Chapter Eleven :)

Start from the beginning
                                    

"Teka nga, ako lang ba talaga o nasesense ko na nagseselos ka. Are you jealous?"

"What? Hindi ako nagseselos no. Mag kaiba ang nagseselos sa nagtatanong." pagtanggi ko. Hindi ako nagseselos. Kelan pa ba ako nagselos ha? Ni maniwala nga sa love, di ko magawa eh ang magselos pa kaya? Malabo.

"Sus. Cream. Cream. Cream. Kelan mo kaya aaminin sa sarili mo na attracted ka sakin?"

"At kelan mo rin kaya aalisin sa katawan mo yang pagka feelingero mo? Besides, ako ba talaga ang nagseselos? Baka ikaw! Sino ba yung nag bid ng 25M? At yung may chorva na line na, 'i dont share what's mine' ha?" nakita ko ang pagpula ng mukha nya. Strike two ka na Cream. Dalawang beses mo na nakitang nag blush ang isang Ice Villarasa.

"Kung di ko ginawa yun, edi napapunta ka na kay Karl." bumaba sya ng sasakyan nya at naglahad ng kamay sakin. Inalalayan nya ako sa pagbaba. Buti na lang at sa tapat ng bahay namin natripan ni Ice mag star gazing. Hindi na ako mahihirapan umuwi.

"So? Ano ngayon kung napunta na ako kay Karl? Wala naman sayo yun diba?" seryoso syang tiningnan ako

"We're not having this conversation Cream. Pumasok ka na." Uh-oh. What did I do? Bakit biglang sumeryoso ang isang yun?

Sumakay sya sa sasakyan nya at dere deretsong pinaandar iyon. Leaving me wondering kung anong mali sa mga pinagsasasabi ko.

"Cream! Nag start na ang online voting! And as expected, nangunguna kayo ni Ice!" pinakita sakin ni Trisha ang iPad nya. Marami na ngang votes ang pictures na sinasabi ni Trisha. Nakatambay kami ngayon sa kiosk habang naghihintay ng susunod na klase kung saan magkaklase kami.

Huminga ako ng malalim at naghalumbaba sa lamesa. "Wait, bakit ang tamlay mo ata ngayon ha?" hinawakan nya ang noo ko. Wala akong sakit. Wala lang talaga ako sa mood. Hindi ako pinansin ni Ice kanina. Hindi ko alam kung bakit. At mukhang si Adam lang ang nakapansin nun dahil bumulong sya sakin kanina na bad trip daw si Ice mula ng umuwi kagabi sa bahay nila.

"Wala ka namang sakit. Anyare sayo?" pinaling pa nya ang ulo nya para makita ang mukha ko. Nag ayos ako ng upo sabay hinga ng malalim.

"Naniniwala ka ba sa love?" tinawanan ako ni Trisha. Inayos nya saglit ang hairband nya bago nya ako sinagot.

"Oo naman! Teka nga, love ba ang problema mo? Yieee!" inasar asar pa nya ako at kinulit kung sino daw ba ang iniisip ko at bakit ako ganito ngayon.

"Bakit ba kayo naniniwala dyan? Eh di naman totoo yang love na yan." inagaw ko ang hawak nyang Piatos at sumubo ng ilang piraso.

"Sus! Bitter mo girl! Di porket sinaktan ka ng isang lalaki, lalahatin mo na sila. Magkakaiba ang tao Cream. Hindi ibig sabihin na sinaktan ka ng isa, sasaktan ka na din ng iba." Inagaw nya sakin ang Piatos at kumuha din ng ilan piraso doon.

"Kung totoo yang love, bakit may nasasaktan? Bakit may naiiwan? Bakit may nawawalan?" umiling iling sya at pinagpag ang kamay nya na may cheese na dahil sa Piatos na kanina pa nya nginunguya. Tinapos muna nya ang pagnguya saka ako sinagot.

The Coolest Guy (ON GOING)Where stories live. Discover now