“Aray!” Mahinang sabi ni Thomas. Natapakan ko kasi ang paa niya.

“I’m so sorry! I told you hindi ako marunong sumayaw.” I replied apologetically.

“Hindi ka kasi nakinig sa’kin. I told you to forget the crowd and focus on the two of us instead. Now close your eyes, and dance with your heart.” Utos sa’kin ni Thomas. Sinunod ko ang kanyang sinabi. Pinikit ko ang aking mga mata habang nakikinig sa lyrics ng kanta.

Come away with me and we’ll kiss on a mountaintop

Come away with me and I’ll never stop loving you…

 

Kaming dalawa lang ni Thomas ang nandito. And we’re slowly dancing to the music. Tonight is perfect. Everything is perfect para sa aming dalawa. Walang sinuman ang hahadlang sa aming pagmamahalan. It’s like Thomas and I against the world. We always got each other’s backs.

 

And I want to wake up with the rain falling on a tin roof

While I’m safe here in your arms

So all I ask is for you to come away with me in the night

 

Mahal na mahal ko si Thomas. Kaya kong gawin ang kahit ano para sa kanya. Hindi ako sigurado kung lahat ba ng tao nakakaramdam ng ganito ka-intense na damdamin para sa isang tao but in my case, I’m one hundred percent sure na si Thomas lang ang tanging lalaki na mamahalin ko habang buhay.

 

Come away with me…

 

Natapos na pala ang kanta. Tumigil kami sa pagsayaw ni Thomas at nagpalakpakan naman ang mga tao. Wow! I survived again. Ironically, hiniling ko na sana hindi na lang tumigil ang music para makapagsayaw pa kami ni Thomas.

“See? I told you hindi ka naman mapapahiya.” Thomas smiled at me with his chinito eyes.

“Wow, hindi nga rin ako makapaniwala na nagawa ko ‘yun. Thanks Thomas.” I smiled back at him.

“Gusto mong sumayaw ulit?” Yaya sa’kin ni Thomas. Isang bagong kanta na naman ang nagpe-play ngayon pero sa pagkakataong ito, sumali na sa dancefloor ang ilang mga empleyado para magsayaw.

I hesitated.

“Hindi na lang tayo ang nasa dance floor ngayon. Nakaya mo ngang sumayaw kanina na tayo lang dalawa.” Pang-aasar sa’kin ni Thomas kaya hinampas ko siya nang mahina.

“Ang galing mo ring mang-blackmail ano? Baka gusto mong iwan kitang mag-isa dito sa dancefloor.”

“Wag! Hindi dapat iniiwanan ng isang prinsesa ang kanyang prinsipe sa gitna ng dance floor.” Bago pa ako maka-react, nagsimula ulit gumalaw si Thomas kasabay ng musika so wala akog choice kundi sumabay na rin since magkahawak naman kaming dalawa.

Ilang minuto rin kaming tahimik habang nagsasayaw. Hindi naman sa na-bothered kami sa sobrang katahimikan. It’s just that maligaya lang kami sa presensya ng isa’t isa, habang mahina naming pinakikinggan ang heartbeat ng aming puso. I never thought I’d say this pero talagang nag-enjoy ako sa pagsasayaw. Pagkatapos kasi ng ballet incident ko nung bata pa ako, I really said goodbye to dancing pero here comes Thomas… marami siyang binago sa aking buhay.

Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon