Chapter 2

31.1K 662 6
                                    



Nanigas ang buong katawan ni Trevor nang sa kanyang pag-harap ay ang namimilog na mga mata ng dalaga ang kanyang natunghayan, mga matang nakapanghahalina.

"Hi-hindi ka lasing?" Bakas sa mukha ang pagkabigla.

"Hindi. Sorry ha, nagulat ata kita," patuyang sagot ni Candy. "Bad trip ka kasi, eh. Kailangan ko pang maglasing-lasingan para makilala ang kung sino mang nagdadala sakin sa hotel gabi-gabi," sabay irap sa kausap.

"Ha, eh, plano ko naman talagang magpakilala, nag-iipon lang ng lakas ng loob," namumulang paliwanag nito. Muntik nang mapabungisngis ang dalaga. Paano ba naman ay parang bata ito na nagdadahilan.

"Ah, wala palang lakas ng loob. Eh ano yung eksena mo nung isang gabi?" Lalong namula ang mukha nito sa sinabing iyon ni Candy. Hindi nito mahanap ang mga salitang gagamitin.

"Alam mo naman sa sarili mo na wala akong ginagawang masama sayo sa tuwing ihahatid kita rito diba?" depensa ni Trevor.

"Oo... except nung isang gabi. Hinalikan mo ako."

Gawin mo ulit. Chos. Pesteng utak to ah, talande!

Napaupo si Trevor sa paanan ng kama at naihilamos ang palad sa mukha. "Sorry. Okay? Pero ikaw naman ang nag-initiate nun. Tao lang, nadadala rin. Pero wala naman na kong ibang ginawa sayo bukod don... sa kiss na yon."

"Yun nga eh, sana itinuloy-tuloy mo na! Buset," sa isip-isip ni Candy.

Di na napigilan ng dalaga ang bungisngis na kanina pa pinipigil dahil sa reaksyon ng binata.

"Okay lang. Alam ko naman na ako ang nauna." Sa unang pagkakataon ay binalingan ni Candy ang binata ng isang matamis na ngiti. Hindi maipaliwanag ni Trevor ang naramdaman. Minsan na nyang nakitang nakangiti ang dalaga kasama ang pinsan nito, pero iba ito... nakabaling sa kanya ang ngiting iyon.

"So anong pangalan mo?" Tuluyan nang bumangon sa pagkakahiga si Candy. In fairness, gwapo ang mokong.

"Trevor."

"So Trevor," ang gwapo din ng pangalan, "lahat ba ng nalalasing sa club e dinadala mo sa hotel? Santo ka ba o bored lang sa buhay?" paangas nyang sabi na sinabayan pa ng paghalukipkip ng braso sa dibdib.

"Sayo lang. Kahit ako nagtataka rin sa sarili ko kung bakit ko ginagawa 'to. Huwag kang mag-alala, di naman ako masamang tao."

"Talaga lang ha." Halata naman eh, ang gwapo mo kaya.

"If you don't mind me asking, why get drunk every night?" ani Trevor na di naman umaasa na sasagutin ng dalaga ang tanong nya.

"Candy. At di pa tayo close para ikwento ko sayo ang istorya ng buhay ko."

Suplada.

"Sorry. That's so insensitive of me." Napatingin sa sahig ang binata. Inabot nito ang susi ng kotse na nakapatong sa side table. "So let's go?"

"Anong let's go? As if naman sasama ko sayo noh." Tinaasan lang sya ng kilay ng binata, sabay binalingan ng makalaglag panty na ngiti. Paano ba naman sya makakatanggi?

<<<<<>>>>>

"Kung alam ko lang na dito lang pala ang bahay mo eh hindi na sana kita sa hotel hinahatid tuwing lasing na lasing ka," si Trevor habang ipinagbubukas si Candy ng passenger's door. Napansin ni Trevor ang bahagyang pamumula ng pisngi ng dalaga. Nahiya siguro. Ang cute naman nyang mahiya.

"Trevor, di ko hiniling sayo na gawin mo ang mga bagay na ginawa mo para sakin. Pero ganun pa man, nagpapasalamat pa rin ako sa pagbabantay at paninigurong walang masamang mangyari sakin. Pasensya na rin sa abala." Papasok na sana si Candy ng gate nang hawakan sya ni Trevor sa braso. Mainit ang mga palad nito at may hatid na kakaibang kilabot sa kanyang kabuuan.

"I'm sorry. I didn't meant to," sabay bitaw sa braso ng dalaga.

Isang ngiti ulit ang isinagot ni Candy. Quota na si mokong. "Pasok ka muna?"

"Ah, hindi na. It's late na rin. Next time na lang siguro... kung papayag kang magka-next time pa," nahihiyang sabi ni Trevor sabay ng pagkalukot ng ilong.

"We'll see. Sige na. Mag-iingat ka sa pag-uwi," kiming ngumiti si Candy.

Kanina pa nakaalis ang binata ngunit nakatayo pa rin sya sa harap ng gate. Kung hindi pa kumalabog ang pinto ay di pa sana sya matitinag. Matagal na palang nakatayo doon si Toyang at pinagmamasdan sya.

<<<<<>>>>>

Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ng binata. Nagmamaneho sya pauwi ngunit ang isip nya ay naroon parin sa hotel, naroon sa sandaling unang beses na nagtama ang kanilang mga mata. Ramdam pa rin nya ang mahigpit na hawak ng malambot na kamay nito sa kanyang braso. Hindi nya mabura sa isipan ang ngiti ng dalaga. Ang boses nito ay paulit-ulit nyang naririnig.

"Candy..." ang pagsambit pa lamang ng pangalan ng babaeng prinotektahan nya nang halos dalawang buwan ay nagbigay na agad sa kanya ng di maipaliwanag na sensayon. "I think I'm falling for you..."

<<<<<>>>>>

Malalim na ang gabi ay di pa rin maalis sa isip nya ang mga naganap. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin nya ang mahubog at matikas nitong dibdib. Pakiramdam nya ay lulan pa rin sya ng malalakas na mga braso nito. At ang maamong mukha nito, hindi nya maikakailang napakagwapo. Hindi nya mapigilan ang mapangiti habang kagat ang ibabang labi, lalo na nang maalala nya ang gabing hinalikan sya nito. "Mukhang di ako patutulugin ng mokong," bulong nya sa sarili.

"Ano daw pangalan ni mamang pogi? Yun ba yung kumiss sayo?" mgkasunod na tanong ni Toyang.

"Trevor..." wala sa loob na naibulong nya.

"Hallellujah... hindi Angelo ang lumabas sa bibig nya," parang tangang sabi ni Toyang, kasabay pa ang pagtaas ng mga kamay nito sa ere. Binato nya ito ng unan.

Biglang nag-iba ang timpla nya. "Bakit ka ba ganyan? Parang wala lang sayo ang pagkamatay ni Angelo ah. Kinalimutan mo na ba yung mga pinagsamahan nating tatlo ha?" Di nakaiwas kay Candy ang emosyon na tumulay sa mata ng pinsan. Tumabi ito sa kanya at naging seryoso ang mukha.

"Di naman sa ganun. Nahihirapan lang akong nakikita kang ganyan. I just want you to move on. I want my BFF back. Alam kong mahal na mahal mo sya, pero minahal ka ba nya talaga?"

Matinding kirot ang gumuhit sa kanyang puso nang marinig iyon. Bumuhos ang mga ala-alang parang kahapon lang nangyari. Nung nakaraang taon inanunsyo ang kanilang engagement. Ngunit magmula nun ay tila umiwas na sa kanya ang binata. Bilang lang sa daliri ang dates nila, at kung di pa sya magtext ay di sya tatawagan nito. Once a month lang sila kung mag-date at mabilisan pa dahil kailangan ulit nitong umuwi kinabukasan. Nagpa-assign kasi ito sa Cebu. Itong huling date nila ang huling beses na nakasama nya si Angelo. Nasa parking lot ito nang mabangga ng rumaragasang kotse. Ang masaklap pa ay tinakbuhan ito ng siraulong driver. Na-hit and run ang binata.

Sa halip na maghintay ng sagot ay tumayo na si Toyang at bagsak ang balikat na umakyat ng hagdan. Ngunit bago makarating sa itaas ay may sinabi muna ito.

"I hated him for what he did to you... pero minahal ko rin sya, Candy, at hindi lang ikaw ang nangungulila sa kanya."

Naiwang tulala si Candy sa sala. Parang sirang plakang umulit-ulit sa tainga nya ang mga sinabi ni Toyang. Alam nyang nagtampo ito. Sabagay, madali lang naman lambingin ang pinsan nya, at ganun din naman sya. Masyado nang malalim ang kanilang pinagsamahan para masira ng anumang alitan.

Dali-dali syang nagpunta sa kusina at naghalungkat sa ref. Alam na alam na nya ang mga hilig at mga ayaw nito. Kabaligtaran nya ito pagdating sa pagkain. Hilig nito ang mga gulay, at hate na hate naman ang mga karne. Samantalang siya ay mamamatay kapag di nakakain ng manok sa loob ng isang linggo, bumabaligtad naman ang sikmura niya pagdating sa mga gulay.

Tinandaan nya kung paano gumawa ng green salad si Toyang. Salamat na lamang at kumpleto ang ingredients sa ref. Teka, kanino bang ref 'to? Parang ang unfair huh. Tila wala siyang makitang karne sa ref, puro gulay at isda. Tsaka na lamang nya iyon pupunahin kapag okay na sila ni Toyang. Mahirap na, kapag tumagal pa ang tampururot ng pinsan ay baka di na idamay ang damit nya sa pagpapa-laundry.

Nang matapos sa ginawa ay agad siyang umakyat ng kwarto. Nasa pinto pa lamang sya nang may narinig syang umuungol.

"Buset ka! Nagdradrama ko sa baba, nanonood ka lang pala ng porn dito! Kababae mong tao!" Inirapan lang siya ng pinsan at muling itinutok ang mga mata sa pinapanood. Dahan-dahan naman nya itong nilapitan at iniabot ang dalang salad. "Uy, bakla, sorry na. Wala naman akong ibig sabihin dun eh. Eto oh, ginawan kita ng salad."

Nilingon sya nito at kinuha ang salad sa kanya. Nagsimula na itong kumain na tila ba kambing dahil sa gawi ng pagnguya ng damo... este lettuce.

"Akin na nga yan, di mo rin naman pala ko babatiin kinain-kain mo pa yan." Pilit niyang inaagaw rito ang bowl ng salad.

"Baka simpigahin ko yang panga mo. Nagdala ka ng salad, di ka nagdala ng tubig. Ano ba naman yan? Eh kung mabilaukan ako, eh di wala nang Toyang. Tsaka anong bati na tayo? May pasorry sorry ka pang nalalaman. Kelan ba tayo nag-away ha? Abnoy na 'to."

"Eh, bakit may pawalkout-walkout ka pang nalalaman?" saad niya na nagkakandausli ang nguso.

"Gaga, anung walkout? Mas excited lang akong panoorin ang director's cut copy ko ng 50 Shades of Grey kesa makinig sa drama mo. Tsaka hindi 'to porn, baliw. Erotic lang!" sabi ni Toyang habang di maalis ang mata sa screen ng laptop sa kadahilanang nakafocus kay Christian Grey ang scene.

"Ahhh, eh lilinawin mo," sabay kutos dito, pero banting lang. "Gasino ba naman yung sabihin mong, 'Hoy, leche, manonood ako, sama ka ba?'" gigil na anas nya. "Beks, maiba lang. Trip mo ba yung ganyang jowa? Yung dominant, yung tipong itatali ka, lalatiguhin ka, sasapakin, tatadyakan, mga ganun ba?" saad ni Candy na nagpipigil ng tawa.

"Putcha! Iba na yun ah. Di na lang. Baka imbes na ma-pleasure ako e ikamatay ko yun. Tsaka mas type ko yung gaya ng guardian angel mo. Maalaga, gentleman at proprotektahan ka," sa kisame na ito nakatingin at halatang kinikilig. "Teka, wag ka ngang kulugo. Matulog ka na nga, istorbo ka eh," pataboy na sabi ni Toyang sa kanya.

Tumayo na rin naman sya. Lalabas na sana sya ng pinto nang may maisip gawin.

"Inom tayo, beks. Kahit isang bote lang ng Empi," yaya nya sa pinsan. Nakatitig lang ito sa kanya nang matagal. Malamang nagco-compute na ito ng gastos at oras sa isip.

"Geh. Pero isang litro lang ha. Tapusin ko lang 'to."

<<<<<>>>>>

Madaling araw na ay nag-uutuan at nagbabarahan pa ang dalawang nasa kalahati na ng pangatlong litro ng Emperador. Nariyan yung magtatawanan, sabay na iiyak, magsasabunutan o di kaya ay magbabatuhan ng pulutan. Lahat na ata ng kabalbalan ng isang lasing ay nagawa na nilang dalawa... except kissing a girl, of course. Incest din yun pag nagkataon.

"Alam mo, Towang, naiintriga ko sha shinabi mo eh kani-kanina lang. Tanda mo pa? Ikaw ba eh may pagmamahal din kay Angelo ko huh? Shagot!"

"Toyang, tanga! Hindi Towang. Lashing ka na ata eh. Malabo yun, beksh. @#$%&..."

"Ano?! Kelan ka pa naging alien huh?"

Bagsak na ang dalawa at halos hindi na magkaintindihan. Maya-maya pa ay tumitilaok na ang mga manok sa labas. Nagtunugan na rin ang kani-kanilang alarm.

"Umaga na. Tulog na tayo, Towang." Humihilik na pala ang bruhang pinsan.

<<<<<>>>>> 

If you liked it, please don't forget to Follow, Comment and Vote :)  

Lasing Na Pag-ibig (COMPLETE)Where stories live. Discover now