Chapter 3

135 3 1
                                    

       “Sa wakas pumasok ka na rin!” ani Joy kay Iza na di makuhang mangiti dahil sa mga kaklase. Isa rin kasi kung bakit dusto niyang lumipat ng school sa halip na pumasok muli sa Marcelle Academy ay dahil sa kanyang ibang mga classmates “Wag mo nang pansinin Iza ang IBA dyan! Na masama kung makatingin, tsismoso’t tsismoso dyan at matabil ang dila!”

     Nangiti si Iza “Salamat talaga Joy pero hindi mo na dapat silang paringgan..” bulong nito, tumungo na sila sa kanilang upuan “Joy, pakopya naman ng mga lectures-“ naputol ang sasabihin niya nang makita niya na dumating na sa room ang lalaking lomoko sa kanya! 

     Nahinto si Eric ng ilang saglit pero tumungo agad siya sa upuan sa pinakalikod at umupo kahit hindi naman siya ruon ang nakaupo dahil katabi niya talaga ang ex-gf nya! Sobra kasi ang tension kung duon pa siya uupo katabi ni Iza...

     Natapos na ang unang araw niya sa pagbablik niya muli sa klase subalit dismayado siya, may hinihintay kasi siya... na makausap at humingi ng kapatawaran si Eric. Subalit umabot na ang isang linggo, hindi parin sila nag-uusap at puro deadmahan ang nagaganap! Tila walang pakiramdam ang lalaking yun!!!

     “Magkita tayo sa rooftop.” Wika ni Iza kay Eric, wala siyang pakealam kung naririnig ito ng mga kaklase nila at sa kung anung gagawin nila...

     Sumunod si Eric at tumungo na siya sa rooftop upang kausapin si Iza. Tumungo na rin ang iba niyang kaklase upang alam mo na... maki-chismis! Subalit si Joy ay hindi sumunod at piniling pumunta sa canteen upang kumain dahil fight iyon ng kanyang kaibigan at hindi dapat siya naruon pero pinapanalangin niya na maging ok na ang lahat para sa dalaga at para rin sa kanyang sarili na may pinagdadaanan rin matapos silang mag-away ng kanyang 6th boyfriend...

     Isang malakas na sampal ang agad na natanggap ni Eric nang dumating na siya. “Patawad Iza!!”

     “Bakit ngayon lang?.. bakit Eric? Ako pa ba ang unang maga-approach sa iyo para mag-sorry ka ngayon? Its too late!!!” agad na umagos ang luha ang kanyang pagbuhos ng galit sa lalake.

      Alam ni Eric na hindi kadali na patawarin siya ni Iza sa inilahad niya na kesyo mahal niya parin si Mae na kanyang ex-girlfriend na hindi kinaya ni Iza na napasandal sa dingding. Patuloy sa paghingi ng tawad ang lalake na nagulat ng may biglang dumating at lumapit sa kanila.

     “Im really sorry.. sana mapatawad mo kami!” si Mae na lubos na nagpapatawad sa kanya.

     Agad na umalis patakbo si Iza dahil baka may masabi pa siyang masama sa kanilang dalawa. Sobra pa siyang nagalit sa pag-alis niya dahil may mga tsismoso’t tsismosa na nakikinig sa usapan nila at akalain mong may nag-video pa! 

___________________________ ♥   ♥   ♥   ♥  ________________________________

     “Sabi ko na nga..nandito ka na naman eh..” wika ng kanyang savior na si Greg na nagulat nang nakita niya si Iza na parang magpapakamatay!

     Nagulat si Iza kung bakit siya ibinaba nito sa gilid ng building “Teka ano bang ginagawa mo???”

     “Dapat may harang na ito! para walang makagawa ng kaduwagang ginagawa ng babaeng ito ngayon..” tila nagpaparinig “Magrereklamo nga ako sa principal!”

     “Pinariringgan mo ba ako? Hello?!! Hindi ako magpapa-kamatay noh!” sabay tawa na parang walang nangyari na ikinatuwa ni Greg. Biglang niyakap niya ang binata na mistulang na-blush. “Salamat Gorio..”

     Umalis na ang binata “No problem! kitakits ulit~” hindi humarap nang sinabi niya yun para maitago ang hindi paring nawawalang pamumula sa kanyang pisngi.

     “Anong problema nun?” aniya at saka tumuon na siya kalangitan.. Malaki talaga ang pasasalamat niya sa binata pati rin sa kanyang ina at bff na si Joy dahil sa kanila nakamove-on siya, natuto muling ngumiti at ipinkita niya kay Greg na hindi siya duwag! How about magpatawad? Napakahirap iyon para kay Iza pero darating rin ang panahon ng kapatawaran at makakalimutan na niya iyon.

     Habang nagmo-moment ang kanyang bff “Iza! Nasan ka ba? Nandito na si Teacher, maa-absent na siya...” ani Joy.

Itutuloy~

 Queen's Note:   Kong Hei Fat Choi mga ka-wattpad!! =D

Thanks sa lahat ng bumasa, babasa, ka babasa pa lang etc.. hehe sana mag-comment rin kau and vote kung nagustuhan niyo ang chapter na ito..honesty is the best policy ^_^

salamat ulit!  

Seryoso ako!Where stories live. Discover now