Chapter 6 - Eh? Seriously?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Teka nga! Ibig bang sabihin nito...Miyu-chii, natuloy ka sa Royalty gang noon?"

Natigilan ako sa tanong ni Ami at napatingin sa kanya.

Ami's POV

Woah! I can't believe it. Hindi ako makapaniwala na kaya palang makipag-race ni Miyu.

"Sshhh! Baka may makarinig!" sabi niya.

"Gaga! Tayong dalawa lang naman dito sa balay," kinurot ko ulit ang hita niya

Napadaing na naman ulit siya sa sakit. Haha! Ang cute talaga ng bestfriend ko kapag nasasaktan.

Hala! Ang sadista ko na hihihi!

"Edi ibig sabihin totoo? Natuloy ka nga bessy? Member ka na ba talaga ng Royalty gang?"

Ang huling alam ko kasi sa kanya dati, balak niyang sumali sa Royalty gang sa Japan. That was 4 years ago. Pero di na ako updated sa kanya after nun kasi lumipat na kami ni mama dito sa Pinas.

Sikat ang Royalty gang sa Japan. Halos kasi malalakas ang mga miyembro nito. Lagi silang number 1 pagdating sa mga gang war. Bali-balita rin na galing sa Royalty gang ang legendary gangster na si 'Black Rabbit' . She's known as the wicked gangster kasi wala siyang sinasanto kahit na isa sa kanyang mga kalaban. Kung hindi man namamatay ang mga ito ay malamang nasa hospital at critical ang mga lagay. 'Yun nga lang, it is still unknown until now ang identity ni Black Rabbit. Pati ang mga miyembro ng Royalty gang ay walang nakakaalam. Minsan nga iniisip ng iba na that gang didn't exist at gawa-gawa lang ang mga storya nito.

Well, paano ko nalaman lahat ng 'yan? Syempre updated yata ako sa gangster world dito. Usap-usapan din kaya ang Royalty gang dito sa Pinas. Parang itong gang na ito ang dahilan kung bakit parami ng parami ang mga gang dito sa Pinas. Gusto kasi nilang makalaban kahit isa sa mga myembro ng Royalty gang.

And to tell you a secret, I have a crush na gangster din. And he's my schoolmate, hihi!

"Basta! 'Yun na yun!" she pouted.

Ang cute cute talaga ni bessy. Napapangiti na lang ako habang tinitignan siya.

"Ang importante may pera na tayo ngayon, Ami-chan. Pangdagdag sa gastos dito sa bahay. "

"Huh? Anong tayo? Pera mo 'to, Miyu-chii. Di ko tatanggapin 'to. At isa pa, wag kang mag-alala sa gastusin dito sa bahay kasi may pera naman ako dito."

Kinuha ko ang kamay niya at inilagay doon ang sobre.

"Hmm... Bakit di nalang tayo mag shopping ngayon? Tama! Para may gamit ka na Miyu-chii."

"Eh? Pano ang klase mo?"

"Aabsent ako ngayon. Sasamahan kitang mag-shopping at... hmmm, kailangan mo na rin atang magpa-parlor," hinawakan ko ang buhok niya.

Sobrang taas na rin kasi ng buhok niya. Kailangan nang gupitan.

"Nani?!"

Miyu's POV

Napahawak ako sa aking buhok. Ilang taon ko rin kayang pinapahaba 'to.

"I like it when it's long. "

Napakurap ako nang biglang marinig sa isip ko ang pamilyar na boses lalaki. Bigla tuloy uminit ang pisngi ko.

"Iie.. Iie.." (No... No..)

Siya ang dahilan kung bakit pinapahaba ko ang buhok ko. Alam ko kasing magugustuhan niya ito.

"I won't take your 'no' Miyu-chii," tumayo si Ami mula sa pagkakaupo, "Magpapalit lang ako ng damit. Mag-ayos ka na rin! Sa labas na tayo kumain."

Miyu: The Queen of AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon