...

...

...

"Ay wag na. Ok na ako dito." Tanggi ni Anya kay Jin nang pilit itong nagpiprisinta na ihatid sya hanggang pintuan ng condo na tinitirhan nya.

"I insist." Firm na sabi ni Jin. Napalunok naman si Anya. Iniisip nya kung tulog na kaya si Manuel? Malamang yung mga kaibigan nya nakauwi na. Pero wait lang kasi! Hindi alam ng boss nya na si Manuel ang kasama nya sa bahay. Pero bading naman si Manuel ok lang naman siguro?

"Eh.." napakamot pa si Anya sa ulo nya.

"Bakit ba ayaw mo? Siguro may tinatago ka sa condo ng kaibigan mo?" Iritang sabi ni Jin. Ayaw nya ng pinaglilihiman sya eh. Lalo pa ngayon na alam nya sa sarili nya na interesado sya sa babaeng kaharap.

"Wala! Yung brief mo lang na nakaframe." Wala sa sariling sabi ni Anya pero tila narealise nya ang sinabi nya nang mapatakip sya ng bibig. Daldal kasi!

"Really?" Nakangising sabi ni Jin. Kakaiba talaga tong PA nya.

"Tsk tara na nga!" Nauna nang lumakad si Anya papunta ng elevator. Iika ika pa din sya dahil sa sugat nya sa tuhod. Tahimik lang sila sa elevator nang sa wakas ay narating nila ang 8th floor. Tahimik lang na nakasunod si Jin kay Anya. Habang si Anya naman ay sobra kaba na. Bakit ba kinakabahan sya?

"Ah boss ok na po. Dito na po ako." Sabi ni Anya nang marating ang pinto ng condo ni Manuel.

"Ok. Buksan mo na. Nauuhaw ako." Sabi pa ni Jin na nagiwas ng tingin. So ano ang ibig sabihin nya? Gusto ba nyang pumasok? Bakit? Bakit? Bakit?

"Hehe.. ano kasi.." magdadahilan pa sana si Anya pero inagaw ni Jin ang susi ng condo at sya na ang nagbukas ng pinto habang nakangisi.

"There it's open! Ganyan ka ba tumrato ng bisita?" Nakangisi pa na sabi ni Jin sabay nauna nang pumasok. Pinagmasdan nya ang maliit na sala. Magulo ito at may ilang bote ng alak at balat ng mga tsitsirya ang nakakalat kaya napangiwi pa si Anya.

"Upo ka muna boss." Sabi ni Anya kay Jin na tinanggal ang mga nakaharang na kalat sa sofa. Paupo na sana si Jin nang may marinig silang ingay.

Mga kalabog iyon at tila may mga nabagsak. "Ano ba dahan dahan naman." Tinig iyon ng isang babae.

"Nagdadahan dahan naman eh masyado ka kasibg excited."

"Ayy put@ng!na Manuel! Dyan nga!"

Nagkatinginan pa sina Jin at Anya.

"Wag ka ngang magmura nawawalan ako ng gana!" Sabi pa ni Manuel.

"Nawawalan ka pa ng gana nyan ayaw mo na nga ako tigilan. Nakakatatlo ka na ha!"

"Sabi mo gusto mo mabuntis eh!"

Tapos bigla ay mga ungol at halinghingan nalang ang naririnig nila. Namutla naman si Anya at pupuntahan sana ang dalawa sa kwarto pero pinigil sya ni Jin.

"I thought he's gay?" Tila galit na tanong ni Jin. "And why is he here?"

"Ahh.. condo to ni Manuel eh." Napakamot sa ulo si Anya. "Bakla nga sya." Pabulong pa na sabi ni Anya.

"Fvck! He is fvcking a girl in that room. How come he is gay?"

"Hindi ko alam. Basta bakla sya!" Naiinis na sabi ni Anya.

"Liar. So you two are living together huh!" Galit na galit na ang tono ni Jin.

"Oo dahil nakikitira ako dito! Yung kasama nya sa loob kaibigan ko yon at katulad mo galit na galit na din ako dahil hindi ko alam kung anong kabaliwan ang naisip ng dalawang yon at nagses3x sila ngayon!" Inis na sabi ni Anya na ikinabigla ni Jin. Ngayon lang nya nakitang galit ito.

It's Him! My Jerk Boss!Where stories live. Discover now