Chapter thirty one.

Comenzar desde el principio
                                    

"Didy ko!" Sigaw padin ng anak ko kahit hirap na hirap magsalita sa pagiging bulol. Napangiti naman ako sakanilang dalawa. 

"Alam mo Franco, kung tinuturuan mong magbilang at mag-abc yung anak mo okay pa sana ee. Hindi puro kayabangan." Sabi ko sakanya ng umiiling habang nilalagyan yung plato nilang dalawa ng pagkain. 

"Okay kang yun, atleast hindi kasinungalingan katulad mo...'Baby, shinong megende? Mimy diba?' Oh diba kasinungalingan?" Pang-aasar niya sakin at ginaya pa talaga yung tinuturo ko dati kay Kielle, mas inartehan pa yung salita..tinignan ko naman siya ng sobrang sama. 

"Ah ganon, di ako maganda?!" Sabi ko saknaya ng kunwaring naasar. 

"Nukaba! Mali naman kasi talaga yung tinuro mo sakanya, dapat..'Baby..sinong sobrang ganda? Mimy diba?' Dat ganun!" Pambobola niya sakin sabay taas baba pa ng kilay niya.

"Bolero!" Sabi ko sakanya sabay irap..tinawanan lang naman ako ng loko. 

"Babe..yung birthday party mamaya ni Papa sa bahay ahh...ngayon ko na kayo papakilala ni Kielle ee." Sabi niya sakin..kinabahan nanaman ako, noong isang araw pa niya kasi inuulit ulit yung paalala na ipapakilala na niya ako..althought kilala naman na ako ng magulang niya, yung ngalangbilang secratary pero hindi asawa...kaya kinakabahan ako. 

"Babe.." Ulet niya ng hindi ako sumagot..inirapan ko naman siya.

"OO na nga, paulet ulet..kinakabahan ako ee." Sabi ko sakanya. 

"Ano kaba wag kang kabahan, magugustuhan ka nila for sure." Sabi niya para mapagaan yung loob ko, nginitian ko nalang siya at pinagpatuloy yung pagkain ko...sana nga...magustuhan nila ako. 

----------------

"Relax babe..hindi ka naman nila kakainin, and don't be tense you look beautiful." Bulong sakin ni Franco ng nasa tapat na kami ng gate ng mansyon nila..nakikita ko na yung mga bisita nilang sobrang elegante yung ga damit samantalang ako naka simpleng blue dress lang..napatingin naman ako sa mag-ama ko ngayon na magkaterno ang damit..ang cute nilang tignan maslalo na ngayon inaayos ni Franco yung neck tie ni Kielle. 

"Ready?" Tanong sakin ni Franco ng humarap siya sakin at pinadausdos ang mga braso niya sa bewang ko. 

"Yeah..ready.." Labas sa ilong na sagot ko sakanya..pinilit ko ding ngumiti pero hindi ko alam kung ngiti nga ba o ngiwi ang naipakita ko sakanya. 

Sabay kaming pumasok ni Franco at ni Kielle sa loob ng mansyon nila..ahad na nagdagsaan ang mga bisita nila para kamustahin si Franco. Nakita ko din si Jace na nandoon..yung isa sa barkada nila Seb..and speaking of Seb nakita ko sila ni Michie sa di kalayuang table na kasama ang anak nilang si Selena. 

"Oh..sino yang mga kasama mo Franco?" Nabaling naman ang atensyon ko sa mag-ama ko na ngayon ay may kaharap na maarteng babae na akala mo ee kinapos sa tela kung makapagdamit..ang lakas pa ng loob na taasan ako ng kilay. Eh kung isupalpal ko kaya sa harap niya na asawa ko yung kausap niya? Pero imbes na magsalita hinintay ko nalang yung isasagot ni Franco. 

Desperate Secretary (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora