***

—After One Week


"Buti naman pumayag ka nang sumama sa akin mag-shopping. Ilang araw ka na ring nagkukulong sa bahay," masiglang sabi ni Ash habang nagda-drive papuntang mall.


"Paanong 'di ako papayag, eh palagi mo akong kinukulit," angal ko.


"Siyempre, gusto ko ring mamasyal tayo. Matagal na kasi tayong hindi nagbo-bonding," tugon niya naman.


Sinulyapan ko siya at nakita kong hindi pa rin maalis ang ngiti sa mukha niya. How I wish na sana kahit papaano mahawaan man lang ako ng palaging maaliwalas na mood ni Ashley.


Bago kami dumiretso sa mall ay dumaan muna kami saglit sa resto na pagmamay-ari ng anak ni Prof. Ramos. Naiwan kasi ni Ashley 'yong cell phone niya kagabi nang mag-dinner sila ng mga dating katrabaho ko.


Oo, dati, dahil tuluyan na nga akong nag-resign bilang instructor. Pina-submit ko kay Ash ang resignation letter ko last week. Wala na rin naman akong pakialam kung pumayag man o hindi si Dean. Basta wala na talaga akong planong magturo pa ulit sa Yale.


Wala na akong babalikang magandang reputasyon sa trabaho ko sa eskwelahang 'yon. Hinayaan ko na lang silang lahat kung ano ang gusto nilang isipin laban sa akin.



***

Pagkahinto ng sasakyan namin sa parking lot ay agad na bumaba si Ashley at naghintay na lang ako sa loob ng kotse gaya ng sabi niya.


Abala akong nanonood ng mga taong dumaraan sa nakapaligid na establishments nang mapukaw ang atensiyon ko ng isang couple na magkasamang lumabas galing sa kabilang restaurant.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Naka-park ang kotse nila malapit sa kinaroroonan ko, kaya kitang-kita ko ang kanilang mga mukha.


Mahigpit kong naikuyom ang mga palad ko nang makita kong nakasuot ng maternity dress ang babae. Halatang buntis ito, dahil na rin sa damit nitong mas nag-emphasize sa bagong hubog ng katawan nito.


Hindi mapigilang pumatak ng mga luha ko nang lumipat ang paningin ko sa kasama nitong lalaki.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Where stories live. Discover now