"Straight body Cream. Chin up! Boobs out, stomach in. Butt out." paulit ulit nyang paalala sakin. Tumingin ako sa sapatos na suot ko. You can do this Cream. Sanay ka dito diba? Ngumiti ako at nilagay ang dalawang kamay sa waist ko sabay alis din nito saka naglakad mula kaliwa papuntang kanan papuntang gitna para magpakilala at pabalik ulit sa kaliwa.

"Nice one Cream!" palakpak ni Catherine. Pinaulit ulit pa nya sakin ang routine hanggang sa makita nyang kaya ko naman palang gawin ang pinapagawa nya sakin.

"It looks like alam na alam mo ang ginagawa mo ah?" nakangiting salubong nya sakin pagkababa ko. Pinagbukas nya ako ng mineral water at agad na ininom iyon. Medyo napagod din naman ako sa pinag gagagawa ko kanina.

"I joined Miss Teen USA just months ago." kaswal kong sagot sa kanya.

"What?" kitang kita ko ang paglaki ng mga mata nya. Natawa naman ako ng bahagya. Minsan ko lang makita na ganito ang reaksyon ni Catherine. Dapat pala, nakuhanan ko ng picture.

"Sabi ko, ——" nabigla ako ng pinigilan nya akong magsalita pa ulit.

"No. I get it. Nahirapan lang ako iprocess." dinampot nya ang sarili nyang bottled water at uminom doon. "Wow. Kaya pala you walked like a model." komento pa nya pagkalabas naman ng Cultural Building.

"Not really. Nakasanayan lang siguro." sinilip ko ang phone ko na wala man lang natanggap na kahit na anong mensahe o missed call. Nasaan na ba ang mga yun?

"Hey, napansin mo ba sila Adam? Or Ice?" natanong ko bigla kay Catherine na mukhang busy na ngayon sa pagtingin sa phone nya.

"Adam is on rehearsals. Ice? Di ko alam." nilagay nya ang phone nya sa tenga at mukhang may tinatawagan.

"I need to go Cream. Bye!"

"Pero ——" hindi na ako nakaimik dahil sinagot na nung tinatawagan nya ang tawag nya. Now, saan naman kaya ako tatambay? Still got three hours bago magsimula ang susunod kong klase. Mag ditch na lang kaya ako?

Dahil bored na ako at ayaw kong maghintay ng tatlo pang oras ay umuwi na ako para matulog. Bandang alas singko na ng magising ako sa katok sa may pintuan ko.

"Pasok." tamad kong sabi sabay bangon na din. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Niluwa ng pinto si Mommy. Agad akong nagtaka sa ayos nya. Wala syang suot na bonggang outfit o mga butterflies sa pilik mata nya. Nakasimpleng Blue Green na dress lang sya at nakabun din ang buhok kahit na may kaunting alpas ang mga iyon na inipit lang nya sa likod ng kanyang tenga. Minimal lang din ang make up nya ngayon at di katulad ng nakasanayan kong over the top na ayos nya.

"Cream, good thing you're awake! Remember the event Ive been telling you last week?"

"Alin Mom? Yung Auction?" lumapit sya sakin at pinindot ang pisngi ko.

"You're getting fat. You should visit your fitness trainer soon." tumaba ako? I didnt even notice it! "Anyway, about the auction. Mamayang 8PM yun sa BnV Hotel. Napahanda ko na ang susuotin mo and Raymart is on his way to do your make up. Better take your shower now." Dinampot nya yung isang pabango ko at inispray iyon sa wrist nya sabay amoy. Nagkibit balikat sya saka ako muling pinaalalahanan. Something is wrong with my mother.

The Coolest Guy (ON GOING)Where stories live. Discover now