“Hey, I was just making fun of you. Hahaha gising na kasi. Tatanghaliin tayo nito Kath”

“Bwisit ka”

Ayoko pa kasing gumising!

Naiiyak ako pag ganitong may umeepal sa pagtulog ko!

Tinanggal ni DJ yung unan sa mukha ko tapos hinawi niya yung strand ng buhok ko sa mukha ko para makita niya ng maayos yung itsura ko.

“Why are you so mad at me? Sorry na nga diba?”

“GINIGISING MO KASI AKO!” Pagalit na sigaw ko.

He even laughed at me. “Sa van ka na lang matulog ulit. Magagalit ka rin naman sakin pag di kita ginising at iniwan kita dito”

Tinulak ko siya tapos umupo na. “Sa Batangas lang naman yung resort niyo. Nasa Tagaytay lang tayo. Tingin mo, matagal byahe para makatulog pa ko ulit? Grrr”

Tumayo na ko at kinuha na yung towel ko. “Bwisit ka” Sabi ko ulit sabay labas ng room. Narinig ko pa siyang tumawa ulit.

Hay nako!!!

Daniel’s POV

Laughtrip talaga si Kathryn.

First time niyang magalit ng sobra dahil sa panggigising ko sa kanya.

Anyare dun?

Kanina ko pa tinatry gisingin yun pero sinasapak pa ko at nanunulak pa.

Ayaw talaga paistorbo sa tulog.

Kaya naligo na muna ako at nagbihis bago gisingin ulit siya.

Nakakatawa na ayaw pa rin niya gumising.

Pagpasok niya sa room, naka-shorts na siya at plain white v-neck shirt.

Pagtingin niya sakin, ine-expect ko na ngumiti siya pero instead, inirapan ako.

O_O

Hala.

Galit pa rin?

“Hey” Tumayo na ko at lumapit sa kanya. “Galit ka pa rin ba sakin?”

Stuck Forever with You (Stuck Series Book 2)Where stories live. Discover now