Chapter Nine :)

Magsimula sa umpisa
                                    

So put aside the math and the logic of it

You gotta know you're wanted too♪


Nag high five kaming dalawa after na kumanta. Since no choice naman kami kasi magkapartner kami at magkasama palagi, nagkayayaan na kumain kami sa kung saan man namin matripan dalawa. Our own way of a small celebration. At dinala kami ng sasakyan namin sa McDo na ilang meters lang ang layo sa school. Medyo, nagsawa kami sa McDo sa loob ng school kaya lumabas naman kami para iba ang aura.

As usual, pinagtitinginan na naman si Ice pagpasok namin. Karamihan din kasi ng tao sa loob ay mga kabataan.

"Anong sayo?" tumingin ako sa unahan at tiningnan ang in-offer nila.The usual na lang ulit ang kakainin ko since big fan naman ako ng fries nila.

"BFF fries. Chicken Sandwich saka Spag. Coke Zero No Ice tapos pa add ng mayo."

"Yun lang?" tanong nya sabay hugot ng wallet at kuha ng pera. Automatic na kung sino mag aya, sya ang manlilibre. Kaya tipid ako pag kasama ko to eh.

"Yeah. Hanap na ko ng pwesto." iniwan ko sya dun at naghanap ng mauupuan. Saktong kaalis lang nung dalawang medyo nasa middle age na babae sa pwesto nila sa may gilid kaya naman dun na din ako naupo. Good thing eh nalinis na agad nung isang crew ang table.

Cause I wanna wrap you up
I wanna kiss your lips
I wanna make you feel wanted
I wanna call you mine
Wanna hold your hand forever
And never let you forget it
Yeah I, wanna make you feel wanted


Sandali lang at nasa pwesto na din si Ice. Agad nyang binubo ang fries dun sa isang tray. Pinagsama na nya ang fries namin para daw mas feel ang pagkain. Inabot nya sakin ang mga pinaorder ko saka yung extra na mayonaise.

"Nga pala, nakita mo na ba yung trailer ng Avengers? Damn! Three years ko yun inintay!"

Umiling ako sa kanya sabay subo ng fries ko. "I dont watch movies that much." sagot ko sa kanya. May ilang hibla ng buhok ang humarang sa paningin ko kaya hinipan ko iyon para umalis.

"Hindi ka nanunuod ng movies?" halata sa mukha nya ang pagtataka. Umiling lang ako sabay sawsaw sa mayonaise at ketchup na nakalagay din sa may tray.

"Seryoso?" tanong pa nya ulit. Ang kulit ng isang to! Sinabi nang hindi eh!

"Hindi nga. Kulit!" napasandal sya sa upuan nya at mukhang di makapaniwala sa sinabi ko.

"Like, you dont watch movies at all?" tamad ko syang tiningnan. Aba't inulit pa nga! English lang this time.

"Ang kuliiit! Hindi nga sabe." kinagatan ko ang chicken sandwich ko at tiningnan sya. He's speechless. Parang di alam ang sasabihin.

"You're wierd. Bakit di ka nanunuod ng movies?" pangungulit nya. Napairap na lang ako.

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon