Chapter 1

16 0 0
                                    


"We will be having a graded recitation next meeting so you must read your notes! Ok class you may go now" sabi ng prof namin sa Business Math

Nag unahan namang umalis yung mga classmates ko. Ano nga bang bago lagi naman silang ganyan pag dinidismissed na kami ng prof namin akala mo laging may paligsahan. Hayss!

Hinintay ko munang makaalis yung prof namin at yung ibang classmates ko at nang masigurado kong ako nalang ang nasa room, dun ko palang niligpit yung mga gamit ko at maayos na inilagay ito sa bag ko.

I know it sounds weird pero ganito na talaga ako. Hindi ako friendly at ayoko sa lahat yung nakikisalamuha ako sa ibang tao. Pare pareho lang naman sila ee na may tinatagong kulo tsaka mas gusto ko na yung ganito, yung tahimik at malayo sa gulo.

Kinuha ko na yung back pack ko at umalis na sa room. Hindi ko maiwasang tumingin sa mga rooms na nadadaanan ko lahat ng mga ito wala ng laman at naiwang gulo gulo ang mga upuan. Ang tahimik ng buong paligid ako nalang yata ang nandito sa floor na ito siguro dahil lunch na.

Dumiretso ako sa food court para makakain na ko. Nang ako na yung oorder biglang may sumingit saking babae at bago sya mag order tinignan nya muna ako from head to toe sabay irap sakin. Hindi nalang ako umangal.

Kinuha ko na yung pagkain ko at umalis na ko dun. Masyado kasing maingay and I hate it! Pumunta ako sa favorite tambayan ko sa likod ng isang building, mas feel ko kasi ang atmosphere dito.

I started to eat nang malapit na kong matapos bigla may tumalon na pusa galing sa puno na medyo kaharap ko.

"Ayyy!" hindi ko napigilang hindi magulat.

Dahan dahan syang lumapit sakin papunta sa paanan ko, umupo sya dun at tumingin sa pagkain ko.

Napansin ko yung isang mata nya kulay red ito kasing pula rin ito ng mata ko. Pero napagtanto ko na bulag pala ang isang mata nya. Bigla akong nakaramdam ng awa. Ang ganda ganda nyang pusa. Itim na itim ang mga balbon nya at halatang mataba sya. Gusto ko tuloy syang yakapin.

"Meow" tumingin sya sakin at tumingin ulit sa pagkain.

Napansin ko na halatang gutom na gutom na sya. Nag indian seat ako at inayos ko yung pagkain ko, nilagay ko yung konting kanin na tira ko at yung ulam sa plastik na pinaglagyan ng ulam ko kanina. Nilagay ko ito malapit sakin.

Muli kong tinignan yung pusa at nahuli ko syang nakatingin sakin.

"oh iyo nalang to" medyo nilapit ko sa kanya yung pagkain.

"meow" dahan dahan syang lumapit papunta sa pagkain. Inamoy nya muna ito bago nya kinain.

Halatang gutom na gutom na sya. Hindi ko mapigilang haplusin yung katawan nya.

"Mukang gutom na gutom ka aa. Sino bang amo mo?? Bakit ka nya pinapabayaan??" tanong ko sa kanya as if naman na maiintindihan nya ko.

Tahimik nya lang na kinakain yung pagkain nya. Pinagmasdan ko nalang sya habang kumakain.

"meow"

Tapos na pala syang kumain. Humarap sya sakin at bigla syang tumalon sa may bandang legs ko.

Hinawakan ko yung gilid ng mukha nya at kinamot ko yung sa may bandang leeg nya. Gustong gusto naman nya yung ginagawa ko. Humiga sya at bigla nyang dinilaan yung kamay ko. Nakiliti ako sa ginawa nya.

"anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya

"meow" sabi nya na parang naintindihan nya yung sinabi ko.

Napatigil ako sa pagkamot sa kanya ng may maramdaman ako sa leeg nya. Tinignan ko ito at boom! meron syang collar. Sinilip ko ito hindi ko kasi masyadong makita kasi natatakpan ito ng balbon nya.

"Steph?" basa ko sa necklace nya. May name na kalagay sa collar nya.

"meow!" biglang tumalon yung pusa at tumakbo sa may bandang kaliwa ko. Sinundan ko naman sya ng tingin.

May nakita akong tao na nakatayo sa di kalayuan. Medyo umupo sya para abutin yung pusa. Kinulong nya ito sa mga bisig nya. Sa tingin ko sya yung nag mamay ari sa pusa.

Naglakad sya papunta sakin. Hindi ko maalis yung mga mata ko sa kanya. Tinitigan ko lang sya hanggang sa makalapit sya sakin. Ganun din sya, nakatitig din sya sa mga mata ko na parang may gusto syang makita mula doon pero bigla syang ngumiti at hindi ko inaasahan ang sunod nyang sasabihin.

"Salamat sa pag aalaga kay steph... Eunice" nakangiting sabi nya sakin.

Kanina pa sya nakaalis pero nandito parin ako nakatunganga. Hindi ko alam kung ilang minutes na ko nakatayo dito. Hindi ko inexpect yung sasabihin nya. At parang may iba sa mga ngiti nya.

Natauhan lang ako nang biglang nagring yung cellphone ko. Kinuha ko ito sa bag ko at tinignan kung sino yung nagtext.

From: Auntie Dana

Pangkin malelate ako ng uwi. Wag mo na akong antayin mamaya. May mga pagkain sa fridge ikaw nalang bahala kung ano gusto mong lutuin. Ingat ka nalang dyan ok!

Napasigh nalang ako. Tinignan ko kung anong oras na. 15 minutes nalang magsisimula na yung klase namin. Tinago ko na yung cellphone ko sa bag at sinimulan ko ng iligpit yung pinagkainan ko.

Binilisan ko yung lakad ko medyo may kalayuan pa dito yung room ko.

~~~
Hingal na hingal naman ako napaupo sa upuan ko. Buti nalang wala pa yung prof namin.

Nilibot ko yung tingin ko sa buong room. Ito na naman sila ang ingay na naman ng room.

Napadako yung mata ko sa isang classmates ko. Nahuli ko syang nakatingin din sakin.

Ngumiti at kumaway sya sakin. It seems like she's happy but I ignored her.

Dumating narin yung prof namin at tumahimik narin sa wakas yung mga classmates ko.

Nagsimula ng mag discuss si Mrs. Silva pero yung isip ko wala sa dinidiscuss nya. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Iniisip ko parin yung lalaking yun.

Hindi familiar sakin yung mukha nya parang bagong salta lang sya sa school namin. Pero how come na nalaman nya agad yung name ko?? Wala naman akong matandaan na nakipagkilala ako sa ibang tao. Ako nga lang ata ang nakakaalam ng name ko maliban sa mga prof namin at kay auntie maliban sa kanila wala na. Isa lang akong nobody sa school na to.

Nagflashback sakin yung ngiti nya at sa hindi malamang dahilan napagtanto ko na nakangiti na pala ako.

Ang sarap pala sa feeling pag nalaman mong may nakakakilala pala sayo.

Red EyesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant