Chapter 2

12 0 0
                                    

Natapos narin sa wakas yung klase namin. Nagmamadali akong lumabas ng room namin, nakipag unahan ako sa kanila palabas ng room. Alam kong bago tong ginagawa ko. Hindi ako madalas makipagsiksikan sa kanila pero kaylangan kong magmadali baka sakaling nandun pa yung lalake sa likod ng building na madalas kong pagtambayan.

Pababa na ko ng hagdan nang may tumawag sa pangalan ko.

"Eunice!!"

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko yung kaklase ko na kumaway sa akin kanina. Tumakbo ito papunta sakin.

"Hoo!! Ang bilis mo namang maglakad! Nagmamadali kaba??" sabi nya habang hinahabol ang hininga nya.

Hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy ko nalang ulit ang paglalakad ko. Wala akong panahon makipag usap sa kanya.

"oy oy oy!! Antayin mo naman ako!" binilisan nya yung lakad nya at na abutan naman nya ako.

"Hi! Ako nga pala si Cassandra, cass nalang for short" masayang sabi nya at inabot nya sakin yung kamay nya.

Binalewala ko lang yung kamay nyang nakalahad sakin.

Binawi naman nya ito agad. "Eunice right??" nakatingin na sya ngayon sa harapan nya at sumabay sa paglalakad ko.

Hindi na ko nagtaka nung malaman nya yung pangalan ko. Normal lang naman na makilala nya ko kasi magkaklase kami. Yun nga lang hindi ko alam na kilala pala nya ko at ngayon ko lang rin nalaman pangalan nya.

"Teka! Di paba tayo uuwi??"

Napansin nya siguro na hindi kami sa gate papunta.

Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya.

"Can you just leave me??" mataray na sabi ko sa kanya. Baka sakaling matakot sya sakin at lubayan nya na ko.

"Ang sungit mo naman! Gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo ee" nakangiti pang sabi nya sakin.

"Whatever!" at di ko nalang ulit sya pinansin.

"Saan kaba talaga pupunta??"

"Dulo na yata ng school to aa"

"Uyy! magsalita ka naman. Natatakot na ko ee"

"Umuwi na kaya tayo"

"Baka hinahanap na ko ng nakababatang kapatid ko"

Salita lang sya ng salita pero di ko sya pinapansin.

Nagsisimula na ring magdilim ang paligid. Lumiko kami sa isang building.

"Hmm.. Dito nalang muna siguro ako. Antayin nalang kita dito" sabi nya at huminto na sya sa paglalakad.

Tinignan ko sya at nakasandal na sya ngayon sa pader habang yakap yakap ang bag nya.

Lumingon naman sya sa akin at ngumiti.

Binaling ko naman ang paningin ko sa harapan ko. Madilim na ang paligid. Wala naman akong maramdam na kakaiba. Siguro nga wala na sya. Bukas ko nalang ito ipagpapatuloy.

"Tara na" sabi ko sa kasama ko at umalis na kami sa lugar na yun.

Tahimik lang kaming naglalakad papuntang gate.

"Dito nalang ako" sabi nya at huminto sa paradahan ng mga jeep.

Huminto rin ako at tumingin sa kanya. "Mag iingat ka" walang emosyon na sabi ko sa kanya.

Dahan dahan naman syang ngumiti at bago ko pa makita ang mukha nyang mukang ngising aso tumalikod na ko.

"Mag iingat ka rin! See you tomorrow!" halos pasigaw na sabi nya sakin.

Red EyesМесто, где живут истории. Откройте их для себя