Chapter 6

19 4 0
                                    


Cassandra P.O.V

Naalimpungatan ako sa tunog ng phone ko kaya napa tayo agad ako. Kinuha ko yung phone ko sa side table at tinignan kong bakit ito tumunog. Tumawag si Xavi at ang dami niyang text.


Calling Xavi........

Ako: Hello, Xavi?

Xavi: Nagising ba kita Cass?

Ako: Okay lang naman Xavi, may problema ba?

Xavi: Kasi yung mama ko naaksidente pe--

Ako: Nasan ka pupuntahan kita?

Xavi: Sige text ko sayo

Ako: Okay. Bye.


Pag baba ko nung tawag nag bihis na ko. Pumunta ako kay mommy at nag paalam akala ko nung una hindi niya ko papayagan pero pumayag din naman. Sakto pag sakay ko ng kotse nag text na si Xavi at nandon na rin ang address nung hosital. Pag dating ko nakita ko agad si Xavi sa labas ng hospital. Niyakap ko siya.

"Okay ka lang ba?" -tanong ko habang yakap siya.

"Ngayon okay na kasi nandito ka na." -humiwalay siya sa yakap at kumindat.

"Ang bakla mo AHAHA" -ako lang ang tumawa mag isa. Ang sama.

"Hindi ako bakla clingy lang talaga ako sayo." -pag sabi niya nun automatic na namula ako. Hinila niya na ako papasok sa hospital. Tumigil kami sa isang room at nag hintay don.

"Ano bang nangyari?" -tumingin ako sa kanya at tumingin din siya sakin.

"Lalayas na sana si mama dahil niloko siya ni papa mabilis siyang nag drive kaya naaksidente." -paliwanag niya.

"Magiging okay din ang lahat." -hinawakan ko yung kamay niya at hinimas ito.

Ilang oras pa kaming nag hintay sa labas nung kwarto. Pinatulog ko na si Xavi sa balikat ko kasi halata sa kanyang stress siya. Pinikit ko na rin ang mga mata ko dahil inaantok na rin ako. Nagising ako ng marinig ko ang pag bukas nung pinto. Gigisingin ko na sana si Xavi kaso gising din siya.

"Family of the patient?" -sabi nung nurse na lumabas sa kwarto nung mama ni Xavi.

"Ah kami po yun miss. Ayos lang po ba ang mama ko?" -sabi ni Xavi at tumayo sa harap nung nurse. Tumabi ako kay Xavi.

"Ah sorry ma'am pero family member po ba kayo?" -sabi nung nurse sakin. Napa yuko na lang ako at dumistansya ng konti.

"Ah sorry Xavi. Hintayin na lang kita sa labas." -tatalikod na sana ako ng bigla niyang hilain yung kamay ko.

"Hindi babe kailanga kita ngayon wag mo kong iwan." -sabi niya sabay akbay sakin "Sabi ko diba KAMI ibig sabihin kasama ko siya." -sabi ni Xavi dun sa nurse. Hinawakan ko na lang yung kamay niya para kumalma siya. Paano pa kaya pag naging kami baka maki pag suntukan na to?

"Sorry po sir." -sabi nung nure.

"Kamusta ang mama ko?" -sabi ni Xavi at lalong humigpit ang akbay sakin.

"Ayos naman po siya sir pwede nyo na po siyang puntahan sa kwarto niya. Sige po una na ko ma'am and sir." -paalam nung nurse. Mauna ka na nga sana. Joke.

"Ah Xavi hintayin na lang kita dito nakakahiya kasi sa mama mo eh." -sabi ko at umupo dun sa upuan kung san kami naka upo.

"Tsk! Hindi tara dun sa loob wag ka ng mahiya ipapakilala din naman kita sa mama ko eh." - sabi niya at hinila ako sa kamay. Hilig niya kong hilain pansin ko lang, kayo rin ba?

Pag pasok namin ang daming sugat sa katawan niya pero may gamot na yon. Umupo na lang ako dun sa sofa dahil lumapit siya sa mama niya. Naka tingi lang ako sa kanya habang papalapit sa mama niya. Mama's boy pala ito kaya malambing. Naka tingin lang ako sa kanya ng bigla syang tumingin sakin at sinenyasan na lumapit ako sa kanya. 

"Cass ang mama ko." -sabi niya at ngumiti sa akin. Halatang naiiyak na siya.

"Hello po." -bati ko naman kahit ito ay tulog.

"Ayokong pati siya mawala sakin Cass. Gagawin ko lang ang lahat para mabuhay siya." -sabi niya at tuluyan ng umiyak. Imbis na maging bakla siya lalo pa siyag naging lalake sa paningin ko.

"Sino na ba ang nawala sayo Xavi?" -tanong ko habang yakap siya.

"Yung bunso ko na kapatid na hindi ko man lang nasilayan. Namatay siya dala pa ng mama ko." -pag sisimula ng kwento niya.

"Pinalaglag ng mama mo?" -tanong ko.

"Hindi Cass. Nakunan ang mama ko at dahil din sa papa ko." -pag sabi niya lalo siyang umiyak pinatahan ko lang siya kasi ayoko ng mag salita at baka masaktan ko lang siya. Nanatili lang kaming mag kayakap ng marinig namin na nag salita yung mama niya.  

"Xavi anak nandiyan ka ba?" -halos bulong ng mama niya.

"Opo ma nandito ako." -pumunta agad siya sa mama niya at niyakap ito. Tumayo ako at ngumiti sa kanila. Tumingin yung mama niya sakin at kumunot ang noo.

"Sino siya Xavi?" -tanong ng mama niya habang naka tingin sakin. 

Lumapit siya sakin at binigkas ang mga salita na nag paulit-ulit sa utak ko "Girl friend ko po ma si Cass." -sabi niya ng may ngiti.

Girl friend niya ako as in G-I-R-L  F-R-I-E-N-D?


-----

a/n: masabaw din ata to? Vote and comment :)



Friendship is over (On-going)Where stories live. Discover now