Matagal ang halik na 'yun. Matagal dahil gusto ko at dahil pakiramdam ko masaya ako.

Hanggang sa marealize kong nakabukas pa pala ang pinto kaya naman kusa na akong bumitiw sakanya.

"Briel, kailangan ko ng lumabas" Sabi ko.

"Mamaya na, dito ka muna sakin" Sagot naman nya.

"Hindi. Mamaya na. Mamaya na tayo mag usap" Nakangiting sabi ko kaya't napangiti na din sya.

"Halika na?" Yaya ko.

Sumunod naman sya at magkasabay kaming lumakad palabas ng office ko.

Malayo pa lang natatanaw ko na. Si Jethro, nakatayo sya na parang may hinihintay. Lumapit ako sakanya habang si Briel naman nakasunod lang sa likod ko.

"Babe bakit ang tagal mo?" Tanong nya sabay halik sa pisngi ko.

Napalingon tuloy ako kay Briel, yung mukha nya nanaman parang galit na parang naiinis.

"Jethro don't do this" Sabi ko.

Hindi naman kasi kami magkarelasyon, walang kahit anong namamagitan samin maliban lang sa kontrata. Kontrata ng kasal.

"Why? You're soon to be mine" Sabi nya pa.

"Stop that nonsense talk Jethro" Sagot ko.

Binaling naman nya ang tingin nya kay Briel, yung tingin na parang nakikipag away.

"Nice to see you again, Briel" Sabi nya. Hindi naman sumagot si Briel, tinignan nya lang si Jethro.

Binaling naman ni Jethro yung tingin nya sakin at saka ako tinanong.

 

"Is he your friend?"

"No Jethro. I'm her boyf--" Sasagot sana si Briel pero pinutol ko iyon.

"He's not your concern" Sabi ko.

Bigla naman silang nagtitigan, parang nagsusukatan sila ng tingin na kung hindi ko pa pipigilan ay sa away mauuwi.

"Yan ang gusto ko sayo eh, masyado mo akong sinusungitan, mas lalo tuloy akong nasasabik sayo, Sena.."

Sabi nya sabay lapit ng mukha sa leeg ko pero saglit lang iyon dahil bigla akong hinigit ni Briel palayo.

"Respeto pare. Babae 'yan" Sabi ni Briel.

"Yeah. Pero sooner or later mapapasakin na din sya kaya pwede ko ng gawin lahat ng gusto kong gawin"

His RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon