TWENTY ONE

2.1K 75 8
                                    

Ace POV

"Ming ming sa tingin mo ba matagal kong liligawan si Kris?" tanong ko dun sa pusang lumapit lang bigla saakin habang nakatambay ako dito sa may likod ng school. Oo nababaliw nako.. Haaay

"Meow ~" tanging tugon ng pusa. Sana naman naiintindihan ko sya.

"Sige na ming iwan na kita kanina pa tapos ang break time namin." sabi ko nalang tsaka tumayo at umalis

Maraming ginawa sa school preparations para sa event at kung anu anu pa..

"Ace!" sigaw ng pamilyar na boses

"Dela Cruz"  sabi ko ng pabulong "Anong kailangan mo?" dagdag at kaswal kong tanong.

"Kanina pa kita hinahanap. Kailangan ka ni Kris!" sabi nya

"Anong nangyare? Asan sya?" sabi ko nalang

Kris POV

Anu ba ito! Susunod ayoko nang maging lider! Pwede na nila akong kantahan ng tatlong bibe tapos ako ang lider. Kainis!

Andito ako sa labas ng school para asikasuhin ang mga gamit na pandedecorate namin sa booth namin sa darating na anniversary ng school.

"Ikaw ba si Kris?"

"Ay tuko!" sabi ko sa pagkakagulat, sino ba itong babaeng to? Bat ba nang gugulat?

"Sorry, oo ako nga bakit po? Ano pong kailangan nila?" tanong ko at syempre magalang ako sa mga mukhang matatanda.

"Igapos nyo na yan." sabi nya.

Teka?! Igapos? Bakit?

"H-ha? Ano? T-teka! Anong ginawa ko? B-bat nyoko igagapos?" pero bago paman ako makaalis ay nahawakan na nila ako

"Tumahimik ka nalang kung ayaw mong masaktan."

"W-wait!" sigaw ko. "Someone help me!" sigaw ko ulit. Lakas maka american movie ano?

At wala na po akong nagawa Charo, may inispray silang pampatulog at ang sumunod di ko na alam san nila ako dinala

Ace POV

"May nakakita daw na dinukot sya ng limang babae sa labas ng school." sabi ni Miguel habang na sa sasakyan kame.

"May alam naba kayong lugar na pinagdalhan sakanya? May tumawag ba? Tangina! Sino ba may gawa neto?" bulaslas ko sa pagkakataranta. Ni hindi namin alam kung san hahanapin si Kris

"Ace! May nakapagsabi sakin saan makikita si Kris!" at biglang lingon ko sa nagsabi nun si Nik.. Teka alam nya na agad?

"Paano mo nalaman? Sino nagsabi sayo?" tanong ko

"May nagsabi sakin na nakita nga daw si Kris na dinukot kaya sinundan nila kaya tara na! Bago paman may mangyare kay Kris.." sabi ni Nik. Bahala na basta kung pano nya man nalaman.

"Tara na. Dela Cruz tumawag ka ng pulis." sabi ko

"S-sige.." medyo alangan na sabi ni Dela Cruz

Dali dali kameng umalis ni Nik para puntahan ang nasabing lugar..

Kris POV

Ano ba itoo. Huhu Lord ano po ba naging kasalanan ko? 😭😭

"Pakawalan nyo nako please? Bakit nyo ba ginagawa to?" sabi ko. Hindi ko alam kung nasaan kame wala akong makita. Commonsense may kinikidnap bang hindi pinipiringan?  😭😭

"Manahimik ka nalang pasasalamatan mo kame pagkatapos nito." sabi ng isa sakanila. Pasasalamatan? At bakit naman san ka nakakita ng kinidnap na nagpasalamat pa bandang huli? 😭😭

ACE [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon