PINILI ANG IBA

17 2 5
                                    

Dodo eomma is ♡ Shahyung! Labyuuuu! Happy birthday! Haha. Mahal ka ni eomma.

~*~*~

The way he smiles at me, the way his eyes find mine, the way his lips say those sweet words. Those cold hands I used to hold were long gone. It's been years since Doyoon left me, us. I don't know the reason why. Naging mahigpit ang Pledis noong mga panahong iyon. Kung ano man ang nangyari sa grupo, nanatili doon, walang lumabas.

Nanatili akong nakatulala sa harap ko kung saan sila nakatayo habang umiiyak, hawak ang kanilang kauna-unahang trophy simula nang magdebut sila. Ang tagal kong hinintay 'to, ang makita silang umiiyak sa saya. Sulit ang mga pagod at hirap nila. Alam kong matagal din nilang hinintay 'to. Matagal na nilang pinangarap 'to.

Bigla ko na lang naramdaman na parang basa ang pisngi ko. Huh, why am I crying? Why does it feel like something's missing? Na parang may kulang? I'm happy. I know, I'm happy for them pero bakit ganito?

Pinahid ko gamit ang likod ng palad ko ang mga luhang hindi ko mapigilan. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas. Pumasok ako sa loob ng pinakamalapit na restroom. I looked at my reflection on the mirror. Namumula ang mga mata ko. Medyo nasira na rin ang make-up ko. At dahil sa pagdadrama ko, naiwan ko ang sling bag ko sa upuan.

I sigh as I close my eyes tightly. "It's okay, Sha." Lumabas na ako ng restroom at pumunta sa studio. Kaagad kong pinuntahan ang pwesto ko kanina ngunit nang uupo na ako ay saka ko lamang napansing wala na ang bag ko.

Lagot na! Nandoon ang wallet at cellphone ko. Gads! Ang cellphone ko! Walang password 'yon! Wallpaper ko pa naman din ang picture naming dalawa kung saan hinahalikan niya ang noo ko. Paano na 'yan? Paniguradong ikakalat ng taong kumuha sa bag ko ang pictures namin sa sns. I need to find my bag!

"Uh, miss? May nakita ka bang sling bag dito kanina? Kulay peach?" tanong ko sa babaeng nakaupo katabi ng upuan ko. Umiling lang siya saka ibinalik ulit ang tingin sa harap. Nakikipagkamay na sila sa mga nakalabang nilang seniors nila.

Lumabas na ako dahil alam kong wala akong mapapala dito sa loob. Baka sakaling ibinigay sa lobby. Sana lang.

Paglabas ko ng studio bigla na lang may lumapit sa akin na staff dala ang bag ko. "Miss Shahyun?" naniniguradong tanong niya.

"Ako nga po," sagot ko.

Iniabot niya sa akin ang bag ko saka ngumiti. "May nagpapabigay po. Naiwan niyo daw."

Napakunot ang noo ko. "Sino daw po?"

Ngumiti lang siya saka nagpaalam. Nagpasalamat na lang ako bago siya umalis.

Binuksan ko ang laman ng bag ko at tiningnan kung may nawala ba. Wala naman. Napahinga ako ng malalim. Binuksan ko ang phone ko at nicheck kung may nawala ba. Wala din naman. Then, I checked my wallet. Kumpleto pa rin naman. There's just something weird.

"Sabi ng ingatan mo ang mga gamit mo, 'di ba? Hindi ka talaga nakikinig. At huwag ka ngang umiyak sa public place, ang pangit mo. Hihintayin kita."

Napamura ako ng mahina. Kilala ko ang penmanship na ito. Kilalang kilala ko. Nandito siya. Nag-angat ako ng tingin at hinanap siya. I saw someone wearing black cap, black shirt and black pants. Kilala ko ang tindig niya. Ang lakad niya. Alam kong siya 'yun. But as I step my right feet to run to him, nagsilabasan na ang mga galing sa studio at nahalo ako sa dagat nila.

Napamura na naman ako nang hindi ko na siya matanaw.

Ilang oras na akong nakaupo dito sa may lobby. Hindi ko magawang lumakad palabas. Parang may kung ano na nagsasabi sa'kin na huwag muna akong lumabas. Paulit-ulit kong binasa ang sulat niya.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Jun 02, 2018 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

I Know You're GoneTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang