Prologue

64 7 0
                                    



"Losing a friend is more painful than losing a romantic relationship." – oo tama ganun nga kasakit yun mas masakit pa nung nag break kami ng boyfriend ko.

Hindi ko alam kung bakit kami humantong sa ganyang sitwasyon. Ibang-iba na sya sa dati hindi ko na sya makilala. Pumikit ulit ako at inalala yung mga huling kataga na iniwan nya sakin.

"You know what kahit kailan nag sisisi ako na naging kaibigan kita. Hindi ko nga alam kung bakit ako nag tiis sayo to the point na pinaplastic kita oo pinaplastic kita matagal na, ako din ang dahilan kung bakit kayo nag hiwalay ng boyfriend mo. Wake up girl hindi kayo bagay kasi ang pangit pangit mo mas bagay kami." – sigaw nya sakin habang ako umiiyak na naka upo.

"Please, twinie, tama na alam kong nag sisinungaling ka lang" – paki usap ko sa kanya.

"Don't call me twinie kasi nasusuka ako hindi tayo mukhang mag kapatid kasi mukha lang kitang alalay. Hindi mo ba halata na kaya kita kinaibigan para lalong umangat ang kagandahan ko." – patuloy nya hindi ko sya matignan kasi ang sakit na pero sa susunod nyang sinabi napatingin ako sa kanya.

"Buntis ako at ang ama ang ex mo. Oo, may nangyari samin ng ex mo habang kayo pa hanggang sa mag hiwalay kayo ikakasal na din kami." – pag ka sabi nya umalis na sya naiwan ako mag isa lalong lumakas ang hagulgol ko. Ang sakit ayaw tanggapin ng utak ko. Hindi ko kinaya lahat ng sinabi nya.

Dumilat ako ng maramdaman ko ulit yung mga nag babadyang mga luha na gustong kumawala. Hanggang ngayon masakit pa rin sakin. Para sakin kaibigan parin kita kahit sayo ay FRIENDSHIP IS OVER na tayo.


----------

Maganda po ba? Next?

Vote and comment

Friendship is over (On-going)Where stories live. Discover now