Naghilamos muna ako at inayos ang sarili ko sa salamin. Ayokong magmukhang pinagsakluban ng langit at lupa sa harapan nila. Ayokong mag-alala sila mommy at daddy.

Nang makuntento na ako sa aking itsura ay lumabas na ako. Sa bungad pa lang ay dinig na dinig ko na ang halakhak ni dad kaya napangiti ako.

"Baby Z, come here..."

Humalik ako sa pisngi nina mommy at daddy at iniwasan ang nagdududang mata ni ate. Umupo ako sa tabi nya, sa harap namin si mommy at nasa sentro naman si daddy. Ngumiti ako kay Tita Mira na pinagtitimpla ng kape si daddy.

Masayang nag-uusap sina mommy at daddy tungkol sa business habang kami naman ni ate ay nagkakailangan--- Ako lang pala.

Tahimik lang akong kumakain habang si ate ay tapos na. Nakatuon lang sa akin ang mata nya na animo'y sinusuri ang bawat kilos ko kaya nakakaramdam ako ng pagkailang.

"Oo nga pala, Zein."

Nabalin kay daddy ang atensyon ko. Malawak ang ngisi niya at mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ni mommy sa ibabaw ng lamesa. Napangiti na lang ako.

"Nasabi na namin ito kay Allison," Bumalin sya kay ate na tumango lang. "May out of town kami ng mommy mo kaya hindi kami rito magpapasko." Masayang wika nito.

Sandali akong natigilan at pilit na ngumiti kahit na nalulungkot ako. Yeah, I admit it.

"R-really? That's great!" Tinakpan ko ng bahagyang ngiti ang lungkot sa mukha ko.

"Okay lang ba sa inyo?" Tanong naman ni mommy.

"Sa akin, okay lang." Walang ganang sambit ni ate.

Tumingin naman sila sa akin. Kahit na ayoko ay tumango na lang ako. Gusto ko rin naman na magkaroon sila ng time sa isa't-isa dahil halos trabaho na lang sila.

Bigla kong naisip si Ace. Sana pagkatapos ng lahat, mag-out of town din kami. GHAD! Bigla akong na-excite. Napuno ng tawanan ang hapag-kainan pero hindi pa rin ako tinantanan ng paninitig ni ate.

Isasara ko na sana ang kwarto ko nang biglang may pumigil sa akin. Nakangiting pumasok si ate na dala ang kanyang comforter at unan.

"Mind?"

"Sure." Sagot ko kahit na parang hindi magandang mag sleep over sya sa kwarto ko.

Iniwasan ko nga sya kanina pero mukhang hindi ko na 'yon magagawa ngayon na namimili na sya ng movie na papanoorin namin.

"I'll get some snack," Pagpapalaam ko bago lumabas.

Kalma lang, Zein. Kahit na malaman nya ang nangyayari sa amin ni Ace, hindi na sya papagitna.

Naabutan kong nakatulala si Tita Mira sa sofa sa salas. Nasa kwarto na malamang sina mommy at daddy kaya sya na lang ang natira rito. Napunta sa akin ang atensyon nya nang makita ako.

"Hindi ka pa inaantok, tita?"

Umiling ito. "Mag sleep over ata kayo?" Tanong nya.

Tumango na lang ako bago dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng gatas sa ref at nagsalin sa baso. Diretso ko itong nilagok bago kumuha ng mga snacks.

"May sinabi ba sa'yo si Allison?"

Napatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Tita Mira na natawa. "Ginulat mo ako, tita." Natatawa ko ring sagot.

"May dapat ho bang sabihin sa akin si ate?" I asked out of curiosity.

"Huh? W-Wala naman. Baka kasi may nasabi syang plano sa'yo sa christmas. Uuwi rin kasi ako sa pasko kaya wala rin ako."

Payak na ngumiti na lang ako bago sinabing wala pang nababanggit si ate. Bakit ba lahat mawawala sa pasko? Excited pa naman ako.

Naabutan kong nakadapa si ate sa kama at tutok na tutok sa pinapanood nyang Polar Express. Hinagis ko sa kanya ang mga kinuha kong chips.

"Bad, Zein."

"Right."

Humiga ako sa tabi nya at kumuha ng chip. Tahimik lang kami na nanunuod dahil maganda naman ang palabas.

Bigla kong naisip si Ace. Sana minsan mag sleep over din kami.

"Horror?" Tanong nya sa akin habang pinapakita ang The Conjuring.

Tumango na lang kaya sinalang nya na ang panglimang movie. Sumulyap ako sa cellphone ko. Alas tres na pala ng madaling araw.

Napabuntong-hininga na lang ako nang wala man akong message na nareceive kay Ace which is unusual. Dati kasi tinatadtad nya ako ng tanong.

Pinagkibit balikat ko na lang 'yon at itinabi muli ang cellphone ko.

"May problema kayo." Sinabi ni ate. That's not a question, more like a statement.

"Wala." Tipid na sagot ko.

Ayan na. Finally, nag-open na sya. Kanina ko pa kasi sya napapansin na parang may gusto syang itanong.

"How's Ace?"

"Doing good."

Sa bawat tanong nya ay tinatapalan ko ng tuldok na sagot. Ayokong magkaroon sya ng follow up question at natatakot ako kung saan 'yon maaring magtungo.

"Hmm... May kaibigan kang pangalang Mia, right?"

Napatingin ako sa kanya. "Yeah. What about her?" Tanong ko.

Umayos ito ng upo at kunot-noong tumingin sa screen ng T.V. Parang nalilito ito. "Sabi mo nasa State sya." Sabi pa nito.

"Doon sya nag-aaral."

Nanatili ang pagkakunoo ng noo nito. Pinatay nito ang T.V at umayos ng pagkakahiga. Tumingala ito sa puting kisame.

"Bakit mo natanong?"

"Wala lang, para kasing nakita ko sya."

Ako naman ngayon ang nangunot ang noo. Imposible 'yon. Kung uuwi man sya ay malamang na magsasabi 'yon.

"Baka naman kamukha nya lang."

Tamango naman ito. "Baka nga." Pag sang-ayon naman nito.

"Oo nga pala, about Mr. Francisco Augustine."

"Hmmm?"

"Due to the lack of evidence... Pinalaya na sya last week."

"WHAT?!"

Tumango ito sa akin. GHAD! Ano bang nangyayari rito?! Hindi na ako makasunod. Akala ko matibay na ang kaso nya para sa habang-buhay na pagkakakulong.

"Nabalitaan ko na bumibisita sya kay Ms. Violet Rivera na bumubuti na ang lagay sa Rehabilitation Center."

Hinilot ko ang sintido ko. Sumasakit ang ulo ko sa dami ng mga nalalaman ko. May connection pa rin sila sa isa't-isa.

Napamulagat ako nang mapagtanto ang isang bagay na hindi nagpatulog sa akin magdamag.

Kung nakalaya na si Francisco at may connection pa rin sila ni Madame Violet. Hindi kaya, sila rin ang nasa likod ng pagbili sa Hell University?

Chasing Hell (PUBLISHED)Where stories live. Discover now