"Ilang beses ko ba kailangang patunayan sa iyo na hindi ako katulad ng iniisip mo! Hindi ako prostitute! Hindi ako pumapatol kung kani-kanino lang! Ikaw pa lang talaga boss! Ngayon kung ayaw mong maniwala bukas ang pintuan makakaalis na po kayo." Aba aba kapag ganitong mainit ang ulo ni Anya nagiging matapang sya. Lalo na at gustong gusto nya na talagang sugurin yung dalawang sirena sa loob ng kwarto. Kahit pa kaibigan nya si Lenny at Manuel, aba hindi tama ang ginagawa nila. Paano kung mainlove tong si Lenny at hindi sya mapanindigan ni Manuel edi si Anya ang pepestihin ng dalawang ito?

"So, pinapaalis mo ako?" Humalukipkip pa si Jin. Nagtitigan sila ni Anya.

"Oo." Simpleng sagot ni Anya.

Ngumisi lang si Jin at saka tinalikuran na si Anya. What a day!

Hinarap naman ngayon ni Anya ang pinto kung saan nang gagaling ang ingay. Nilapitan nya iyon sabay tinadyakan.

"Ayyyy!!!" Halos sabay na tili ng dalawa sa loob ng silid.

...

...

...

Napangiti si Damien nang makita ang tila galit na galit na si Jin Kingson Estude sa parking lot ng Condo na tinitirhan ni Anya. Sinipa pa nito ang gulong ng sasakyan at malakas na isinara ang pinto nito ng sya ay sumakay. Pinaharurot din nya ito. Does that mean na nagaway sina Jin at Anya? That will be good for Damien. Hindi basta basta ang karibal nya.

...

...

...

Tanghali nang nagising si Anya kinabukasan. Halos umaga na kasi sila natulog. Ilang sabunot at sapak din ang inabot nina Lenny at Manuel kay Anya. Sobrang sakit din ng ulo nya. Agad nyang kinuha ang cellphone nya. Ewan ba pero kala mo may ini expect sya na magtetext kaya nadismaya sya ng wala ni isa man lang message ang naroon.

"Mars! May flowers ka!" Nagtatampisaw na pumasok si Lenny sa kwarto ni Anya. Bakas pa sa kaliwang mata nito ang blackeye na natamo mula kay Anya kagabi lang.

"At chocolates din!" Sumunod naman si Manuel na tila pakanta pa nya sinabi ang tungkol sa tsokolate. Natanaw ni Anya ang kalmot na natamo nito sa kanya sa leeg.

Grabe. Ganoon ba sya kabrutal kagabi? 0_O

"Maghiwalay nga kayo!" Iritang sabi ni Anya. Naalibadbaran talaga sya sa dalawang ito. Hindi sila normal. Agad naman nyang kinuha ang mga bulaklak at tsokolate. Binasa din nya ang note.

"I hope you sleep well. I'll fetch you at 12nn in the lobby."

Napangiti pa si Anya sa nabasa. Tapos sabay pang nag "ayyieeehhhh" sina Manuel at Lenny kaya tiningnan nya ng masama ang dalawa. Agad namang nakahalata ang mga ito kaya nagunahan na lumabas ng kwarto. Mahirap na, baka masaktan ulit sila ni Anya.

Mabilis lang na naligo si Anya at saka nagmamadaling lumabas. Baka mamaya kasi topakin nanaman ang boss nya kapag nalate sya. Hindi mawala wala ang mga ngiti sa labi nya. Paulit ulit din na nagfaflash back sa isip nya ang mga pangyayari sa bahay nila. Shet! Kinikilig nanaman sya. Na-antala ang pagde-daydream nya ng bigla ay may mga brasong umakbay sa balikat nya.

"Got the flowers?" Isang gwapong boses ang bumungad sa kanya. Makalaglag panty na mga ngiti ang nasilayan nya sa pagbaling nya sa lalaking umakbay sa kanya.

"Damien?" Ewan pero nakaplaster din ang ngiti ni Anya. Iba na talaga si Damien. Nakakainis na ang kagwapuhan nito.

"Yup! Expecting someone else?" Nakataas ang kilay na tanong nito. He is wearing a white shirt, black cap and a wayfarer para hindi sya mamukhaan ng mga fans. Mabuti na lamang at pang mayaman ang condo ni Manuel kaya wala masyadong hampaslupa na makakakilala kay Damien. Ang mga fans sa ganoong lugar ay mga class na tao. Yung hindi magwawala kapag nakita ang isang Damien Friol. Yun bang makukuntento nalang sila sa tingin para pangalagaan ang image nila.

"OH MY GOD! SI DAMIEN FRIOL!" Isang kulumpon ng mga kababaihang naka pekpek shorts ang nagsigawan at akmang susugurin na si Damien. Kalalabas lang ng mga ito sa elevator.

Agad namang hinatak ni Damien si Anya papalabas ng building.

"Oh my! Damien!" Tili ng isa na tumatakbo at hinahabol sila. Grabe kahit pala mga class na tao magwawala para sa isang Damien Friol?

"Kaya! Pakiss Damien!" Gigil na gigil pa ang isa.

"Pakasalan mo ako!"

Kung ano ano na ang sinisigaw ng mga ito. Wala nang maintindihan si Anya. Basta takbo lang sila ng takbo. Lumiko sila sa parking space ng isang building at dali daling nagtago sa likod ng isang sasakyan. Grabe lang ang kaba ni Anya. Nasa likod sya ni Damien at ihinarang pa nito ang braso nya kay Anya na akala mo ay pinoprotektahan ito.

"Nasan na sila?!"

"Sinong kasama nya?"

"Kayah!! Kakalbuhin ko yung kasama nya!"

"My God! Don't tell me Bea kapitbahay nyo sa condo yung kasama nya?"

"I don't know, as if kilala ko lahat ng neighbors namin no? Hay nakakainis!" Nagpapapadyak pa na sabi nito.

"Let's go na nga girls. Baka naman hindi si Damien yon?"

"Tatakbo ba sya kung hindi sya yon?" Sabi pa ng isa.

"You know what girls? Let's get out of here na. May gig naman sila tonight di ba? Magpasalon nalang muna tayo." Yaya ng isa pa. Matagal tagal din bago tuluyang umalis ang mga ito.

Todo kapit si Anya sa tshirt ni Damin sa likuran nito. Ang bango lang!

"Nandyan pa ba sila?" Tanong ni Anya. Hinarap naman sya ni Damien at bahagyang niyakap.

"Oo nandyan pa. Huwag ka maingay baka makita tayo." Sabi pa ni Damien na nakayakap sa kanya. Tae! Babae lang si Anya may kahinaan din pag dating sa kilig.

Ilang minuto ang lumipas..

"Nandyan pa?" Tanong muli ni Anya.

"Shhh.." suway ni Damien na yakap yakap pa din sya kaya tumahimik si Anya.

Naisip tuloy ni Anya, parang nangyari na ito noon. Noong panahon na nililigawan palang sya ni Damien. Nagtago sila noon sa stockroom ng School Theatre nila para mapanood ang audition para sa play ng University nila. Ganitong ganito yun eh. Yakap sya ni Damien kasi may pumasok sa stockroom kaya nagtago sila, tapos matagal na pala nakalabas yung pumasok pero sinasabi ni Damien na nandoon pa kaya naman nanatili silang magkayakap. Hindi kaya....

Pasimpleng sumilip si Anya. Tae! Pinagtitripan sya ni Damien. Wala na yung mga bagets na fans nya eh. Kaya naman kinagat nya si Damien sa balikat.

"A-aray!" Reklamo ni Damien na halos mamilipit na sa sakit.

"Sira ka talaga! Pinagtitripan mo ko eh!"

"Hahaha! Ikaw naman! Namiss lang kita!" Tumatawang sabi ni Damien.

"Namiss mo mukha mo!" Bulyaw ni Anya. Kainis! Ang gwapo!

"I knew it! You are still the same." Nilapitan sya ni Damien sabay kinurot ang magkabilang pisngi. "My tigress girl!I missed you!" Sabay dinampian nya ng halik ang mga labi ni Anya. Kaya natigilan si Anya. Nginisihan lang sya ni Damien saka hinawakan sa kamay sabay sabing, "Tara na nga!"

To be continued...

A/N: tagal ba? Hahaha. I know right? HAPPY NEW YEAR pala sa inyo! Sa mga napangakuan ko ng meet up sorry naman po hindi ko kasi maasikaso at alam nyo naman kapag xmas daming gastos! Lol. Anyway isiningit ko lang to. I have work later! 'Em ma sleep na! Mwah!.

I love you guys! Miss ko na makipagkulitan sa inyo sa fb ^____^

It's Him! My Jerk Boss!Where stories live. Discover now