nov 15

5 0 0
                                    

Come Tuesday.

Eto di na naman ako nakatulog. Paidlip idlip lang sakit na nga ulo ko e. Mas maraming akyat-panaog ko this time. Sabi nya deretso na daw sya dito from work. Quarter to ten, wala pa din. Naiinis na ako ha hirap mag-antay 1 week na akong lang maayus na tulog. Tinxt ko na naman si Marge na baka nagtxt sa kanya if dadating pa ba. Wala naman daw txt. Wag na daw ako umasa mag move on na daw ako. E di okay. Pero makulit ano e, tinxt ko sya. Sabi ko if pupunta pa ba sya. Mga ilang minutes lang reply. That's it un na ung ultimatum ko. Tapos na. So tinxt ko sya na if di pa sya handang makita ako magtxt lang sya kay Marge if kukunin nya mga gamit nya kung ano araw para aalis ako mg bahay ng di nya ako makita. Sabi ko di naman ako makikipagbalikan na wag syang matakot. Tapos ayun ng thank you na nag goodbye na ako. Then alam na kasunod. Ano pa nga ba e di ilang timbang luha na naman. Kung pwede lang ibenta to ng makabayad ng utang ginawa ko na yumaman pa ako.

Maya ng konti, ngring ang cp ko. Wag masyadong ma excite tama sya ang tumatawag. Ako naman si ganda sagot ng call anong gagawin e mahal ko.

"Hello?..." husky voice ko yan. Kaw ba naman kagagaling lang sa iyak di pa nga tapos e na interupt lang.

"Kamusta ka na?" wow what a big word. Talagang nangamusta pa thoughtful tlga nya. Hahaha sakit lang.

"Eto di okay. Sana man lang sinabi mong di ka pupunta nagpromise ka e nag-intay ako." Ayun di ko na naman napigilan tears of sadness ko.

"Yan kasi tung iniiwasan ko pagnagkita tayo yung mag-iiyakan."

"E alam mo naman magtawa ako e nasasaktan ako."

"Wag ka ng umiyak."

Abat talagang inutusan pa ako. Ako nga di ko mautusan mata ko na tumigil na sa pag-iyak sya pa kaya. Mas matigas ulo ko pero mas malambot mata ko.

"Masakit lang kasi di mo man lang nirespeto ung pinagsamahan natin. 8 years yun feeling ko para sayo wala lang yun."

"Kasi naman bat tayo ng kaganun pinabayaan mo ako..." di ko na sya pinatapos.

"Oo. Nandun na tayo tanggap ko namna pangkukulang ko pinagsisihan ko n nga yan e. Pero bat ganun nung kaw ng kulang nagkamli nagkasala ano ginawa ko binigyan kita ng chance. Pinagtatawanan na nga ako dito kasi unli-forgiveness daw ako. E anong gagawin ko mahal ko alam mo naman pahirapan ko pa sya. Pero ako nito lang ngkulang aminado ako nanlamig ako normal na yan sa tagal ng relasyon natin on and off na tayo. Pero ano nung tumawag ka sakin closure agad yung binungad mo. Speechless ako. Eto pa sinabi mong meron na sa tingin mo di ako masasaktan nun. Pinipigilan ko lang sarili ko. Pero ang sakit sakit. Napaka-unfair mo di mo man lang ako binigyan ng second chance kahit nga last chance pinagkait mo. Bat ganun? Bumitaw ka na agad. Porke't meron ng iba ganun na lang." Di ko sya pinasingit moment ko to wag syang epal. Iyak ako ng iyak.

"Ano pa bang sense ng pag-uusap natin. Wala na din naman. If kukunin mo yung gamit mo magsabi ka lang para aalis ako sa house kung di ka pa handang makita ako."

"Bakit ikaw kaya mo na ba?"

"Wala naman ako choice di ba di mo ko binigyan. La na rin naman mangyayari kung magkita tayo. Eto lang pwede ko gawin, ACCEPT. Meron naman akong sinamang letter don di ko na sana ibibigay kasi yung nakasulat don yun na din yung sinabi ko sayo kaso sayang naman effort ko nanagalay ako dun kaya bibigay ko na tapos sunugin mo para tama na la kang pagtawanan."

"Baka naman english yun?" Natawa kami pareho. Kasi pagsumusulat ako sa kanya english e nahihirapan sya. Pero alam ko naiintindihan naman nya. Mahina lang talaga loob nya.

"Hindi na. Papahirapan ko pa ba sarili ko mag-english e hirap na nga ako makahinga. Tagalog na yun if may mga terms ka di mo maintindihan mgtxt ka lang sakin ay hindi pala kay Marge na lang lam nya mga yun." Tawa ulit.

Atleast lighter na yung conversation namin. Kaso need ko na talagang tapusin kasi la na naman kaming pag-uusapan e. Kahit papano gusto ko ako yung mauna magpaalam para na rin sa peace of mind ko total meron na naman syang kahati sa nararamdaman nya e ako eto super struggle solo flight na.

"Sige na pasabi na lang sa Inay pasensya na pero di ako magsosorry dahil eto na ugali ko may pagkabossy. Baguhib ko man yun ung maging sweet and caring pero eto na ako e." Di ko na nga lang sinabi na di mo man lang ako pinagtanggol sa nanay mo ang nakikita lang nya ung limited time na nandon ako mga mali lang napapansin nila. For 8 years ba wala ako nagawang tama sa mata nila. Nandon ba sila pagnagkakasakit ka, nilalagnat, nagkakapigsa, sumasakit ang likod? Kapag dinadown ka ng mga kasama mo o ng iba sino bang nagtatanggol sayo? Pero sa side ko lagi kitang bini-build up. Oo, ayaw sayo ng nanay kasi ina sya gusto nyang maging normal life ko pero mahal kita kaya sinuway ko sya kasi alam ko in time matagal man matatanggap din ntlya tayo. Di ko na sinabi kasi la na din naman.

"Hindi ka pa okay."

"Oo naman di naman biglaan yun. I'LL GET BY. Sabi mo nga strong ako di ba panindigan ko na lang. Wag mo na akong isipin. Ang isipin mo iwork-out ung relationship mo ngayon sayang naman yung paghihiwalayan natin if kahit isa satin di masaya." Strong ako kasi pag di ako strong sino na lang mgdedepensa satin. Halos lahat against satin. Kung hihina hina ako matagal na tayong tapos.

"Di pa nga ako sure sa kanya e. Kinikilala ko pa din sya." Ay may ganun.

"Ewan ko sayo sige na BYE."

Tapos na. End na. SOLO na lang talaga ako.

Sarap lang ng feeling ng nasabi ko gusto ko. Nakakaluwag lng sa chest. Feeling ko kaya ko na.

Pero nung gabi....

"Waaaaaaaaahh.... waaaaaahh .... waaaaa.... waaaaa..."

Ayan nga di ba kaya nga feeling ko lang.

Life After TethWhere stories live. Discover now