Chapter Eight :)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sus! Chicks pero may picture sa gallery mo? Tsk." umiling iling ako. Yan ang hindi ko maintindihan sa ibang tao. Bakit ba kailangan pa nilang magsinungaling sa isang obvious na bagay diba? Like Adam. Obviously, gusto nya yung girl. He wont be bothering downloading the girl's picture kung di nya yun gusto diba.

"Wag mo nga akong intrigahin. Bakit mo ba hinahanap si Ice? Uy! Nagke care sya!" pang aasar nung isa. Napakagaling din naman nitong mag shift ng attention eh no? Mula sa kanya, napapunta na sakin.

"Che! Kanina pa kaya nawawala ang yelong yun! Paano ako uuwi nyan?"

"Tss. Natutulog lang yun. Pag nahinginan kasi, tulog agad. Hanga nga ako dun eh. Parehas sila ni Cloud. Pero mas malala si Cloud. Yun ang palaging tulog. Siguro laging tulog si Mommy nung pinagbubuntis nya ang triplets." natatawang sabi ni Adam. Have I also mentioned na maganda din ang mga panga nya?

"How does it feel to have a kapatid?" I asked in a serious tone.

"Masaya! Palagi kang may kaaway, kalaban, kasama, kaasaran, kabugbugan at kung ano ano pa. Wait, wala kang kapatid?" tiningnan ko sya at tumungo.

"That's sad. Masaya talaga pag may kapatid ka. Nakakawala ng stress." dagdag pa nya.

Magsasalita na sana ako ng biglang may nagsabi kay Adam na nandun na daw ang daddy nila. Nandito na ang tatay nila Ice? I wonder how he looks like. Ice and Adam are both completely handsome.

"Dad!" tumayo si Adam at nilapitan ang tatay nya. Wow. He's a hot guy too. No wonder hot din ang mga anak nya.

"Girlfriend mo?" turo sakin nung daddy nya pagkatapos magmano ni Adam. Wow. That's an old culture but still, in-exercise pa din nila? Wierd but cool!

"Hindi po. Kay Ice po yan." pagtanggi ni Adam. Anong kay Ice ka dyan? Kelan pa ko naging kay Ice?

Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Hi po. Cream Sandoval." nag bow ako sa kanya. Nginitian nya ako.

"You're pretty. Ice has a good taste. Prettier than Blue. Right Adam?" nag high five ang mag ama. Niyaya ako ni Tito Kevin sa may kusina. Saktong kahahain lang ni Tita Alex ng huling pagkain na niluto nya.

"Hi Baby." hinalikan ni Tito Kevin si Tita Alex sa labi. Is it really possible? That two people can fall inlove? Yung tipong, makokontento na sila sa isa hanggang umabot sa point na mag settle sila? I never knew it could happen. Hindi kasi yun ang scenario sa parents ko eh.

"Oh! Umupo ka na Cream iha." tinapik nya yung isang upuan at umupo ako doon. Nabigla naman ako ng biglang may parang bell na tumunog sa loob ng bahay. Naupo si Tita Alex sa tabi ko. Yung upuan sa may gilid. Alam nyo naman ang mga upuan sa mayayaman diba? Syempre, si Tito Alex ang head of the family kaya dun sya nakaupo.

I was shocked ng sunod sunod na pumasok ang magkakapatid. First time kong makita si Sky at Cloud. They really look a lot like each other. Mas matangkad lang ng kaunti si Sky tapos si Cloud naman ay may mapupungay na mga mata. Kasunod nila si Storm na nakapoker face lang at si Rain na kasama si Gray. At ang kahuli hulihan? Si Ice. Magulo ang ayos ng buhok nya pero hindi naman nya alintana iyon. Feeling ko, kahit lumabas sya na ganyan ang buhok nya, pagkakaguluhan pa din sya ng mga fangirls nya.

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon