***ACQUAINTANCE PARTY***

Beginne am Anfang
                                    

"ahh sige salamat." Reply nya pero di ko nalang sya nireplyan.

"sino yun?" tanong ni Bridget.

"Jowa ko." sabi ko sabay ngiti.

"Aaah sino? Pakilala mo naman."

"Haha bakit naman?"

"Syempre bestfriend moko. Haha" sabi nya sabay tawa. Wow lang aa. Makabestfriend ka jan aa. Kung sabagay kaibigan lang nga naman pala ang turing nya sakin eversince.

"Uii sino na yun, pakilala mo nako." Pangungulit na naman nya sakin.

"haha saka na pag seryoso nako."

"Ilang months na kayo?" ako talaga iniinterogate neto. Hmm.

"Tigilan mo na nga kakatanong sa lovelife ko baka malasin. Yung sayo nalang yung isharemo." Mejo harsh kong sagot.

"Lovelife ko? Masaya naman haha." sagot nya ng nakangiti. Buti naman masaya sya. Atleast tama yung desisyon nya.

"Tulala ka na naman. Sorry." Sincere nyang sabi habang nakatingin sya sakin. Umiwas ako ng tingin, instead sa daan nalang ako tumingin.

"No need to say sorry. You made the right decision. What matters now is that you're happy with what you choose." Sincere ko ding sabi. Natapos yung sincere conversation namin na yun ng nakababa na kami sa jeep. Dito na kami sa isang convenience store kung san sya nagwork dati, well kukuha lang sya ng last pay nya.

So habang sya ayun nakikipagharutan sa mga lalaking kawork nya dati, ako heto nakaupo dito sa may mga chairs. Pinipilit ako ni Bridget na ipakilala dun sa mga workmates nya pero tumanggi ako. Umorder na lang ako ng sandwich at soda ko para naman di nakakahiyang mag stay dito. Nabusy nalang ako sa pagkain ko and sa pagtitext kay Elle at sinabing dalian nya.

------------------------------------------------------------------------------

Natapos din ang agenda nya dito sa store kaya naman paalis na din kami.

"O san na tayo punta nyan? Si Elle nasan na?" tanong nya sakin.

"Uwi nalang tayo. Di na daw makakapunta si Elle e."

"Talaga iuuwi moko? O gusto mong iuwi kita samin?" Tanong nya habang ngingitingiti.

"Ohh talagang mahangin yung paligid ngayon no?" sabi ko.

"Haha hindi pa tayo uuwi. Ngayon na nga lang tayo ngakasama ulit, then ang hirap hirap pa sumingit sa schedule mo kaya sulitin nalang natin to." Nakangiti nyang sabi.

"Uuwi na ko." Matigas kong sabi.

"Hindi ka uuwi."

"Uuwi." Sabi ko. Sabay lakad.

"Hahalikan kita o sasamahan mo ko?" maloko nyang sabi. Natahimik ako dun.

"Ano na?" tatawa tawa nyang sabi.

"Fine! Kahit ayoko sa mga choices. Where are we going huh?"

"Maaaaaallll." Masaya nyang sabi.

Natapos na ang araw nato. Ohh yes we were together. Just like before mahilig pa din syang pumunta sa mga boutique, di sya mahilig sa arcade kaya waley di man ako nag enjoy. Pero ako di na tulad ng dati, di ko na sya hinatid ngayon pauwi. Masaya ako na nakasama ko sya, wala syang ka awkward awkward sakin. Ako? medyo. Bawat galaw ko pinag iisipan ko. Mabuti na rin na nagkasama kami para mawala yung bitterness na meron ako, to test if I'm really okay now. Good to say that I'm a bit okay already. Acceptance and letting go talaga. Yung friendship namin? Hmm looking forward naman. It takes time to trust again.

Kauwi ko ng bahay takbo sa cr. Masarap maligo pagtapos ng napaka kumplikadong araw, pagtapos mong makasama ng kayo lang yung taong minahal mo ng sobra pero tripleng sakit ang ginawa sayo. Ang sarap tumutok sa shower habang umiiyak? Charot. Haha! Pagtapos kong magshower di na ko kumain, I prefer to rest in my bed while texting tangkad sagad :)))

"uii te kumusta yung acquaintance party?" tanong sakin ng bata

"ayun boring, kaloka sa sobrang boring." sagot ko na tatawa tawa. Based yun sa naging lakad namin ni Bridget, ang boring kasi e. Haha!

"Buti pala di nako pumunta, anung pagkain?" Haha! Naniwala sya.

"Pika pika lang. Naku! Kakagutom, kulang nalang walang ipakain." Tatawa tawa kong reply. Based ulit yan sa naging lakad namin ni Bridget. Eh kasi naman sa kakabili nya ng damit naubos na yung pera nya kaya tanging takoyaki lang nakayanan nyang ilibre sakin matapos nyang bumili ng pakamahal mahal na mga damit.

"naku naku sayang yung binayad, kurakot." hahaha naniniwala talaga tong bata sakin ahh. Sometimes it's better to talk to young ones talaga.

"oo nga sayang lang din oras.haha" #hugot lang talaga ako ngayon.

"ikaw kumusta ka naman? how did you spend your day?" text ko ulit.

"heto sa bahay lang. sometimes reviewing, nuod ng tv." Grabee naman. Pahinga nalang nya pero nagrereview pa din? How genius is she. Haha!

"sipag naman.haha kaw ng matalino."

"nagrereview lang matalino agad? Di pwedeng nagrereview kasi nga hindi matalino? hahaha"

"haha whatever you want. Ooh itext muna yung bf mo.haha" text ko. Hula ko wala pang bf to, napakainosente kasi nya e.

"nge wala man akong bf the." I got it right. Haha!

"ayy bakit naman?"

"ayoko pa at hindi pa pwede.haha"

"halaaa bakit naman?" tanong ko, nag eenjoy talaga akong kausap tong batng to.

"wala pa sa loob ko na gusto ko na, saka di pako nakagraduate at nakakapag work."

"napakabuting bata mo naman, pero tama yan atleast gumraduate ka man lang" sabi ko.

"Eh ikaw teh may bf kana?"

"kabata bata mo nang iintriga ka na aah?" natatawa kong reply

"di nako bata teh." Asar nyang sagot.

"haha bata ka pa bleeeeh :P"

"di nga the, may bf kana?"

"hahanapan mo ba ko kung wala?"

"ate naman e. sagutin mo nalang ako." pangungulit nya. Haha sagutin ko daw sya ohh.

"seryoso ka? Gusto mong sagutin kita?" pang aasar ko. Haha sasagutin naman kita eh. Hehe

"oo teh sige na." ang kulit talaga ng batang toh.

"wala akong bf. Okay na?" pagsagot ko na sakanya.

"pero nagka bf kana?"

"napakainteresado mo naman ata sakin?" pang aasar ko.

"hehe sorry gusto ko lang malaman." mga bata talaga ang taas ng curiosity level.

Natapos ang araw na to kahit pano masaya ako.Sayang kausap ng batang to e. Good night sayo! :))    

One Dream (GxG) - SLOW UPDATEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt