plot 2 // scene 2

23 1 0
                                    


"anong celebration nga? gusto ko kong malaman."

"kung gusto mo malaman, pumunta ka nalang bukas."

"paano kung hindi?"

"eh hindi mo malalaman."

"ay grabe."

"hahahaha."

"sige hindi nalang."

"hoy."

"joke lang. syempre alam ko naman pupunta ka eh."





---







[in the next day]

"baka late ako makaabot. may pupuntahin pa kami eh."

"saan?"

"sinabi sa akin ni mama sa hospital kami pupunta."

"ha? bakit?"

"hindi ko din alam eh. basta kailangan ko daw bibisitahin."

"sino daw?"

"ang sabi niya lang magvi-visit kami sa taong pinaka-close ko. hindi ko nga alam kung sino yun."

"tiff, may dapat kang malaman."

"ha?"

"si alexis 'to."

"ano?!"

"oo. "

"ba't ikaw ang gumagamit ng account niya?"

"inutusan niya lang ako."

"ang tungkol sa party ba, gawa gawa mo lang yun?"

"hindi, totoo yun."

"nasaan si marcus?!"

"matagal nang nasa hospital si marcus. medyo okay pa naman siya. pero kailangan niya magpahinga."

"eh ba't gumawa pa siya ng party if nasa hospital siya."

"gusto niya sa huling celebration niya na magkasama tayo, memorable."

"anong nangyari?"

"may leukaemia siya, nagsimula lang last month."

"p-pwede pa ba siyang marecover?"

"hindi ko alam. basta ang mahalaga daw, sa party mamaya. makasama niya ang taong malapit sa kanya."

"sino?"

"ikaw yun."






















---

that's the end of the conversation story. agad akong sumama kay mama. alam 'kong si marcus yung tinutukoy niya. at tama nga ang hinala ko, siya nga.

pumasok kami sa loob ng room at nakita ko. gising siya nung pumasok kami.

"anak, si marcus. may leukem—"

"alam ko na ma."

nagulat si mama sa sinabi ko. alam niya siguro na wala akong alam pero hindi ko na ipinahalata sa kanya kanina pa lang.

lumapit ako sa kanya na ngayon ay nakahiga. tumingin ako sa kanya. tumingin din siya sa akin. hinaplos ko agad yung pisngi niya.

"bakit hindi mo pa sinabi sa akin noon pa? marcus naman oh." hindi ko mapigilang umiyak. mahal ko si marcus.

huminga siya ng malalim. "ayaw kong masaktan ka. yan tuloy umiiyak ka." sagot niya at nagpakita ng pilit na ngiti. ayaw ko siyang mahirapan.

"mahal kita. nag-chat kami kanina ni alexis. ine-explain niya lahat. ba't ginawa m-mo yun? ginawa mo 'kong tanga eh." patuloy pa rin ang pag-iyak ko. hindi ko mapigilan.

"gusto ko lang makasama ka." sabi niya.

"paano ka lalabas mamaya? may dextrose pang nakatusok sa'yo oh."

tumawa siya. "pwede na akong ma discharge mamaya. pero babalik pa ako dito for check ups." sabi niya. napatango ako.

"teka, mahal mo 'ko?"

napatigil ako. oo nga, sinabi ko nga pala yun sa kanya kanina. shocks.

narinig naman si mama nakatawa sa likod. "eh paano if—"

"mahal din kita." napatigil ako sabay gulat.



nagpatuloy nga ang party. na discharge na nga siya. at naging masaya at unforgettable ang lahat.

now he's going to undergo checkups para ma survive siya sa leukaemia. hoping ma survive nga. dahil gusto ko pang makasama ang taong mahal ko.












conversationsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin