Nakakapanlambot ng puso grabe..

Pagdating namin sa harapan ng room nila..pina una nang pumasok ni Ariela si Minah sa room nila..

"Bespren ano yung pinaguusapn nyo kanina nung Ceremony? Nung paturo turo pa si Minah sa nag bbeat, dun kay Rocco..." tanong ko.

"Sinabi ko sa kanya gwapo ung lalaki..sabi ko din pwede mo maging crush yan.."

" e? Ano sagot niya?"

" pwede din daw.."

"Ouch yun bespren! "

" nu ka ba pero sabi niya din ayaw niya daw talaga muna kasi naiisstress lang siya sa gnun"

" kahit na bespren...sinabi niya pa dn na PWEDE...aww tlga.."

" ok lng yan..dami pang babae diyan o.." sabi ni Ariela sabay tapik sa likod..

Napatahimik nalang talaga ako..

"Geh pasok nko" sabi ni Ariela..

Kaya pumasok na din ako ng room.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng room pinagalitan kagad ako ng teacher...

"Yeshua!!, bakit di ka pa din nagpapagupit?" Sabi ng guro.

"Sir, may mahalaga lang po talaga na ginawa samin kaya di po ko nakapagpagupit" 

Ang sagot ko sa guro na hindi naman talaga too..

"Siguraduhin mo bukas gupit na yan ah! Kundi pageexperementuhan ko yang buhok mo"

"Opo"...

Maya maya habang ineenjoy ko ang long hair ko may kumatok sa pintuan.. 

Pagkabukas nito.. 

Si GELERIYA!!!!!!!!!!! 

Ang EX ko!!

Ano ginagawa niya dito?

"Class, eto nga pala si Geleriya. Siguro marami na sa inyong nakakakilala sa kanya, dati na siya dito nahuli lang ang pasok niya..at nagkataong magigiging kaklase niyo siya." 

Sabi ng guro at sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi ko..

Wag mong sabihing... 

ITATABI NIYO SIYA SAKIN!!!!

"Dun ka nalang umupo sa tabi ni Yeshua." Sabi ng guro..

Patay...

Habang naglalakad si Geleriya papunta sa upuan sa tabi ko nagtinginan ang mga kaklase namin saamin at sabay kumanta..

"Muling ibalik ang tamis ng pagibig.......Sayang naman..."

Grabe nahihiya ako...

Dedmahan lang talaga kami ni Geleriya..

Ano tong nararamdaman ko? Ang weirdo!!

Hinampas ko ang ulo ko... 

Nakamove on kna dba??

Bakit parang bitter pa din ako??

Tumingin ako saglit kay Geleriya..

Grabe!!

2 months lang ang nakalipas..

Ang laki lalo ng ginanda niya!! Yung mga kulot niyang buhok naging straight..

TAE TAE TAE!! Bakit ko ba iniisip yun?

Were Not A, Were Meant to B (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon