Chapter 29

3.2K 164 12
                                    

That night hindi ko na siya iniwanan pa. Hindi na rin ako lumayo sa tabi niya. At kahit saan siya magpunta nasa likod niya lang ako. At kahit hindi pa rin kami okay nandito pa rin ako para sa kanya.

I wanted to talk to her pero ayokong itake advantage yung pagtatanggol ko sa kanya para lang kausapin ako.

Nandito ko sa sala habang siya kumakain mag-isa sa kitchen. Hindi ako nagtatangkang samahan siya kumain kasabay niya dahil baka mawalan lang siya ng gana.

Mabuti na lang din after that incident hindi siya gaanong natrauma at hindi rin siya nagpaapekto sa nangyari.

"Bestie?" Rinig kong may tumawag sa labas kaya pinagbuksan ko ng pinto. Si Bianca pala.

"Hey, biancs! Si Rhian nasa kitchen" sabi ko sabay turo kay Rhian. Kinausap ko siya kanina para puntahan at kausapin yung kaibigan niya. Gusto kong may makausap naman siya.

"Salamat Glai" sabi nito tyaka tumungo kung nasaan si Rhian.

Lalabas na lang muna ko para magpahangin. Iiwan ko muna sila para makapag-usap silang mabuti.



----


"Uy, bestie!" Bati sakin ni Bianca tyka niyakap ako.

"A-anong g-ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko sa kanya.

Sabay naman kaming natingin nung lumabas si Glaiza. Siguro iniwan niya muna kami para makapag-usap ng maayos.

"Tumawag sakin si Glai sinabi na rin niya yung nangyare sayo. Gago yung lalaking yun. Pasalamat siya wala ako dun baka dinoble ko pa ginawa ni Glaiza sa kanya" eto na beastmode na si ate!

"Uy, ano ka ba? Tapos na yun. I'm fine now. Pinatawad ko na din yung nang bastos sakin kaya okay na." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Agad agad? Hindi mo man lang pinakulong? Rhian naman eh! Dapat lang sa manyak na yun ang makulong." Naupo siya sa tabi ko dahil sa disappointment.

"I know. Pero sobra na yung ginawa ni Glaiza sa kanya. And sa tingin ko deserved na niya ang mabugbog ni Glai. Sapat na yun."

"Okay! Kung yan ang gusto mo. Pero nakapagpasalamat ka na ba kay Glaiza?" Tanong niya sakin.

Napaisip ako. Oo nga pala hindi pa ko nagpapasalamat sa pagtatanggol niya sakin. Ilang araw na rin yung nakalipas.

iling akong sumagot kay Bianca.

"Seriously? Rhi, hindi ka man lang nagpasalamat sa kanya?" Gulat na tanong niya. Tumango naman ako. Anong magagawa ko kung natatakot akong kausapin siya?

"Don't tell me hindi mo pa rin siya kinakausap hanggang ngayon?"

Iling lang ulit sagot ko sa kanya.

"Wala ka ba talagang balak kausapin siya?"

"I---i don't know? Natatakot akong kausapin siya biancs. Natatakot akong mahulog ulit yung loob ko sa kanya. Natatakot ako maging close ulit kami."

"Bakit ano pa bang kinakatakot mo?"

"Yung tuluyan na kong mahulog sa kanya. Na malabo na kong makaalis pa sa kanya. Na tuluyan ko na siyang mahalin talaga."

"Anong masama dun? Parehas lang naman kayong nagmamahal. Hindi ba pwedeng ipaglaban niyo yun?"

"How? Paano kami lalaban kung may Solenn siya at Rafael ako? Tell me, paano?"

"Hiwalayan mo si Rafael. We both know na nag gagamitan lang kayong dalawa rhi. Alam ko rin hindi mo siya mahal. Kaya ano pa hinihintay mo? Makipaghiwalay ka na sa kanya."

Pinagkasundo, pero DI-magkasundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon