Chapter 5

130 3 2
                                    

maraming salamat talaga at pagbibigay komento sa novel na ito..^_^..

__________________________________♥ ♥ ♥ ♥___________________________________ 

Tahimik na hapunan sa mansion ng pamilyang Marquez ang madadatnan dahil narin sa aso’t pusa na awayan ng magulang ni Greg na si Antonio na isang Major General  ng PNP at si Lucia na nagmamay-ari ng isang sikat na clothing line na ‘Osairis’.

Nagsalita na ang kanilang anak to break the silence. “Pwede ba magpansinan na kayo. At saka Ma, hindi na ako sasama sa inyo-“

Napatayo ito, “Hindi iyan maari!!! Gregorio, sasama ka sa akin sa ayaw mo man o sa gusto, That’s final!”  naupo na matapos siyang magsalita.

“No Mama, I will stay here . Im old enough to decide to myself.”

“Old enough?? That’s enough Gregorio! Stop being childish...” hasik nito habang ang kanyang asawa ay tahimik parin na kumakain.

“Ikaw ang childish diyan! Hindi ako!” hasik rin nito na hindi na mapigilan ang bibig at parang nawalan ng gana sa ina.

Nagulat ang Mama niya sa sinabi ni Greg na sa puntong humagulgol sa iyak habang humahalakhak naman sa tuwa ang kanyang Papa.

“Hindi ko akalain na sasabihin mo ‘yan anak, im so proud of you!” sabi ng kanyang Papa sa kanya.

“Proud ka diyan! Binastos na nga ako ng anak mo natutuwa ka pa!”

“Siyempre, totoo naman ang sinabi ng anak natin childish ka.” sabay ngisi nito at ni Greg habang  umimiyak ng kay-lakas ang kanyang Mama na parang inaagawan ng manyika. Kaya pinatahan siya ng kanyang asawa na parang ama sa kanyang anak.

~Iza’s POV~

Akala ko pa naman naalala niya na, kainis! Sa tuwing maaalala ko ang pag-uusap namin ni Gorio kaninang hapon...maiinis ka rin talaga!

-FLASHBACK-

"Ano ka ba, naka-move-on na ako noh...may naalala lang ako nuong bata pa tayo. Siguro nakalimutan mo na...

"Naalala mo rin??!"  sabi niya, tuwang-tuw na talaga ako nuong moment na yuon

“Oo naman, kaso nakakahiya noh?...” ngumi ako with matching mangilid-nglid pa ang luha.

“Oo nga..” sabay tawa niya, “Makita mo ba naman ang album ko na ang pictures ay puro hubo’t hubad! Sino ba ang mapapaluha sa tawa nun???” humahalakhak siya sa tawa subalit iba ang  nararamdaman ko parang sasabog na  bulkan!. “Teka, matagal ka na palang hindi nakakapunta sa bahay namin. Tara punta tayo ‘pag natapos ang klase mo?”

“Sige ikaw na lang may klase pa ako...” umalis ako na may pagkadismaya ang mukha.

-END OF FLASHBACK & Iza’s POV-

KINABUKASAN sa rooftop...

 Tik-ti-laok! Tik-ti-laok! nag-ring na naman ang annoying alarm ng cellphone niya na kanyang ikinagising...

“Himala...hindi yata siya nagpunta rito, ano kayang problema no’n at inis na inis sa akin kahapon? Makatulog nga ulit~” ani Greg.

Ilang sandali may dumating sa rooftop narinig iyon nang binata at baka si Iza na yun kaya sumilip siya sa baba pero ang kaibigan niya iyon na si Joy.

“Gumagaling pala ang mga hayop?” inis ng binata sabay tawa.

“Tumahimik ka nga taong-bubong!” hasik ni Joy.

Tumalon ang binata mula sa bubong ang lumapit kay Joy. “Ikaw lang, ‘nasan si Iza??”

Samantala si Iza ay hindi matiis ang kanyang bff dahil nag-aya itong magpahangin sa rooftop pero tumanggi ito dahil masama raw ang kanyang pakiramdam na ang totoo’y inis na inis parin ito kay Greg kaya sinundan niya ito. Subalit pagbukas niya nang pinto, mukhang nagkakasayahan sila kaya pinasya niyang bumalik na lang sa room...

Ano ba itong nararamdaman ko?

Pabalik na sana si Iza nang may nakabangga siya. Tall, dark & handsome ang guy na nakabangga  niya na mukhang famous sa academy pero hindi ma-sink-in sa kanyang isip iyon dahil na rin siguro sa hindi mapaliwanag na nararamdaman ng dalaga nang makita niya kanina sina Greg at Joy.

"AH!! sorry, sorry.." ang tangi niyang nasabi. 

"Miss, mukhang masama ang pakiramdam mo dusto mo bang dalhin kita sa clinic?"  Ito ang gentleman at gwapo pa!

"Wag na. Salamat na lang sa pag-alala mo sa akin pero ok lang ako." sabay ngiti niya sa lalake at saka umalis.

Itutuloy~  

 Queen's Note:  Senxia talaga ng sobra sa late update T__T

Thanks sa lahat ng bumasa, babasa, ka babasa pa lang etc.. hehe   

Seryoso ako!Where stories live. Discover now