L a b i n g - i s a

Start from the beginning
                                    

Sumunod sila Herin at Lami sa utos ni Jaehyun. Hawak-hawak nila ang braso ni Taeyong papalabas ng room pero biglang binawa ni Taeyong ang mga ito hanggang sa maka-labas na sila.

Ako nalang naiwan dito, kasama si Jaehyun. Nagkatitigan kami ng saglit hanggang sa

nagbell. pakshet.

After magbell, ginulo niya yung buhok ko habang nakangiti. "Ang ganda ganda mo talaga" At pumunta na siya sa upuan niya. Nagpasukan na rin ng room sila Hansol pero di sila natingin saakin. Pumasok na rin yung teacher namin para a first class; at hanggang ngayon, hindi parin bumabalik si Taeyong. 

//End of Flashback//

"Chill ka lang uy. Nagiging Jaezilla ka nanaman e."Pagkalma sakin ni Yuta. 

"Paano ako kakalma kung mas mahaba pa yang baba mo kaysa sa pasensya ko sainyo?!" 

"Ouch, nahurt ako ng bongga Jae. Sobra." Sabay hawak sa baba niya na hinihimas niya. Sino ba may kasalanan at bat ako nagkakaganto diba? Ako ba ako ba?

"Tss. Sorry na. Kayo naman kasi e. Mga tangina niyo, nakakabadtrip talaga kayo." Sabay subo sa sandwich ko. 

"Alam mo Jae, pasalamat ka recess ngayon kung nahuli ka ni Ms. Maleqi na nagmumura ay patay ka na ngayon." Sabi ni Doyoung. Nasa room kasi kami at recess na nga. Kami lang barkada ang nandito maliban kay Jaehyun at Taeyong. Umalis kasi agad si Jaehyun sa room after ng second class kasi pinapatawag siya ng principals for his excuse letter kung bakit siya nawala ng 1 week. Si Taeyong naman, pinuwi na ng clinic kasi mataas daw lagnat niya. Naguilty naman ako syempre kasi hindi ko siya nasamahan. 

"Tanga ka ba o bobo lang, Doyoung? Sa tingin mo ba magmumura yan si Jae sa harap ni Ms. Maleqi? Ikaw ba magmumura ka sa harap niya? Hindi diba? Nako" Bigla na rin sumubo ng sandwich si Ten pagkatapos niyang sabihin yun. Ayan na, magbabangayan na silang dalawa. "Wow naman Ten. I'm so proud of you at nagiging matured ka na." Sabay palakpak ni Hansol sakaniya. 

"So ayun na nga noona. Ano na balak mo sakanilang dalawa?" Tanong ni Mark sakin. Miksi ako hindi ko masagot ang ganyang tanong. "Di ko rin alam, Mark e" 

Naubos ko na pala yung sandwich ko kanina pa. Iinom sana ako ng tubig kaya lang nakilamutan ko ata sa bahay? Sad naman. Ayoko naman humingi sakanilang mga lalaki kasi hELLER LALAKI SILA?

Biglang pumasok si Jaehyun ng room ng nakangiti. "Yo bro" Bati ni Johnny. "Yeah bro" Sagot ni Jaehyun. 

Aalis sana ako ng room ng bigla ako tinawag ni Doyoung "Jae! Saan ka pupunta?"

"Sa canteen, bibili ng tubig. Naiwan ko tubigan ko sa bahay."

Pupunta na sana ako ng canteen ngunit tinawag uli ako ni Jaehyun. "Cee!!"

Paglingon ko, may parating na tubigan sakin. Buti nalang at nasalo ko agad. Tubigan ko 'to ah?

"Ano 'to?" Tanong ko.

"Alam mo maganda ka na sana e, kaya lang di mo ginagamit utak mo. Tubigan mo yan tongaks." 

Tss alam ko!! Kainis naman 'tong lalaking 'to! Liligawan ligawan niya ako pero tinawag niya akong tongaks. Badtrip!!!

"Alam ko pero bakit 'to nasayo? Stalker ka ba talaga?" 

"Ay grabi na yang pagiging ambisosya mo ha." Tas nagroll eyes siya. Say what? "Pinabigay yan sakin ng mommy mo---- or should I say 'Mother-in-law'?" Tas biglang nag-eyesmile ang gago. NAKAKALOKA.

"KINIKILIG PWET KO MGA MAMSHIE~" 

"BUTI SAYO KINIKILIG LANG, E YUNG SAKIN PUMAPALAK NA YUNG PWET KO!"

"GAGU SUMASAKIT TIYAN KO SA KILIG MGA MAMSHIWE"

"TANGINA LUMABAS KA NA TEN, HINDI DAHIL SA KILIG YAN. NATATAE KA LANG"

Help my friends, guys.


 «—JAEHYUN'S POV—» 

Uwian na pala. Hindi ko na nalamayan. Madalas kasi ako tumingin kay Jaeycee e. Ayan tuloy naguwian na agad. Ayoko pa umuwi e, gusto ko pang tignan si Jaeycee e.

"Ano bro? Sabay ka training namin? Para naman mapansin ka na ni Coach at makapasok ka na sa Team" Tanong ni Ten. Paminsan di mo talaga maintindihan si Ten e. Para bang may split personality. 

"Hindi muna bro. Pass muna ako diyan. Next week nalang" Ngumiti naman si Ten at umalis na rin. Oonti nalang ang tao dito pero nandito pa si Jaeycee. Tinatagalan ko pa yung pag ayos ng backpack ko para sabay kami ni Jaeycee sa paglabas ng room. Andami kasi dalang gamit neto e. Napaka-'study first' na babae pero may crush kay Taeyong. Nakakainis!

Bigla nalang umalis si Jaeycee ng room at syempre bilang future boyfriend-- este asawa-- este tatay ng mga anak niya, ay sinundan siya. Indirect hatid sa bahay ba? 

Habang naglalakad kaming dalawa papunta sa hallway, para siyang kinakabahan. Kinakabahan ba siya sakin? Bakit naman? Hindi naman ako stranger ah? hmp.

Bigla siyang humarap sakin, "Uhm Jaehyun, balik lang ako sa room ha? May nakalimutan ako e." Bat nagpapaalam 'to sakin?

"Eh bat ka nagpapaalam saakin? Pwede ka naman pumunta sa room ng wala sinasabi sakin diba?" Nagulat nalang siya. Nanlaki yung mga mata niya at biglang namula. Totoo palang makikita mo na namumula ang pisngi ng tao sa pagkabigla. Cute parin naman niya. 

"Ay oo nga naman. Bakit nga pala ako nagpapaalam sayo ha-ha-ha. Sige babay haha" Bigla siyang tumakbo papunta sa room uli namin. 

Ang cute niya ma-flustered, sobra.

«—JAEYCEE'S POV—»

Ang tanga tanga mo talaga, Jaeycee. Bakit ka nga ba nagpaalam sakaniya? Baka isipin niyang assuming akong tao? Oh bakit hindi nga ba? Hindi ko naman alam kung sinasamahan niya ako o nasunod ba siya sakin o sadyang sabay lang talaga kami uuwi e. Ay nako nakakainis talaga.

Patuloy akong pumunta sa room at kinuha yung tubigan na binigay sakin ni Jaehyun. 

Pagpunta ko sa harap ng school, nakita ko si Jaehyun. 

"Oh, bakit nandito ka pa?" Tanong ko.

"May hinihintay kasi ako e" Tumingin siya sakin at ngumiti. Weirdo neto. "Gusto mo samahan kita maghintay?" Suggest ko. Gusto ko kasi magturingan parin kami as friends kahit nililigawan na niya ako 'no. Para less awkward.

"Alam mo ba yung hinihintay ko?" Tanong niya. Oo nga naman, malay ko ba kung naghihintay pala siya ng isang himala. Hala edi naghintay nalang kami forever dito.

"Ah eh, hindi pero ok lang. Sabay na natin hintayin para di ka lonely" Nginitian ko para masabing 'wow ang bait ni jaeycee'. 

"So ok lang sayo na hintayin mo yung sarili mo? Sige. Samahan din kita para di ka lonely." Tas nginitan niya din ako. Ay nakuha niya ako dun ha. "Tara na nga, baka abutin na tayo ng gabi dito. Hatid na kita sainyo." Bigla niya kinuha yung mga gamit ko at nagsimula maglakad. Ano ba 'to, ideal man ng mga babae nowadays? Kasi kung oo, huh! ang swerte ko. 

The Sounds of Love [NCT JAEHYUN FANFIC]Where stories live. Discover now