chapter 1

5.2K 110 1
                                    

PART 1
“Hayyyyyy umpisa na naman ng araw, isang mahabang araw para kay Marydale” anya nya sabay buntong hininga.
“BHES” isang pamilyar na boses ang kanyang narinig, na kanyang ikinalingon.. hindi sya nag kamali kilalang kilala nya kung sino ang nagmamay ari ng boses na iyon. Malayo palang nakita n nyang nakangiti si MR. MARCO GALLO ang nag iisang BESTFRIEND nya.
“Kamusta”? tanong nito sabay akbay sa kanya.
“Maganda pa rin” pabirong sagot nya dito.
Sanay na ito sa kanya, sa tagal nilang magkakilala. Alam n nya ang lahat dito at ganun din naman ito sa kanya. Bata palang ito ay magkaibigan na sila nasa elementarya palang sila ay sila na ang lagi magkasama. Nag kahiwalay lang sila nung pumunta ito ng ibang bansa at duon nag aral ng High School. Sobra syang nalungkot nun, Si MARCO kase ang isa sa mga taong importante sa kanya. Dito sya nag sasabi ng mga sama ng loob, problema, at lahat ng bagay at sikreto nya. Wala silang tinatago sa isa’t- isa lahat ng bagay na may kinalaman sa kanila alam nila pareho ang bawat detalye kahit pa umalis ito ay nagpa tuloy parin ang pag kakaibigan nila.
Kaya sobra syang nalungkot ng mapag desisyunan ng pamilya nito na lumipat ng Ibang bansa.
After 6 years na pamamalagi sa ibang bansa nagulat nalang sya ng bigla itong bumalik, at sinabi dito na ulit sa Pilipinas ipag papatuloy ang pag aaral sa College, at heto nga sa isang sikat na University sila nag aaral. Parehas silang 3RD year college bagamat mag kaiba sila ng course.
Tourism ang course nya at Bussiness Administration naman si MARCO, na balak yata pamahalaan ang business ng pamilya nito kaya un ang course na kinuha.
MAgka iba man sila ng course palagi parin sila magkasama. May mga kaibigan naman sya sa mga kaklase nya, pero sanay sya na kasama nya si MARCO. Minsan hinihintay sya nito para sabay na sila umuwe o di kaya ay kumain.
“Bhes sabi nga pala ni Tita may activity daw kayo sa CEBU”?? tanong nito sa kanya, nasa canteen na sila nun para kumain ng breakfast mamaya pa naman 9 ang simula ng klase nila pareho kaya may time pa sila kumain.
“Nasabi na agad sayo ni Mama?, Si Mama talaga kagabi ko lang sinabi sa kanya, nasabi na nya agad sa iba.” Napabuntong hininga sabi nya.
“Kung pwede nga lang sumama ko” nakangiti wika nito.
“Huh bat ka sasama TOURISM ka?? FYI Mr. GALLO business Administration po ang course nyo, at para lang un sa TOURISM department.”
“Lumalaki butas ng ilong mo” anya nito na ng iinis.
“Pero maganda parin”wika nya sabay ngiti ng napaka tamis.

MayWard: When Love Begins (Completed)Where stories live. Discover now