Chapter 6

4.1K 161 22
                                    

"Bakit hindi na lang tayo magshare dito sa kama ha?" Suggest ni Glaiza.

"Ayoko! Di ba sabi mo susunduin mo lahat ng gusto ko?"

"Oo, pero....... Ok fine sa couch na lang ako matutulog. Ok na ba?" Tanong niya.

"Yesss! Oo naman. Dun ka lagi ha! Tska wait. Eto nga pala" sabay abot sa kanya ng papel.

"Ano 'to?" Habang sinusuri ang papel.

"Listahan yan ng mga susundin mo. Syempre pag di mo ginawa may punishment" mapang asar na sabi ko sa kanya

"what the? Are you serious? Bakit napakarami nito? Tska how 'bout me? Wala na ba ko karapatan dito?"

"Oo seryoso ko. Tska kulang pa nga yan eh. Sa susunod na lang yung iba. O siya sige, lumabas ka muna at magpapahinga na ko. Bye!" I pushing her to go outside ng makapagpahinga na din ako.

-----

Mababaliw na yata ako sa babae na yun. Hay, ano ba kasi 'tong kalokohan niya. May nalalaman pa siyang listahan ng kung ano gusto niya. Psss.

Kumuha muna ako ng maiinom bago ko basahin yung papel. Naupo ako sa may couch at tska sinimulang magbasa.

Lahat ng gusto kong gawin mo.

1. Sundin lahat ng utos ko
2. Gusto ko ikaw lagi ang magluluto ng breakfast, lunch at dinner
3. Ikaw ang maglilinis ng bahay (wow ha! Ano ko katulong? Syet lang!)
4. Kakausapin mo lang ako pag nandyan ang mga family natin.
5. Wag kang gagawa ng kalokohan
6. Walang pakialaman pag dating sa kanya kanyang love life at sa buhay ng may buhay.
7. DON'T TRY TO FALL INLOVE WITH ME! (Talagang hindi! Wala akong balak. Makaemphasize 'to.)
8. Always follow rule # 1

Buset! Ano akala niya sa akin? Katulong niya? Wala man lang ba ko pwede gawin? Puro siya lang ang masusunod? Nakaka.......grrrr! Asar naman! Isa pa kelan ba ko natuto magluto? Bahala siya kumain ng hilaw. Tsk. Makalayas na nga lang muna.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Uy tsong kamusta?" Tanong ni chynna sakin. Nakipagbro fist naman ako sa kanya.

"Ayos naman. Heto mag-aadjust!" (Double meaning)

"Ah kasi wala sa tabi mo si solenn. Ok lang yan bro makakaya mo din" pagchecheer up niya.

'Kung alam mo lang chyns, hindi kay solenn kundi kay rhian.'

"Teka, kamusta na nga pala lolo mo? Ok na ba siya?" Tanong nito bago uminom ng kape.

"Yah! He's fine now, nagpapahinga na lang muna sa bahay."

"Good to hear that."

Tumango lang ako. Sabay hawi sa buhok ko. Medyo nakakairita na din dahil masyado ng mahaba.

"Di mo na lang ipusod yang buhok mo?" Suhestiyon ni Chynna.

"Ok lang." Maiksing sagot ko.

"Halika magpagupit na lang tayo. May alam akong salon, balita ko maganda yung gupit dun" bigla naman akong hinatak nitong si Chynna papunta sa sasakyan niya.

Pinagkasundo, pero DI-magkasundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon