Chapter One

6 0 0
                                    


Ang lakas ng ulan. Ganitong-ganito talaga 'yong nangyari dati eh. I can clearly remember what happened that time. Pero iba na ngayon. Hindi na kasi sumabay 'yong pag tulo ng luha ko sa ulan.

"Kuya, sa kabilang kanto po." Sabi nang nasa gilid ko.

Nakalimutan ko, nasa school pa pala ako. Nasobraan ata ako sa pag re-reminisce. Madami kaming stranded dito sa labas ng school. Pahirapan kasi talagang makasakay lalo na't may ulan.

"Raylei Remolino!"

Lumingon ako sa likod narinig ko kasing may tumawag sa akin. Umatras ako ng kaonti para mahanap ko 'yong tumawag.

"Ano ba!" Sigaw nang nasa likod ko. Naapakan ko kasi 'yong sapatos niya.

"Naku, sorry talaga Miss." Agad kong sabi.

Tinignan ko 'yong sapatos kong basa-basa na sa ulan. Bumabaha din kasi dito eh. Bahala na nga 'yong tumawag sa akin.

"Paano ako uuwi nito?" Sambit ko sa sarili ko.

Tiningnan ko 'yong relo ko, malapit ng mag-alas sais. Mag-aalala 'yon si Mama. Hindi rin ako makatawag kasi walang load.

Hindi ako pwedeng magpa-ulan. Ma-aaksaya lang 'yong ginawa kong report para bukas. I need to do something! May assignments at report pa akong dapat tapusin.

Nag-alisan na pala 'yong ibang estudyante. Akala ko sasakyan 'yong hinintay, 'yon palang mga jowa nilang taga ibang university. Sige, kayo na ang may forever.

"Sukob na ... Halika na ... Sabay tayo sa payong ko ..."

Lumingon ako sa gilid kung saan ko narinig 'yong kumanta.

Kahit malakas 'yong ulan, dinig na dinig ko pa rin 'yong magandang boses niya. Naka-sideview siya kaya hindi ko masyadong maaninag 'yong mukha niya. Pero sa nakikita ko, matangos ang kanyang ilong. Meron din siyang circle shape black earrings na mas lalong nakaka-dagdag porma sa kanya.

Itinuon ko na ulit 'yong pansin ko sa kalsada. Nag-aabang kung may jeep na dadaan. May dumadaan naman pero punuan.

"Miss? Gusto mong sumabay?" Nilingon ko 'yong lalaking kumanta kanina.

Mas gwapo pala siya kapag nakaharap. Makikita mong buo, 'yong gwapo niyang mukha. Nakangiti siya ngayon kaya mas lalong kita 'yong dimple niya. Hindi ako nakasagot agad kasi talagang tutok na tutok ako sa mga features niya.

"Miss? May problema ba?" Tanong niya ulit.

Bigla akong natauhan. Baka masyado akong halata kanina, nakakahiya sa kanya.

"Ah... Kasi..." Hindi ko mahanap 'yong sasabihin ko. Ano ba yan!

"Mukhang kanina ka pa kasi dito eh, tsaka ikaw na lang din 'yung naiwan." Sabi niya.

Nilibot ko 'yong tingin ko sa paligid. Oo nga! Ako na lang 'yong naiwan. Forever loner na talaga!

"Ah... Sige... S-sasabay ako.." Sabi ko sa kanya. Kesa naman mabulok ako dun? Choosy pa?!

Diba dapat maginaw kasi umuulan bakit mainit? Katabi ko kasi siya. Ayun nag simula na kaming maglakad.

"Saan ka sasakay miss?" Tanong niya.

Sobrang gwapo niya as in. Hindi lang gwapo, mabango pa. Nakaka-turn off naman 'yong gwapo tapos mabaho. Don't get me wrong, pero diba? We have different taste.

"Sa may paradahan na lang ako ng jeep." Sagot ko.

"Ah sige, medyo malapit lang naman 'yon dito." Sabi niya.

Sana hindi tumigil 'yong ulan para medyo mahaba-haba 'yong time namin. Hahaha joke lang. But wait? Taga SU lang din ba siya? Bakit di ko siya nakikita sa campus?

Tahimik lang kami. Nakakahiya naman kung ipakita ko 'yong pagka-madaldal ko sa kanya.

"Joachim!"

Huminto siya paglalakad kaya huminto din ako.

"Wait lang ah. May tumawag kasi sa akin." Sabi niya.

"Ah, okay lang." Sagot ko.

Naglakad kami patungo sa lalaking tumawag sa kanya. Actually isang grupo ng mga lalaki ang tumawag sa kanya. Nagpapasilong sila sa tindahan. Namumukhan ko 'yong iba, kaso taga ibang univesity. So it means hindi siya taga SU?

"Oy! May chicks pala siyang kasama oh!" Sigaw nang isa na naka cap.

"Weh? Meron nga?" Sabi nung lalaking medyo chinito.

Okay. So Joachim pala ang name niya? Ay ang bongga!

"Ipakilala mo naman kami sa kasama mo Joe." Sabay nang isa pa na mahaba 'yong buhok.

Nasa lima ata sila kasama na si Joachim. Gwapo din naman 'yong mga kasama niya pero mas gwapo talaga si Joachim. Tahimik lang 'yong isa nilang kasama na naka earphones, nakapikit so malamang tulog.

"Tara na nga. Ang dami niyo pang-arte." Sabi nang naka earphones.

Agad naman akong nilingon ni Joachim.

"Ah... Miss... Pasensya na talaga ah? Mukhang hindi kita maihahatid." Sabi niya.

Medyo nalungkot ako sa sinabi niya. Sayang naman!

"Sayo na lang 'yang payong ko para hindi ka mabasa sa ulan." Sabi niya.

"Tara na Joe!" Sabi nung naka earphones.

Hindi na siya nakapag-paalam kasi hinigit na siya palayo 'nong naka-earphones. Sayang talaga.

Naglakad na lang ako pabalik. Nakakalungkot naman. Agad din akong napahinto. Dun ko pa na-realize na hindi pa ako nakapag-pasalamat sa kanya tapos hindi ko pa alam 'yong apelyido niya. Paano ko siya ia-add sa facebook?! Pag lingon ko wala na 'yong sasakyan nila. Aaah! Kainis! Sayang!

Tears in Rain (One Shot)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora