Chapter 7:Fiance

91 12 11
                                    





----

•••Chapter 7•••




Katilyn's POV





Limang buwan na ang nakalipas na nag-aaral sa Monteverde University.


Kamusta ako? Okay naman. Actually, ang daming nagbago kumapara sa dati kong school.



Ang dami nang nang-bubully sakin, ang daming may ayaw sakin. Ewan ko ba, dahil ba nerd ako?


Palagi rin akong inaaway ni Zoey, pinagtatanggol rin ako ni Julie palagi. Ang daming problema nila sakin ah...

Hindi na din ako masyadong mabait sa mga tao. Ewan ko ba, na-influence na ata ako sa mga tao dito.



Mas nakilala ko din si Julie. Meron siyang side na mean na cool. Parang cool bitch? Maybe. Pero siya pa rin si Julie na friendly at jolly. Astig nga yung ugali niya eh.




At iniiwasan pa din ako ni Daemon. Like the old times pa rin. Masungit pa rin at suplado.


At... Feeling ko nga rin eh.......


















Crush ko na si Daemon.







Oo, tama kayo ng binasa. Crush ko siya. Ewan, dahil na din ata sa pagiging masungit at suplado niya. Gwapo pa. Hihihi.

Minsan nga nagpapapansin ako sa kanya eh. Hindi naman ako pinapansin. Hindi ko pa nasasabi kay Julie eh.








Andito kami ngayon sa canteen kumakain ng lunch.


"Uhm... Julie, may sasabihin ako. Ayoko din kasing maglihim sa'yo." Sasabihin ko na ba sa kanya na gusto ko yung kambal niya? W-wag nalang. Dapat sabihin ko na, para walang sikreto. Pero...pero---

"Ano yon Katie?" Tanong ni Julie.


"E-eh... Uhm... Basta pangako mo di mo sasabihin sa iba ah?" Sabi ko kay Julie.

"Pangako, di ko sasabihin sa iba." Sabay taas niya ng kanang kamay niya."Ano ba kasi yon?"

"U-uhm.. K-kasi... C-crush ko si D-Da-Daemon." Sabi ko ng utal utal. Nahihiya ako eh.

Nawala ang ngiti sa kanyang mukha at napalitan ng lungkot. Hala! Bakit kaya?

At may sinabi siyang hindi ko inakalang sasabihin niya...



















"Sorry pero...Hindi pwede Katilyn. Ipapakasal siya sa iba eh."







H-huh?!




Julie's POV




Nalulungkot ako para sa kaibigan ko dahil hindi talaga pwede.






Stupid Arranged Marriage (made in 2017)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن