Chapter 22

3.5K 155 13
                                    


"Morning!" Masayang bati ni Glaiza kay Rhian.

"Morning! Anong meron?" Tanong nito na kakagising lang.

"Wala naman. Coffee? You want?"

"Salamat. Akyat lang ako sa taas."

"Sure! Fix yourself quickly. Malapit na maluto 'tong agahan natin"

"Yeah sure!" Wala sa sariling sagot nito.

Pagbaba ni Rhian maayos na ang sarili niya. Nasa katinuan na din siya hindi katulad kanina na halos lutang pa ang isip niya.

Nakita naman niya si Glaiza na hawak ang kape na tinimpla niya.

"Here's your coffee. Halika na dito para makakain ka na."

"Did you prepare all this food?" Nagtatakang tanong ni Rhian kay Glaiza. Pero instead na sumagot si Glaiza she only gave a smirk.

Naupo naman si Rhian sa tabi ni Glaiza. Habang abala namang kumakain si Glaiza sa plato niya.

Ilang sandali dumating ang katulong nila na may dala dalang isang malaking mangkok na may lamang adobo.

"Glai, may gusto ka pa bang ipaluto samin?" Tanong ng katulong niya. Pinagmasdan naman ni Rhian ang katabi niya.

"Wala na po manang. Salamat po sa luto niyo!" Masayang sabi niya na halos wala ng makitang mata na nakalabas sa kanya.

"Sige po" tyka tuluyang umalis.

"Ay, akala ko naman ikaw lahat nagluto nito."

"Still practicing pa. Tyka pinag-aaralan ko pa ng mabuti kung paano magluto bago ko ipatikim sayo."

"Wow ha! Isang linggo ka pa lang sa hongkong parang ang laki na ng pinagbago mo. Hahaha!"

"Ganun talaga. Sige na kumain ka na lang dyan. Pagtapos mo magbihis ka may pupuntahan tayo." Huli niyang sabi bago ipagpatuloy ang pagkain.

-----

"San tayo ngayon?" Tanong ni Rhian na kakapasok lang sa kotse.

"Sa mall. Gala lang? O kahit saan. Basta makapag-enjoy tayo!"

"Your treat?"

"Nope! Libre mo. As what you told me last time we talked."

"Why? Napapayag mo na yung mga investor?"

"Yes! I kept my promise. So dapat tuparin mo din yung promise mo. So let's go?"

"Sure!" Halos matuwa naman ng sobra si Rhian kaya napatalon ito sa loob ng sasakyan at nauntog. Sa sobrang lakas ng tunog parehas nagulat ang dalawa at agad na lumapit si Glaiza para tignan si Rhian.

"Are you okay?" Alalang tanong nito habang hawak ang ulo ni Rhian. Pag-angat ni Rhian ng kanyang ulo laking gulat niya nung halos magkalapit na sila ng mukha.

Inches ang layo sa isa't isa. Ramdam din nila ang init ng hininga ng bawat isa. Nanlalaki ang mga mata ni Rhian habang nakatingin kay Glaiza. While Glaiza keep her sight sa labi ni Rhian. Parang Glaiza wants to do something na bawal. Hihihi! Dahil hindi na kinakaya ni Rhian ang nangyayare sa kanila nagsalita na siya.

"G-glai!" Sabi nito sabay iwas ng tingin.

"I'm sorry. Ano ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?"

"I-i'm okay." Awkward na sagot ni Rhian. Tumango na lang si Glaiza bilang tugon at tinuon ang atensyon sa pagbubukas ng ignition switch.

Puno ng katahimikan ang loob ng sasakyan. The two of them don't try to dare to break the silence. Hanggang ngayon naging awkward pa din ang loob ng kotse after sa nangyari sa kanila.

Pinagkasundo, pero DI-magkasundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon