Chapter Nineteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wala akong sakit bakit ako magpapahinga? Nawala na ang hilo ko dala siguro iyon ng pagtanda. Ang Mabuti pa ay tayo na."

"Gran-." Magrereklamo pa sana siya kaya lang ay sinamaan lang siya nito ng tingin. Nag-aalala pa rin siya sa kalagayan nito kaso kapag pinilit niya itong magpahinga baka mas lalo itong magkasakit at magalit sa kanya. Napilitan siyang pumayag na sumama ito sa university, sasabihan nalang niya si Ross na samahan ang lola nila mamaya habang wala pa siya.

"Ang tagal niyo naman." Reklamo ni Ross na nakasimangot habang naghihintay sa kanila sa sasakyan. Natawa siya sa hitsura nito hindi maikakailang kamukha nga ito ni Diana kapag naiinis.

"Itong ate mo ang bagal kumilos."

Tumingin sa kanya si Ross. "Natagalan ako ng gising." Palusot niya. Hindi niya sinabi na may meeting sila ni Clive mamaya. Tama, meeting nalang para less ang expectation. Inalalayan nila ang lola nila na sumakay sa backseat. At noong naisara na niya ang pintuan ng kotse ay kinausap niyang saglit si Ross.

"Ross, may meeting ako this lunch. Pakitingnan si grandmy mamaya nahilo kasi siya kanina."

"Buntis si grandmy ate Hex?"

"Tange," inambahan niya ito ng suntok na ikinatawa lamang nito. Tahimik ang nagging biyahe nila, katabi niya ang lola niya habang nasa passenger seat naman si Ross at nag-aaral ng lessons nito. Hindi na niya kailangang dumaan sa dorm dahil alam ng mga kaibigan nila na sa bahay ng headmistress siya matutulog. May tinapos kasi siyang trabaho at hindi niya pwedeng ipakita sa mga ito iyon.

"Gran, okay lang ba talaga kayo?" pati ang pag-upo nito ay alalay na alalay siya. Nakatikim lang siya ng kurot mula sa lola niya.

"Pumasok ka na kanina ka pa late." Napabuntong-hininga siya habang nakatingin sa lola niya na busy na sa pag-open ng mga folders na kailangan nitong basahin. Nag-aalangan na iniwan niya ito sa opisina at tumakbo papunta sa classroom niya.

"Busy?" dahan-dahan siyang tumabi kay Xy na nakaupo sa malapit sa pintuan. Busy ang professor nila sa pagsusulat ng kung anu-ano sa board.

"Medyo." Sinulyapan siya nito. Today is Wednesday so they are allowed to wear casual clothes, wash day nila ngayon. "Kanina pa si prof?" tumango ito. "Nagtest na kayo?"

"Hindi pa pero kapag natapos niya ang topic magtetest na raw."

"Pasulyap ng notes mo." Ibinigay nito sa kanya ang notes nito, naiinggit siya sa notes ni Xyler dahil sobrang linis. Maganda din ang penmanship nito samantalang iyong kanya pwede ng pumasang doktor. Mabilis niyang binasa ang notes nito at sinubukan na ipasok sa utak niya ang lahat.

"Eyes in front." Hindi siya nakinig sa utos ng prof nila dahil mas inaalala niya ang laman ng notes ng katabi niya. Habang nagbabasa ay nakikinig din siya sa mga sinasabi ng professor nila. "Questions?"

Napatingin siya sa mga classmates na isa-isang kumuha ng long bondpaper, may inabot si Xy sa kanyang bondpaper. "Here."

"Thank you Xy you are really my savior."

Nagsimula na ang test, iyong moment na super cramming ang nangyari sa kanya dahil minutes before the test iyong ginawa niyang pagbabasa? Pero hindi naman ganoon iyon, iyong ginawa niyang pagbabasa ay review lang sa kanya dahil matagal na siyang nag-aral. Natatabunan lang ng mga bagong impormasyon kaya kailangan ng review. After the test ay kinuha ng professor nila ang kanilang testpaper.

ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon