hinawakan ang braso ko at hinila ito ng marahan para maiharap niya ako sakanya.

*Pakkkkkk      

"Kelan mo pa ako ginagago ha? Miggy? Kelan pa!!!" bulayaw ko sakanya      

"I'm sorry Ash.." sabay hinila niya ako at yinakap.        

"Ano *sob bang *sob ginawa ko *sob para gawin *sob mo *sob to saken? Walang hiya ka Miggy!! All this time *sob ginagago mo pala ako *sob ang sama-sama mo! ang sama-sama mo!!" Iyak ako ng iyak sa kanya habang nakayakap siya saken at pinapalo ko ang dibdib niya.      

Kinalas ko ang pagkakayakap niya saken at tumalikod. Hinawakan niya yung kamay ko ngunit itinabig ko ito. Muli akong humarap sakanya sabay sabing 

"Seryoso ako sa mga binitawan kong salita kanina.... SIR." sabi ko saka nagpatuloy sa pagiiyak habang naglalakad.            

Ang sakit-sakit. Ginawa kong umibig dahil sakanya, binago niya ang paningin ko sa mga lalake ng dahil sa kanya, pero ginagago niya ako at ngayon napatunayan kong pare-pareho lamang sila, wala silang pinagkaiba sa isa't-isa. Pareho lang sila ni Daddy.          

Halos gabi-gabi umiiyak ako matapos ang gabing yon. Tinatawagan ako ni Miggy pero di ko ito sinasagot kahit ang mga text niya. Magpa sa opisina man ay dinadaanan ko lang ito na para bang hangin. Ngunit nginingitian ko naman siya dahil sa boss ko siya at kailangang pakisamahan kasi di naman pwedeng dalhin ko sa trabaho kung ano mang problema namin sa mga personal na buhay naming dalawa.      

Di nagtagal, halos lahat na sila nakakahalata na parang may mali saaming dalawa ni Miggy. Alam na din ng barkada ang nangyare ngunit di nalang nila ito pinaguusapan.      

Hanggang sa umabot sa puntong, naisipan ko ng magresign sa trabaho dahil sa di ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko. OO di nga dapat dalhin sa trabaho ang personal na problema pero di ko na kasi mapigilan pa, sa tuwing nakikita ko si Miggy sa opisina mas lalo lang akong nasasaktan at mas lalo kong naaala ang pang gagagong ginawa niya saken. Kaya naman nagpasya na akong umalis sa trabaho at magpakalayo-layo para na ring makalimot.                          

end of flashback...             

Miss NBSB is now signing off. (COMPLETE)Where stories live. Discover now