"Ano bang ginawa ko sa'yo, April?! Binigay ko naman lahat ng gusto mo ah? Tapos ngayon iiwan mo lang ako?!" Narinig kong sigaw niya habang sinusunok pa din yung puno kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Edward?" I whisper. So low that I think I'm the only one who heard it.

"What do you want?" Cold niyang sabi sa akin.

"I'm sorry." I started crying. Nakita ko yung panic sa mata niya pero agad ulit naging blangko yung expression ng mukha niya kaya lalong kumirot yung puso ko.

Hindi siya sumagot sa akin kaya Nagpatuloy ako. "Alam kong nasaktan kita, alam kong mali ako. Pero sana mapatawad mo ko." Nanghihina kong sabi sa kanya. Bakit nasasaktan akong nakikita siyang ganito? Do I already love him? Mahal ko na ba si Edward?

"Just let me go. Leave me alone. Seeing you makes it worst. Nagawa mo na eh. Nasaktan mo na ko. Wala kang kwentang tao.

And there, he walked away from me, without looking back at me. Bakit sobrang sakit? Ano ba nangyayari?

Napaupo ako sa kalsada dahil sa panghihina ko, nagsimula ng gumuho ang nasa paligid ko kaya nagsimula na din akong magpanic.

And then I woke up.

"Fuck." I hissed.

"Tindi mo ah. Kakagising mo pa lang mura kaagad? Hahahaha." Bungad sa akin ni Angel. Pero nung nakita niya yung muka ko napasimangot siya kaagad. What?

"What happened? Bat ka umiiyak?" Alalang tanong niya sakin.

Ha? Umiiyak? Ako?

Hinawakan ko yung pisngi ko at basa nga 'to. Fuck.

"Bad dream." Sabi ko sa kanya habang pinupunasan yung mata ko.

"Pano kakakain lang natulog kaagad."

"Totoo ba yung ganun?"

"Ewan. Hahahaha." Baliw talaga 'to. -.-

"Ilang ours pa bago tayo makaraing dun? Nababagot na ko ditooo." Sabi ni Aira. Bat' ko pa ba 'to sinama dito. Pero nakakainip na nga.

"Two more hours." Sagot sa kanya ni Zack.

"Ang haba ko palang natulog." Sabi ko sa sarili ko pero narinig nila ko.

"Oo. Anim na oras. Hahaha ang tibay talaga ni April." Sabi ni Angel.

Two hours had passed at nakapagland na din kami. Buti naman hays.

Pag ka baba namin sa eroplano lumabas na kami ng Airport para hanapin yung mag hahatid samin papunta sa building na tutuluyan namin habang mag i-stay kami dito.

Maya-maya pa may lumapit saming dalawang lalaki saka pinakita samin yung I.D nila na patunay na nagtatrabaho sila sa Glacifier Mafia. Ang mafia na kinabibilangan ng Gang ni Edward. Nag bow naman kaming lima sa kanila kasi yung kulay ng bato kwintas nila kulay red. Oo kwintas, ganito kasi yun. Kapag nag tatrabaho sa Glacifier Maf, kwintas ang binibigay tapos ang palatandaan non yung kulay ng bato sa kwintas. Sa gang leader naman singsing, malalaman din yung rank nung leader sa bato ng singsing, sa mga members bracelet na may spines malalaman naman yung rank non dun sa kulay ng bracelet.

Napangiti naman yung dalawang lalaki na naka tuxedo. Dont tell me, hanggang ngayon kami parin lang ang gumagalang sa kanila? Ngumiti lang sila in return tapos pinag buksan na nila kami ng pinto sa limo. Kinuha ng isang lalaki yung bag ko pag kakuha niya nung bag ko pumasok na ako sa limo. Tapos sumunod na din sila.

Bumyahe lang kami ng tahimik. Walang nag paplanong mag salita ni isa sa amin. Sila Aira at Abby namumutla. Kelan ba sila masasanay?

Nakarating na kami sa Building ng Glaci Mafia dito sa Di Malaman at pagkababa naming lima sa limo ay tinginan yung mga tao samin. Mukang hindi naman kami late kase madami pang kotse na hindi nakaparada.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon