♕ (12-20-13) Oh, It's Tao ♕ {Christmas Party}

220 10 2
                                    

December 20, 2013 - Christmas Party

Sobraaang excited ako! Mala-Santa Claus ang peg ko, medyo marami rin akong niregaluhan.. Lalo na at mayroon kaming exchange gift na buong klase tapos kaming barkada. So dalawa ang special gifts. Plus, regalo ko pa sa adviser ko. Oh 'di baaa.

Nagbigayan naman sia ng regalo sa'kin, ganun rin ako. Nakakatuwa yung mga regalo nila, lagi kong nasasabing, "Ay cutieee patootie!" Kaya natatawa na lang sila.

Ang regalo ko naman sa kanila ay stufftoy. Take note, it cost 150 each. Hmmfft~

Ang exchange ko sa buong klase, ang regalo ko sa kanya  is CAMPUS ROYALTIES na Watty Book. Oo, as in, yung 250 pesos. Syetams, hindi nga ako makabili nun e tapos siya naibili ko. >_< Wala e, kabarkada ko kasi yung nabunot ko at yun yung pinakamagandang (pinakamura. XD) na nakalagay sa Wishlist niya. Haha. Dejk, meron pang nakalagay na MY PRINCE pero mas maganda yung Campus Royalties dahil alam kong yun talaga ang pinakagusto niyang makuhang libro. Aren:t I so sweet? :') *insert sarcasm*

Sa barkada naman, ang niregalo ko ay stufftoy . Stufftoy na PANDA! ♥ Kahit ayaw kong i-regalo yun dahil it *cough* symbolizes *cough* of Tao. :') Pero okay lang. Haha!

Ang regalo ko naman sa adviser ko ay picture nilang mag-asawa with their daughter na naka-frame. In-edit ko pa yun sa Photoshop! :') See, kahit sa labas ng Watty I brought my editing skills. CHOS~ Di nga ako ganun kagaling mag-edit katulad ni @Liorsky , @perfect_little_girl , @Yourlonglostsister , @billysmile13 , .. atbp. XD Haha!  They are my idols, especially @Liorsky who js veryy veryy kind to meee. ♥ :') :*

So yun nga.. May nagregalo sa akin ng bench & bath na green, piano na kapag binuksan ay nailaw tas tutunog. Haha, pambata. XD, panyo, Minnie Mouse na keychain na siper duper liit pero cute, mug na frog ang design, lagayan ng note and many more. Nalimutan ko e. Haha! Sorry. ♥

Their reactions sa mga regalo ko sa kanila:

"Waaah, ang cute! May price tag pa. HAHA!" Yan ang sabi nung mga binigyan ko. Sorry naman, nagmamadali na ako magbalot eh kaya hindi ko na tinanggal yung price tag. Huehuehue. <3

Tapos doon sa exchange gift sa barkada , hindi pa niya binubuksan. XD

Yung regalo ko naman kay Sir, syett! Nakakahiya! Yung regalo ko lang na ang binuksan. Much worse, binalandra pa sa mga kaklase ko.

Pinipicturan ko pa si Sir habang binubuksan niya yung gift ko sa kanya at para makaiwas na rin sa hiya sa mga kaklase ko. Tapos nung binuksan na, voilaaa! Ang sabi ng mga kaklase ko, "Tuhrayy!" Tapos tinanong ako ni Sir kung ako ang nag-edit, nagsmile at nagnod naman ako. :') Hihi, flattered. JOKE!

And sa exchange gift ko sa buong klase, tuwang-tuwa si Mika! Kahit nahirapan siyang buksan. Haha, punuin ko ba naman ng tape e. XD OKAY, NAKAJONGDAE AKO. XD

And last but not the leasssst, ang exchange gift sa akin! ♥

Kami kasi, ideniscribe kung anp itsura nung nabunot. Tapos sabi ng kaklase ko,  "Maganda... Mabait... Matalino..." *insert Nasa Iyo Na Ang Lahat song by Daniel Padilla here* Haha. Tapos "Sexy" daw, nung sinabing sexy madaming nag-angkin sa mga kaklase ko. Sabi ay "Ako yan!" XD PERO GUYTH, 'WAG KAYONG MANIWALA NA SEXY AKO. XD Nagmamala-Xiumin ako pagdating sa pagkain. XD

Okay, hindi ko kaagad binuksan yung gift sa akin. Nagbibilang pa kasi ako ng ibabayad doon s la cater. Oo, gastos ko lahat. Suho yata ang peg ko. Haha, joke. XD Treasurer kasi ako ng klase namin kaya ayun, MALA-Suho lang.

Tapos eto na, tentenenententententen! *sabog ng confetti* Bubuksan ko na ang gift sa akin!

Sa labas nung wrapper, nakalagay na 'To: Aubrey, sorry kasi baka hindi mo magustuhan gift ko sa'yo. I love you, bes. From: Kim'

Hindi ko tanda yung nakalagay pero something like that. :)

Tapos lumapit sa akin si Kim at pinanuod akong buksan yung gift.

Pagkabukas ko, ang lawak nung ngiti ko. Tapos panay ang imik ko ng: "Oh my gosh, si Tao." , "Si Tao", "Haha, Panda. Ang cute." , "Tao." XD

I was expecting for Luh--- I mean a deer. :( Pero okay lang. Panda puppet yung gift sa akin. Haha! Ohmygatth. 

Tapos mayroon pang parang diary na isa pang gift. Awee. ♥ Dalawang exchange gift, ♥ . Ang cute nung diary. :') Sabi ko sa sarili ko na "dito ko ilalagay ang pagfafangirling ko. XD"

Tapos nagpasalamat ako kay Kim. Maraming thank you. Natatawa nga siya sa akin kasi panay sabi ako ng "Cutiiie" , "Panda!" , "Tao".

Tinanong niya kung bakit "Tao" at ano yung "Tao", hindi niya kasi kilala ang buong EXO. Hindi siya EXOstan. Rare lang kasi ang species ng EXOstans sa school namin.

Ang sagot ko sa kanya ay, "Haha. Panda yun si Tao na magaling magwushu at martial arts. Lagi pating puyat yun dahil busy mag-practice ng wushu. XD"

Hindi niya nagets pero natawa siya. See? Ang boring kapag hindi EXOstan, napagkakamalan ka pang SLOW at WALANG ALAM sa pinagsasabi nating mga EXOstans. XD

Ohmygasssh Luhan! Regalo mo kasi sarili mo. Hmppp. :( HAHA! Okay na rin itong Panda, may TAOHAN naman na shiniship. XD HAHA! <3

Okay, yun lang guys. ♥ Merry Christmas and Advance Happy New Year. ♥ Magshare rin kayo! :')

AATG's Graphic Junks { CLOSE }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon